Victor Neri credits director for good reviews of Cinemalaya entry Separados

Comebacking actor Victor Neri is getting kudos for his acting in his first indie film, the Cinemalaya 2014 entry Separados. He downplays his chances of winning a Best Actor award by saying, "It’s more of the director's naman."


Ang Director’s Showcase entry na Separados ng Cinemalaya ang comeback movie ni Victor Neri.


Sa ginanap na gala night kagabi, August 3, sa CCP Main Theater ay marami na ang bumabati sa actor dahil sa magandang pagkakaganap niya sa pelikula.

Kahit na anim silang lead actors rito, puwedeng sabihin na siya ang pinaka-bida sa pelikula.

Isa rin sa well-received na entry ang pelikula nila at partikular na magaganda rin ang review na nasusulat sa pagganap niya.

Anong masasabi niya rito?

“Thank you, thank you very much.

“Of course, I’m very happy, it’s well received, I can’t ask for anything else.

"I’m back again and working with a lot of people, new people na magagaling.

“Parang lumaki na rin ako rito sa industry. I’m almost 20-plus years in the industry since 1992.

"Sinisigurado ko naman kahit noong bata ako na I always do my 110 percent.

"And I don’t want to let the people down, my director’s down and the people down.

"So, I’m just happy that it pays off and they recognize my work.”

Umaasa ba siya ng posibleng Best Actor recognition?

“Wala, wala, I think, it’s more of the director's naman.

"Cinemalaya is more of the film and the film industry.

"New Breed, up-and-coming directors and, I think, that’s the most important here in Cinemalaya.

“Awards will always be here, hindi ko naman sasabihing importante, but I don’t ask for it.

"If it’s given, it’s given. If not, umaarte pa rin ako this long and it’s enough already.”



Unang pagkakataon din daw ni Victor na tumuntong ng CCP para sa Cinemalaya Film Festival.

“It’s good, it’s very, very different,” saad niya.

“There are a lot of good actors here. Very, very good actors, very, very good directors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aside sa mga naka-trabaho ko na, it’s nice to know that it has been ten years already and it’s going and going and going.

“Siyempre, ito ang nagpapatuloy ng industriya natin, ‘di ba? So, masaya ko na may ganito.”


Unang indie film ni Victor ang Separados kaya ang tanong namin sa kanya ay kung hindi siya nanibago.

Natatawang sagot niya, “Sinabi nila, winarningan nila ako tungkol sa indie at saka sa mainstream.

"But I’m really lucky that this film is well-funded and hindi siya parang indie sa set.

“So, sabi ko, okey lang naman, wala namang pinagbago.

“Yung first indie ko is well-funded. Almost funded like a commercial film.”

May plano na rin daw siyang talagang bumalik sa showbiz kahit na bago pa maialok sa kanya ang Separados.

“May plan akong bumalik. Tapos, nabalitaan ni Direk GB [Sampedro] na bumalik ako.

"Bumalik ako ng Sabado, miniting ako ng Sunday and then pinabasa niya sa akin ang script.

"And I said 'Yes, sige, gagawin ko ‘to, kasi maganda, e.'”

BACK TO ACTING. Pitong taon din daw nawala si Victor sa sirkulasyon. Ang huling nagawa niya ay ang Bakekang pa na teleserye sa GMA-7.

Nag-pokus siya sa pagiging isang chef na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin niya. Bakit niya binalikan pa rin ang pag-arte?

“Namiss ko ang proseso ng paggawa ng pelikula.

"Everything about it, from reading the script to going to the set, nag-aantay ka sa set.

“Actually noon, reklamo ako ng reklamo noong bata ako na ang tagal, ang tagal.

"Ngayon, okay na sa akin. Siguro, tumanda na. Nag-mature na, ‘eto na yun, e.

"I’ve been doing this for almost two decades. I’m 37 now and I started when I was 14.”

FREELANCE ACTOR. Kasama ngayon si Victor sa primetime series na Hawak Kamay sa ABS-CBN pero hindi naman daw siya nakatali sa isang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sino ang mag-offer sa akin. I believe, actors are for hire.”

Kung bigyan siya ng network contract, payag siya?

“If the contract is good, why not, ‘di ba? Yun lang naman yun.

"But I think, in my status already... well, it’s good to have a network contract kung baguhan ka.

"Para may mag-push sa ‘yo, dalhin ka sa first step mo.

"Pero kung sanay na sanay na, technically, you can go to GMA, you can go to ABS, TV5, it doesn’t matter.”

Kahit balik showbiz na siya, tuloy pa rin daw ang pagiging chef niya. May bubuksan nga na bagong restaurant sa September na siya ang chef.


Plano rin ni Victor na makapag-direk din ng pelikula kesa siya raw ang magiging producer.

Ayon dito, “I think, all actors naman, we want to eventually end up having a creative control of something or project.”

Happily married na si Victor at dalawang taon pa lang silang kasal ng misis niya. May anim na buwan daw silang anak na lalaki.

Biniro namin si Victor kung sa pagbabalik niya, nakita na niya ang mga naging ex-girlfriends niya.

Natatawang sabi naman niya, “Si Sharmaine Arnaiz, nandito.

"Sa Hawak Kamay, naka-trabaho ko si Iza [Calzado].

"Wala na, yun pa lang.”

Saka pabiro niyang dugtong, “Marami pa…”

Marami pa talaga?

“Naku, pangit yun. Parang pangit ang dating.

"Marami pa... marami pang pagkakataon na magkikita kami,” natawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN