Jerald Napoles defends idea to open Darna role to Kapuso actresses

IMAGE @iamjnapoles and @jakroberto on Instagram

Jerald Napoles (left) gets bashed, praised on Twitter for suggesting that GMA-7 actresses be considered for Darna role.


Dumipensa si Jerald Napoles matapos punahin ang pahayag niyang sana ay ikunsidera ang ilang Kapuso actresses sa pagpili kung sino ang gaganap na bagong Darna. 

Ito ay matapos umurong ni Liza Soberano na gawin ang pelikula matapos magkaroon ng injury.

Ang ABS-CBN ang naka-acquire ng rights ng Darna.

Ang Star Cinema, angfilm production outfit ng Kapamilya network, ang magpoprodyus ng pelikula.

Kasunod ng balitang pag-atras ni Liza, maraming netizens ang naging aktibo sa pagsa-suggest ng gusto nilang aktres para gumanap sa Pinay superhero.

Marami sa netizens ang nagbanggit ng pangalan ng ilang Kapuso actresses, partikular na si Sanya Lopez.

Sumang-ayon dito ang Kapuso singer-actor na si Jerald.

Tweet niya noong April 5: “I kinda agree that @sanya_lopez is one of the top (if not the top) contenders to be the next ‘Darna’.”

Binanggit din ni Jerald ang isa pang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, na puwede raw gumanap sa papel na Darna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May @MercadoJen pa pala!! Isa pang Reyna na karapat-dapat maging ‘Darna’! Ang exciting! Sana maconsider ang mga Kapuso stars!”

Tweet pa ng aktor, sana ay magpa-audition para sa pagpili ng aktres na gaganap sa role—anuman ang TV network na kinabibilangan nito.

“It symbolises hope for all Pinays in the world. Walang network network, sikat man o hindi,” bahagi ng tweet ni Jerald.

Pero isang netizen (@petengenenemen) ang kumastigo kay Jerald sa kanyang opinyon.

Banat ng netizen kay Jerald, “Nasa ABSCBN Star Cinema ang rights ngayon ng Darna. Bakit nila ibibigay sa GMA artist?

"Huy gising Eto, baliktarin natin sitwasyon. Halimbawa nasa GMA ang rights ng Darna, sa tingin niyo ibibigay ng GMA yan sa artist from rival network? DIBA HINDI”

Sinagot ito ni Jerald.

Sabi ng Sunday PinaSaya mainstay: “I am stating my opinion regarding the casting.

"I am very much aware of the situation. I work in the industry, I know better.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is my twitter.. The only place im allowed to say my two cents. Why are you even condescending??"

Iba-iba naman ang komento ng netizens sa magkasalungat na opinyon ni Jerald at ng netizen.

THE SEARCH FOR THE NEXT DARNA

Noong April 5 ay nag-post sa Instagram si Jak Roberto, kapatid ni Sanya, at ibinahagi sa social media ang edited photo ng Kapuso actress na naka-costume ng Darna.

Nag-tweet din kamakailan ni Lea Salonga na umaasang isang morena aktres ang mapipili para gumanap bilang Darna. 

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang opisyal na pahayag ang ABS-CBN kung sino ang susunod na aktres na gaganap na Darna.

Kabilang sa mga gumanap bilang Darna sa pelikula sina Rosa del Rosario (1951, 1952), Liza Moreno (1963), Eva Montes (1965), Gina Pareño (1969), Vilma Santos (1973, 1974, 1975, 1980), Rio Locsin (1979), Nanette Medved (1991), at Anjanette Abayari (1994).

Sa TV naman, gumanap na Darna sina Lorna Tolentino (1977), Angel Locsin (2005), at Marian Rivera (2009).


Stories We Are Tracking

Lea Salonga hopes new Darna will be morena or kayumanggi
Lea Salonga hopes new Darna will be morena or kayumanggi
Jak Roberto comments on edited Darna photo of sister Sanya Lopez
Jak Roberto comments on edited Darna photo of sister Sanya Lopez
Liza Soberano's manager reveals how she came up with decision to withdraw from Darna
Liza Soberano's manager reveals how she came up with decision to withdraw from Darna
Here's why Liza Soberano backed out of Darna
Here's why Liza Soberano backed out of Darna

 

 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN