Alden Richards grateful for positive feedback on team-up with Kathryn Bernardo

IMAGE Instagram

Alden Richards on team-up with Kathryn Bernardo: "Nagulat po ako at, siyempre after, natuwa na pumayag siya. She really considered working with me, and ako rin naman po, looking forward to work with her."


Natuwa si Alden Richards na positibo ang komento ng karamihang netizens sa pagtatambal nila ni Kathryn Bernardo sa pelikula.

"Positive po, pero siyempre, may mga nag-react pa rin po na hindi okay," sabi ni Alden nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Marso 30, Sabado, sa GMA Network Center.

"Pero mas lamang, mas looking forward... even si Tito Boy Abunda, nag-comment na it’s a fresh team-up, bago naman.

“Napakalaking relevance po kasi na ako, taga-GMA, at si Kath, taga-ABS, doing one film sa istorya.”

Noong malaman niyang si Kathryn ang magiging leading lady niya, ano ang naging reaksiyon ni Alden?

“Nagulat po ako at, siyempre after, natuwa na pumayag siya.

"She really considered working with me, and ako rin naman po, looking forward to work with her.

“Siyempre, marami na ring nagawa si Kath na very successful projects.

"It’s an honor for me to work with her."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta si Kathryn sa storycon nila?

Ayon sa Pambansang Bae, “Mabait, e.

"Kasi, kahit naman po nagmi-meet na kami sa labas before, very accommodating naman po si Kath and pleasing yung personality, very sweet.

“Ramdam ko po noong unang in-announce yung news ng storycon, parang ramdam ko na agad yung feel po na ibinigay sa akin ng mga taga-Star Cinema, yung vibes, yung atmosphere na kapag nagtatrabaho na po kami, parang vibes ng Victor Magtanggol.

“Ganoon po yung dating sa akin.”

ASKING PERMISSION FROM GMA & APT

Na-excite si Alden nang malaman niyang may alok na movie ang ABS-CBN Star Cinema sa kanya.

“Opo, pero siyempre, hindi pa rin puwedeng mag-full blast joy.

"Yung mga paalam, kung hindi pumayag, hindi puwede.

Hindi nahirapan si Alden magpaalam sa GMA Network at APT Films ni Mr. Tony Tuviera.

“Under contract pa rin po ako sa APT and ako po ang nagpaalam personally.

"Mabait naman po kasi si Mr. Tuviera kaya madali po siyang kausapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pumayag naman po agad.

“And GMA has been very good to me for the past nine years kaya wala po talaga akong masabi, very grateful lang po,” lahad ng Kapuso actor.

Nagpapayat si Alden at nag-aral ng Cantonese bilang paghahanda sa shooting nila ngayong Abril sa Hong Kong.

Eleven pounds na ang nabawas sa timbang niya. Mula sa 179 pounds, 168 pounds na lang siya, na nagawa niya sa loob ng dalawang linggo.

Ang goal niya ay maging 160 pounds.

Sabi ni Alden, “Gulay, chicken na boiled lang, fish.

"Wala po akong karne, walang sweets, walang carbs, walang salt, walang fruits—kasi, matamis pa rin po yun.”

Siyanga pala, sa ikalawang anibersaryo ng Daig Kayo ng Lola Ko sa Abril 7, Linggo, ay muling mapapanood si Alden bilang Nonoy the Pinoy Santa.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN