Snooky Serna bows down to rival Maricel Soriano

IMAGE Courtesy of Dennis Evangelista

Snooky Serna: "Maricel Soriano is Maricel Soriano. She’s the only Diamond Star. Hindi natin mapapantayan yun forever."


Tuloy ang pagmamaldita at pagtataray ni Snooky Serna bilang kontrabida sa Kapuso prime-time series na Sahaya.

Suporta rin lang siya sa launching movie ni Kyline Alcantara na Black Lipstick, na millennial version ng Blusang Itim (1986).

Pero nagmamaganda at bidang-bida si Snooky bilang matriarch sa pelikulang In The Name Of The Mother, kung saan suportado siya nina Rita Daniela, Diana Zubiri, Divina Valencia, Gardo Versoza, Pancho Magno, Miggs Cuaderno, Empress Schuck, Rico Barrera, Jennifer Sevilla, at Vince Rillo, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Bakit siya ang napili ng Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista para magbida sa In The Name Of The Mother?

“Sabi nga ni Harlene, hindi raw niya malaman kung bakit ako ang pinili niya. Ha! Ha! Ha! Ha!” natawang tugon ni Snooky nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa storycon ng movie nitong Marso 30, Sabado, sa Salu restaurant, Sct. Torillo St., Quezon City.

“Baka raw binulungan siya ng mga magulang namin, sabi ni Harlene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi... kasi, kidding aside, para kaming magkakapatid talaga kami.

“Kasi, si Papa ko, ninong ni Herbert [Bautista[, ni Mayor.

"'Tapos, noong nagkaroon kami ng konting family drama noon, tumira yung brother ko saka si Dad sa place nina Tito Butch," pagtukoy niya sa ama nina Herbert at Harlene.

Kailan pa ito?

“Before ako nag-artista uli as a teenager,” matamang sambit ni Snooky.

“Bago ako nag-Underage. ‘82... ‘81... mga ganun.”

RIVALRY WITH MARICEL SORIANO

Mabilis namang kinontra ni Snooky ang opinyon ng ilan na naungusan na niya ang kakontemporaryong si Maricel Soriano, na suporta kay Angel Locsin sa Kapamilya teleseryeng The General’s Daughter na katapat ng Sahaya. Taraaaayyy!!!

“Ay! Hindi naman. No. No!” sabi ni Snooky, na nagdiriwang ng ika-50 anibersaryo sa showbiz.

“Maricel Soriano is Maricel Soriano. She’s the only Diamond Star. Hindi natin mapapantayan yun forever.”

Pero hayan sa poster ng movie, mukha lang niya ang nakabalandra. Nakakagulat!

Marami ang natuwa na sumigla o na-revive ang rivalry nila ni Maricel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thank you naman. Salamat. Salamat,” mapagkumbabang sambit ni Snooky.

“Pero may movie si Maricel, di ba? I’m sorry, this will be about her... pero, di ba, may movie si Marya, sila ni Vice [Ganda]?

“Anyway, I’m happy na... at least, professionally, wala namang personalan dito sa atin, kung meron mang rivalry, it’s all to revive our careers, both our careers.”

FIVE DECADES IN SHOWBIZ

Nakalimang dekada na si Snooky sa showbiz. Ilang dekada pa kaya siya aabutin?

Napabuntung-hininga si Snooky, “Naku! Alam mo, ang dream ko, sana, kung magiging will ni God, gusto kong maging...

“Ang longevity ng career ko, yung parang kay Tita Gloria Romero.

"She’s my idol. Talaga! Every aspect!"

At hanggang ngayon, buo ang tiwala sa kanya ni Direk Joel Lamangan, ang direktor ng In The Name Of The Mother.

Napatango si Snooky, “Thank God! Thank God!

"And I’m really so honored and... showbiz answer ‘to pero totoo... I’m so honored and humbled that Direk Joel chose me also for the role of Carmen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m just really very inspired, thankful na thankful lang ako. Kasi, andami namang artista pero ako yung napili.”

Sa dami ng co-stars niya sa In The Name Of The Mother, kanino siya excited?

“Andami! Andami!” pagkusot ni Snooky sa kanang mata habang napakunot-noo.

“Actually, lahat sila, enjoy ako, happy akong makasama.

"I mean, hindi ko pa nakakasama ang marami sa kanila.

“Pero I have a strong feeling that it will be by God’s Grace, it will be a happy set.

“I will be very happy working with everyone. Kasi, lahat, magagaling na artista.

"Lahat... may matututunan ako sa kanila, bata man o kasing-edad ko, kakontemporaryo ko man.

“And... lahat sila, parang... they’re all so kind. Importante yung may puso ang mga katrabaho mo.”

Mataray na si Snooky sa TV, mataray pa siya sa pelikula, huh?!

“Pero ito, maganda ang matarayan,” matamis pa ring pagngiti ni Snooky.

“Kasi, yung pagka-taray, parang... mataray lang siya because she is strong. Ano siya, e, survivor siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Palaban si Carmen, yung role na ipo-portray ko rito.

“Sa Sahaya naman, si Salida, antipatika lang talaga siya roon.

"Thanks to my bosses in GMA-7. I thank them for the trust.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN