Jay Altarejos commends Kasal lead actors Arnold Reyes and Oliver Aquino

Arnold Reyes (foreground) is cast as the lead actor in the Cinemalaya 2014 entry Kasal, which is directed by Jay Altarejos. Arnold is joined in this photo by Oliver Aquino (background).


Balik Cinemalaya si Direk Jay Altarejos, who is known for gay-themed movies tulad ng Ang Lihim ni Antonio, Ang Lalaki sa Parola at ang Unfriend. Siya rin ang gumawa ng family drama about a father and his son in Pink Halo-Halo, an entry sa 6th Cinemalaya Independent Film Festival.
Sa isang interview via email, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Jay tungkol sa kanyang bagong pelikula titled Kasal na entry niya sa Directors Showcase category ng Cinemalaya X.

Para kay Direk Jay, memorable ang pagsali niya sa Cinemalaya this year dahil ikasampung taon nito.
Bakit Kasal ang napili niyang isali sa Cinemalaya?
“I have always wanted to make a mature gay relationship story and Cinemalaya I think is ready for that. The first time, I joined Cinemalaya, they thought, I'd submit a gay-themed story. Pero Hindi. Maganda kasi sa Cinemalaya bukas ang mga manonood sa form at content ng anumang klaseng pelikula. At gusto ko talagang talakayin ang infidelity among same-sex couple. Gusto kong ipakita na ang mga karanasan namin bilang mag asawa o magkapareha ay hindi naiiba sa mga karanasan ng mga heterosexual couples,” sagot ni Direk Jay.
Ayon pa sa kanya, naisip daw niya ang project halos pitong taon. Pero kahit na noon pa niya ito naisip na gawin pelikula, ang mga sitwasyon sa pelikula ay nangyayari pa rin ngayon. Mayroon pa rin sense of denial tungkol sa kanilang identity ang ibang miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, and transgender) community.
Aminado si Direk Jay na nahirapan siya at ang kanyang grupo bago nila lubusang nabuo ang pelikula.
“As always, the most difficult thing is finding the funds for the film. My friends and I have shelled out money for the production. Most of my cast and staff worked for pro bono. Nakakatuwa nga na hindi lang sa pelikula nararamdaman at nararanasan ang konsepto ng 'commitment' kundi pati sa totoong buhay. Marami sa aming involved sa produksyon ang 'nagpakasal' sa Kasal para lang matuloy ito,” pahayag pa niya.
Kumusta naman katrabaho ang mga actors niya na sina Oliver Aquino (dating member ng grupong Anime) at si Arnold Reyes, na marami na rin nagawang indie film at nagwagi pa ng best supporting actor award para sa Cinemalaya entry na Astig?
“Oliver and Arnold are dedicated actors. Both are good. Bagay sa characters nila at napakaganda ng chemistry at contrast ng dalawa, visually at attack wise, sa bawat eksena,” wika ni Direk Jay.
Ano naman ang mensaheng gustong ipahatid ng kanyang pelikula sa mga miyembro ng LBGT community in particular and the movie-goers in general?
“Sana magustuhan ng community at ng mga manunuod. The film advocates for people to define what commitment is to them. Gusto ko rin lang ipaabot, di lamang sa community, kundi sa lahat ng tao na, we should all work and fight for equality.

"Hangga't hindi nabibigyan ng parehong karapatan ang lahat, katulad ng karapatang magpakasal ng sinuman at kaninuman, hindi totoong malaya ang isang bansa,” seryosong pahayag ni Direk Jay.
Masusing research ang pinagdaanan ni Direk Jay para sa kuwento ng Kasal. He believes in the concept of "Found Story Filmmaking."
“Ang kauna unahang hakbang sa pagsusulat at paggawa ng pelikula ay ang research. Ito ay dapat base sa karanasan, pangyayari o phenomenon.
“Base ang kasal sa isang karanasang nangyari sa isa kong kaibigan. Nangyari ang pag aaway at pagtatanong niya tungkol sa essence of his relationship with his partner when they attended a wedding and when he felt that he was being denied of his presence due to societal and familial conservatism,” paglalahad niya tungkol sa background story ng Kasal.
Kasal is obviously a gay themed movie pero makaka-relate din ba rito ang hindi miyembro ng LGBT community?
“Love, commitment and infidelity are universal concepts that anyone can relate to. Ito ang mga paksang tinatalakay sa pelikula. Alam natin lahat kung papaano magmahal, pagtaksilan at masaktan, sino at ano man tayo,” makahulugang sagot ni Direk Jay.
May sexy scenes daw ang mga bida na sina Oliver at Arnold na inilarawan ni Direk Jay na “makatotohahan.”
Si Polo Ravales ang original choice ni Direk Jay to play one of the lead stars sa Kasal. Pero hindi na nito magagawa ang movie nang mag-extend ang soap opera na Kambal Sirena.
Pati ang stage actor na pinili niya to replace Polo ay kinailangan din palitan dahil sa conflict sa schedule.
“Hindi naman nag-back out ang mga actors na una kong pinili for the characters I created in Kasal. Both parties agreed for them to be replaced due to schedule and creative conflicts. Arnold is a great choice bilang replacement."
Ano ang expectations niya for Kasal, lalo na’t matitindi rin ang mga kalaban niya sa Director’s Showcase section ng Cinemalaya?

There's Joel Lamangan’s Hustisya, Carlos Siguion Reyna’s Hari ng Tondo, The Janitor from Mike Tuviera and Separados ni GB Sampedro.

“Gusto ko lang makagawa ng magandang pelikula. Finally, may drama film na ako,” pagwawakas ni Direk Jay.

(To learn more about the Cinemalaya 2014 entries, CLICK HERE)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN