Ken Chan and Coleen Borgonia portray young Freddie Webb and Nova Villa in Cinemalaya entry 1st Ko si 3rd

Newcomer Ken Chan relates how he became fascinated with the onscreen chemistry of Freddie Webb and Nova Villa during their heyday as a comic tandem back in the '80s: “Akala raw ng marami noon na naging sila dahil nga sa show nila. Pero magaling lang daw silang umarte kaya napaniwala nila ang ibang tao.” Ken is joined in this photo by co-star Coleen Borgonia who plays the young Nova.



Big break para sa GMA-7 talents na sina Ken Chan at Coleen Borgornia na mapili para gumanap bilang teen versions nina Freddie Webb at Nova Villa para sa indie film na 1st Ko si 3rd.


Directed by Real Florido, ito ay isa sa mga official entries ng 10th Cinemalaya Independent Film Festival.


Tungkol sa second chance at first love ang kuwento ng 1st Ko si 3rd na kabilang sa New Breed category ng Cinemalaya X. Ito ang unang pagkakataong magsama sa isang pelikula sila Nova Villa at Freddie Webb na nakilala dahil sa comic-tandem nila noon sa ‘80s sitcom na Chicks to Chicks.

Kapwa pinag-aralan nina Ken at Coleen ang mga kilos at pananalita nila Freddie at Nova. Nag-research din daw sila sa Internet tungkol sa mga nagawa na nilang mga TV shows at pelikula.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Ken at Coleen sa GMA Network Center, nagkuwento sila ng kanilang mga karanasan habang ginagawa nila ang pelikula at kung ano ang kanilang saloobin noong nakaharap sina Freddie and Nova sa kauna-unahang pagkakataon.

“It’s an honor for me to play the young Freddie Webb,” panimula ni Ken.

“Noong mabigay sa akin itong role, I admit na I knew a little about Mr. Freddie Webb.

“Ang alam ko lang, through my parents, magaling siyang basketball player at naging senator siya.

“Hindi sapat sa akin yung mga information na iyon, kaya lahat ng puwede kong ma-Google about Tito Freddie, ginawa ko talaga.

“Gusto ko kasing maging handa ako kapag nag-meet kami for the first time.

“Gusto ko yung marami na akong nalalaman about him para kahit paano ay masasabi niya that I did my homework,” ngiti pa niya.

Na-enjoy ang actor-singer ang pagpanood ng sitcoms na Chicks to Chicks, Chicka Chicka Chicks at Abangan Ang Susunod Na Kabanata sa YouTube. Nalaman rin ni Ken na may comic side din pala si Freddie Webb.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa silang panoorin ni Tita Nova. Bagay na bagay silang dalawa.

“'Tsaka may comic timing silang dalawa.

“Si Tito Freddie, akala ko nga sportsman lang, pero he’s also a comedian pala,” masaya niyang lahad.

MEETING FREDDIE WEBB. Noong ma-meet niya nang personal si Freddie, unang napansin ni Ken ay ang pagiging matipuno pa rin nito sa edad na 71.

Kuwento pa ni Ken, “Unang napansin ko kay Tito Freddie, he’s still physically fit.

“Marami akong kilala na kaedad niya, pero hindi gano’n ang pangangatawan.

“Tapos yung pagtayo niya, diretso pa rin.

“I learned pa nga na he’s still very active in sports and he still works out. Kaya naman pala alaga ang katawan niya.

“Parang nahiya pa nga ako kasi ako itong bata, pero tamad na akong mag-workout. Hindi ko masyadong naaalagaan ang pangangatawan ko.

“Kaya malaking inspiration si Tito Freddie sa akin.

“Gusto ko pag umabot ako sa edad, physically fit pa rin ako at nakakapaglaro pa ako ng basketball.”

Isa pang napansin ni Ken ay ang pagiging pormal kumilos ni Freddie.

“Pormal na pormal siyang kausap. Para nga siyang sundalo, e.

“And when he talks, makikinig ka talaga.

“Noong makapagkuwentuhan nga kami, he talked about his profession mula sa pagiging basketball player, actor, radio personality and politician.

“He is just happy that he’s back to acting na isa raw sa gusto niyang gawin.

“Hindi nga raw siya makapaniwala rin na sila ni Tita Nova ang ginawang bida sa 1st Ko si 3rd.

“He talked about his professional relationship with Tita Nova.

“Akala raw ng marami noon na naging sila dahil nga sa show nila. Pero magaling lang daw silang umarte kaya napaniwala nila ang ibang tao,” dagdag pa ni Ken.

Nagbigay raw ng payo si Freddie kay Ken bilang nagsisimula pa lang ito sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tito Freddie said na alagaan ko raw ang trabahong ito. Mahalin ko raw para mahalin din ako.

“And to take advantage of my youth, hindi sa paggawa ng kalokohan kundi para mas ma-inspire ang maraming kabataan sa mga ginagawa ko.

“Marami na kasing natulungan na kabataan si Tito Freddie through his love for sports.

“Kaya gusto niyang mas maging aktibo ang kabataan sa sports para makaiwas sa masasamang bisyo,” pagtapos pa ni Ken Chan.

COLEEN. Ang baguhang Kapuso talent naman na si Coleen Borgonia ay isang stage actress mula sa Liliw, Laguna na unang lumabas sa isang production ng PETA.

The 20-year-old actress graduated last year from De La Salle University with a course in Philippine Studies majoring in Mass Media.

Nagsimula rin siya sa mga TV commercials (Coke, Rejoice, Western Union) at kakapirma nga lang niya sa GMA Artist Center.

Lumabas na siya sa Bubble Gang at nagkaroon siya ng guest role sa Love Online at Ang Dalawang Mrs. Real.

Ngayon ay nabigyan siya ng break para gumanap bilang batang Nova Villa sa 1st Ko si 3rd.

“This is my very first movie and I am so proud to be playing Tita Nova.

“The fact na napili ako to do this role, malaking bagay na po sa akin lalo na’t nagsisimula pa lang ako sa showbiz.

“So to start my career with this kind of project at kasama pa sa Cinemalaya, it’s a big boost. I hope to do more projects na tulad ng 1st Ko si 3rd,” ngiti pa ni Coleen.

Tulad ni Ken ay todo research si Coleen tungkol sa award-winning TV comedienne.

Ayon kay Coleen, “When the role was given to me, bago pa po kami mag-shoot, marami na akong pinanood na mga movies ni Tita Nova, pati na mga TV shows niya na Chicks To Chicks, Chicka Chicka Chicks, Home Along Da Riles, Abangan Ang Susunod Na Kabanata, hanggang sa yung mga ginawa niya rito sa GMA like My Beloved, Nita Negrita, Futbolilits, Tweets for My Sweet, Pepito Manaloto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko lang po makita kung paano siya kumilos at yung chemistry niya with Mr. Freddie Webb.

“My parents are big fans ni Tita Nova at natuwa sila noong sinabi ko na ako ang gaganap na batang Nova Villa sa isang movie.

“Ako naman po, bata pa lang, kilala ko na si Tita Nova. I know her shows and her movies. Kumbaga kinalakhan ko na siyang napapanood parati.

“Kaya I really consider her as classic star—nag-iisa lang talaga siya and it’s an honor to be playing her in a movie.”

FIRST IMPRESSIONS ON NOVA. Sa unang meeting nga nila ni Tita Nova, natuwa si Coleen dahil ramdam niya ang pagiging natural nito.

Sabi pa niya, “Na-feel ko po agad ang warmth niya lalo na noong malaman niya na ako ang young counterpart niya.

“She gave me good advice na galingan ko raw sa lahat ng gawin ko sa career ko. Huwag daw akong mahiya because marami ang gustong pasukin ang showbiz pero iilan lang ang sinusuwerte.

“Kapag nandiyan na raw ang chance, huwag ko raw pabayaan dahil it can either give me a long and fruitful career or it can be my last.

“Marami na raw nakatrabahong artista si Tita Nova and she has seen them come and go. Pero siya nandiyan pa rin and she’s lucky daw to still be working and getting good roles.

“Sino raw ba makakapagsabi na sa edad niya [67 years old] ay puwede pa raw siyang magbida sa isang indie film? So yun daw ang tinatawag na suwerte na inaalagaan niya.

“And she also told me na huwag akong makalimot na magdasal parati and thank God for all the blessings na dumarating sa buhay natin,” pagtatapos pa ni Coleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN