Joshua Garcia approves of Julia Barretto-Gerald Anderson tandem

IMAGE Instagram

Joshua Garcia has no problem with loveteam partner Julia Barretto teaming up with Gerald Anderson.


OK lang kay Joshua Garcia na itinambal ang ka-love team at rumored girlfriend niyang si Julia Barretto kay Gerald Anderson sa isang pelikula ng Star Cinema, na kinukunan sa Japan.

“Proud lang ako sa nararating naming dalawa individually at kung magkasama man kami, proud ako sa mga nangyayari sa buhay namin.

"Blessed kami, di kami nawawalan ng project," sabi ni Joshua nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 50th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Box Office Entertaiment Awards Night noong Marso 24, Linggo, sa Star Theater.

Kinausap ba siya ni Gerald tungkol sa pagtatambal nila ni Julia?

“Ay! Hindi, hindi naman.

"Kuya ko si Kuya Gerald. Kapatid ko siya sa handler, parehas kami ng handler,” sabi ni Joshua.

Open din si Joshua sa posibilidad na makipagtambal sa ibang Kapamilya actress, gaya ni Angel Locsin.

May ginagawa silang zombie ni Julia, ang Block Z, sa direksiyon ni Mikhail Red.

Ayon kay Joshua, “Naka-four days na kaming shooting, maganda naman ang nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatakot siya. Nagsu-shoting ako, ako mismo, natakot.

"Basta, abangan ninyo."

Sa 22nd birthday ni Julia noong Marso 10, isa si Joshua sa special guests ng aktres.

“Binigyan ko siya ng 22 gifts, puro damit. Kasi, nakita ko na masaya siya pag nagbubukas siya ng mga regalo,” pakli ni Joshua.

Itinanghal sina Joshua at Julia bilang Prince & Princess & Prince of Philippine Movies and Television sa 50th GMMSF Box Office Entertainment Awards Night.

Mag-isa lang tinanggap ni Joshua ang award dahil nasa Japan noon si Julia.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN