Enrique Gil shoots dramatic scenes with Richard Gomez and Gretchen Barretto for The Trial

Enrique Gil (in photo) is cast as the best friend of John Lloyd Cruz in The Trial.


Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph na makapanayam si Enrique Gil tungkol sa mainit na pagtanggap ng mga fans nila sa London nang dumalo siya sa Barrio Fiesta 30th TFC anniversary show kasama ang ilang ABS-CBN stars.


Enrique Gil: “Ok naman, masaya, sobrang saya. Yung crowd sobrang solid sila, sobrang enjoy, saka ang daming Pinoy, nagulat ako na madami palang Pinoy sa London.”

Gaano kainit yung pagtanggap ng mga Pinoy nung nag-show kayo dun sa London?

Enrique: “Grabe, pati doon sa hotel na pinag-stayan namin, may mga fans nankasunod sa amin, ibang klase, parang masarap mag-taping uli kasi alam mong pinapanuod ka ng buong mundo.”

Nagkaroon ka kayo ng chance makapasyal ng London after ng show n’yo?

Enrique: “Oo naman, nakapasyal kami at nakapag shopping kami dun sa London.”

Saan saang part kayo ng London nakarating doon?

Enrique: “Yung hotel naming doon sa Hampton Court, tapos nagpunta kami doon sa Central London, siguro mga 45 minutes away, kaya doon kami nag shopping sa Central pero yung hotel nga namin sa Hampton Court na malapit sa Palace.”

What’s next for you after Mirabella?

Enrique: “Tinatapos namin yung The Trial, kasama ko si John Lloyd. Nakapag first shooting na kami ng The Bet [his movie with Liza Soberano], yun pa lang, yun pa lang.”

Kamusta katrabaho si John Lloyd? First time to work with him right?

Enrique: “Yes. First time ko makakatrabaho si John Lloyd, saka first eksena palang ang nagagawa pa rin naming dalawa. Pero yung mabibigat na eksena kasama sina Richard Gomez, Gretchen Barretto nagawa na namin, okay naman, maganda.”

Ano ang magiging role mo sa The Trial?

Enrique: “Ako yung anak nina Richard at Gretchen doon sa movie na magiging best friend ni John Lloyd. Basta, abangan n’yo na lang, basta solid, solid ang acting namin doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sobra bang intense yung mga eksena mo rito kina Richard, Gretchen at John Lloyd?

“Sobrang intense, sa ibang part lang na mabibigat na eksena lang pero okay naman, basta abangan n’yo yung The Trial.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN