Ricky Davao talks about "lips-to-lips" kiss with Jason Abalos for Separados

Separados" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/14241/ricky-davao-talks-about-lips-to-lips-kiss-with-jason-abalos-for-separados" data-desc="Ricky Davao tells Separados co-star Jason Abalos: "‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lip" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/dfe91fb4a.jpg"> Separados" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/14241/ricky-davao-talks-about-lips-to-lips-kiss-with-jason-abalos-for-separados" data-desc="Ricky Davao tells Separados co-star Jason Abalos: "‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lip" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/dfe91fb4a.jpg"> Separados" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/14241/ricky-davao-talks-about-lips-to-lips-kiss-with-jason-abalos-for-separados" data-desc="Ricky Davao tells Separados co-star Jason Abalos: "‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lip" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/dfe91fb4a.jpg">

Separados" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/14241/ricky-davao-talks-about-lips-to-lips-kiss-with-jason-abalos-for-separados" data-desc="Ricky Davao tells Separados co-star Jason Abalos: "‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lip" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/dfe91fb4a.jpg"> Separados" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/14241/ricky-davao-talks-about-lips-to-lips-kiss-with-jason-abalos-for-separados" data-desc="Ricky Davao tells Separados co-star Jason Abalos: "‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lip" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/dfe91fb4a.jpg"> Separados" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/14241/ricky-davao-talks-about-lips-to-lips-kiss-with-jason-abalos-for-separados" data-desc="Ricky Davao tells Separados co-star Jason Abalos: "‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lip" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/dfe91fb4a.jpg"> Separados" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/14241/ricky-davao-talks-about-lips-to-lips-kiss-with-jason-abalos-for-separados" data-desc="Ricky Davao tells Separados co-star Jason Abalos: "‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lip" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/dfe91fb4a.jpg">

Ricky Davao (left) and Jason Abalos (right) shot a kissing scene for the Cinemalaya 2014 entry Separados. Directed by GB Sampedro, this film tells the intertwined stories of six separated men. (To learn more about the Cinemalaya 2014 entries, CLICK HERE)


May kissing scene sina Jason Abalos at Ricky Davao para sa Cinemalaya 2014 entry na Separados.

Directed by GB Sampedro, ito ay tungkol sa buhay ng anim na separated men. Ang karakter ni Ricky ay isang closet gay at si ang karakter ni Jason ay isang car salesman.

Biniro namin si Ricky kung hindi ba siya nag-aalalang mag-enjoy sa mga eksenang ganito?

“Mag-enjoy?” Ulit niya sa tanong namin habang nangingiti. “Aba! Hindi natin alam iyan!” Pasakay na sagot niya sabay banat ng malulutong na tawa.

“Actually natsitsismis nga tuwing may ginagawa akong ganoong eksena, e.

“Pero as an actor, challenging talaga. Kasi may mga macho friends ako, na talagang macho ha, lumalapit sa akin at sasabihing, ‘Wow pare, I have very high respect for you doing those scenes.’

“Ganoon ang sinasabi, kasi seryoso ako sa trabaho ko, e,” ani Ricky nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Nasabi ni Jason na malambot ang lips ni Ricky, ano naman kaya ang masasabi niya sa kissing scene nila?

“Niloloko ko nga siya [Jason], ‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lips to lips na tayo.’

“Nakakatuwa kasi si Jason ang laki ng iginaling as an actor. Nakatrabaho ko siya sa unang-unang TV soap niya, sa teleserye. Tapos ay sa Endo [2007 Cinemalaya entry], saka yung Vietnam Rose… dalawa na yung ginawa namin na puro kami mag-ama.”

MOST CHALLENGING GAY ROLE. Sa mga ginawa mong gay roles, ano ang pinaka-challenging?

“Eto, isa na itong Separados. Hindi dahil sa halikan ha, dahil closet [gay] tapos may asawa.

“Iyong Ang Lalaki sa Buhay ni Selya kasi, challenging physically. Kasi totally naked kami ni Allan [Paule] doon. Yung love scene, nakapatong ako sa kanya, nakapatong siya sa akin, hubo’t hubad kami, ganoon.”

Paano niya iko-compare ang mga actor na naka-kissing scene?

“Iba-iba kasi e, katulad ng kay Allan Paule [Ang lalaki sa Buhay ni Selya], sobrang lover ko talaga siya. Kumbaga, inaruga ko, inalagaan ko, so, yung halikan namin doon is intense… passionate, take three nga iyon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ikukuwento ko, noong ginawa namin iyon… kaya naniniwala ako roon sa insigniya ng movies na may naka-smile at mayroong malungkot-kasi nang ginagawa namin ang eksenang iyon ay nakaburol ang daughter ni Allan Paule.

“So, that shows lang iyong professionalism, hirap na hirap kami noon, pero nagawa namin.

“Actually, pinapatawa ko siya, tinatanong niya ako, ‘Ricky ano ang gagawin natin?’ Sabi ko, ‘Mag-toothbrush tayo, galingan na natin dahil hindi papayag si Direk Carlitos [Siguion Reyna]. Ayaw kitang halikan ng twenty times.’

“So, isa lang iyon sa mga pinagdaanan namin sa Ang Lalaki sa Buhay ni Selya.

“Sumunod, pitong beses kong hinalikan si Christopher de Leon [American Adobo], take seven, iba-ibang anggulo sa Queensboro Hill sa New York.

“Nanonood si Sandy Andolong, si Tita Lilia Dizon, nanonood silang lahat. Naka-jacket sila, nasa labas sila, iyong kotse namin ay nasa truck at paikot-ikot kami roon.

“So, seven times iyon [halikan namin]. Si Christopher mahirap kahalikan, dahil ang kapal ng bigote, kinakati ako,” nakangiting pagbabalik-tanaw ni Ricky.

Pagpapatuloy pa niya, “Iyong kay Jason, very ano, nagulat ako dahil siya iyong umano… kilig-kiligan, kumbaga,” nakatawang saad niya.

“Iyong sa amin ni Jason ay biglaan at saka first time ako na nakipaghalikan na ang daming babaeng nakapaligid, lahat nakatingin. It happened in a bar, and biglaan. So talagang ano, heaven,” pabirong sabi ni Ricky.

“Eto, kahit nakagawa na ako ng gay roles, pero ibang-iba rin ito. Ibang problema, tapos, ibang directorial style. Then, working with my co-actors now, na dati anak ko, biglang ni-lips to lips ako, iba e,” nakatawang pa saad niya.

Pahabol pa ni Ricky, “Naalala ko lang dahil andiyan si Victor Neri, I was working with Victor Neri in a Maalaala Mo Kaya project. We were in Zambales and very thankful ako that I was there. Kasi that time, nasunog ang Ozone [Disco] and I was supposed to be in Ozone every night. Kasi, kami ng mga barkada ko, roon kami tumatambay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So that night, habang nag-eeksena kami, nag-aaway kami, nasusunog ang Ozone. Kaya thankful ako sa taping na iyon na five times na pack-up. Tapos si Direk Olive Lamasan, inaprub na ituloy ang taping nang nakahanap siya ng isang bahay na five hours away from Zambales.

“Kaya I’m thankful na, heto, marami pa rin tayong nahahalikan na lalaki,” pabulong na sabi pa ni Ricky sa tonong bading.

“Pero sana naman ay babae rin, sana sa susunod, gusto ko ay iyong nasa twenties naman,” nakangiting pagtatapos niya.


ON PORTRAYING A SEPARATED MAN. Ang Cinemalaya 2014 na Separados na mula sa direksiyon ni GB Sampedro ay pinagbibidahan rin nina Alfred Vargas, Anjo Yllana, Erik Santos at Victor Neri.

Naka-relate ba si Ricky sa karakter niya na isang separado since matagal nang usap-usapan ang hiwalayan nila ni Jackie Lou Blanco?

“Well, ano na… matagal na naman yun, e. Yeah… okay naman kami. Matagal-tagal na rin naman,” atubiling sagot ng actor/director.

Gaano katagal ka nang separado?

“Siguro, four or five years?” matipid na sagot niya.

Dagdag pa niya, “Pero kasi naman ako, I’m the type of person na I don’t talk about my private life. Pero nakikita naman nila, kaya kumbaga ay hindi na kailangang pag-usapan.”

Pero magkaibigan ba kayo ni Jackie Lou?

“Okay naman, okay lang.”

After Jackie Lou, na-in-love ka na ba ulit?

“I date. I date naman.

“Mahirap lang kasi, parang kasi… kapag galing ka sa isang relationship, parang mas maingat ka na ngayon.

“So enjoy-enjoy muna, date…. Mayroong mga moments na dapat ma-in-love na, kaya lang, may mga anak kasi ako na mga babae at nandoon ang focus ko and of course yung trabaho ko.

“So, masasabi ko na ang hirap makahanap ng mga tao na maiintindihan ako. Kasi minsan ang babae, siyempre pagka may relationship, gusto araw-araw, e. May mga ganun e, ‘no?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, kami, 25-30 hours kami. ‘Di ba nagte-taping kami ng six ng umaga hanggang alas diyes kinabukasan ng umaga, ‘di ba?

“So, pag-uwi mo ay tulog ka na lang, tapos prepare ka na naman for the following day. So, paano naman ang girlfriend?”

Ayaw ba niya magkaroon ng karelasyon na taga-showbiz?

“Depende, ang hirap magsalita ng patapos, e. Pero, sana makahanap lang ng somebody who will understand, na mamahalin ka rin.”

Dahil sa pinagdaanan mo Direk, may point din ba na takot ka nang ma-in-love ulit?

“Actually totoo ‘yan. Medyo may ganoon din. Pero dapat hindi, e.

“So nilalabanan ko rin. Kasi siyempre you have to give yourself a chance. Kasi bata pa naman kami, e, puwede pa namang mag-move on.

“Of course masarap ma-in-love, masarap may kasama… hindi ba?” nakangiting saad pa ni Ricky.


ON BECOMING A MOVIE DIRECTOR. Aminado si Ricky na naiinggit siya sa ibang movie director kaya gusto rin niyang makapag-direk ng pelikula.

Sa telebisyon, ilang teleserye na ang kanyang naidirehe tulad ng Dading, Adarna, at Mga Basang Sisiw.

“Oo, naiingit nga ako sa kanila. I have directed one film pa lang, one third pa, one third of a film. Para sa Gawad Kalinga yun, Paraiso ang title at tatlo kaming director doon.

“Iyon pa lang ang nagagawa kong pelikula, tapos puro TV soaps… Of course it’s my dream,” pag-amin ni Direk Ricky.

Nabanggit din niyang baka matuloy na ito sa susunod na Cinemalaya.

“We were just talking about this kanina. Mayroon akong material na hawak na sinulat ng late Rene Villanueva, Hiblang Abo. E, sabi nga nila, parang maganda raw ipasok sa Cinemalaya, So sana matuloy.

“Tungkol ito sa apat na matatanda. Actually, yung mga ibang kaibigan ko lang nakakaalam tungkol niyon and sabi nila sa akin, ‘Gawin mo na Ricky, kasi mamaya ikaw na ang umarte diyan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, tungkol sa mga matatanda ito, tipong 70, 80… pang mga Dolphy sana, tatay ko [Charlie Davao], Eddie Gacia. Mga lolo na nakatira sa home for the aged kasi ang kuwento nito.”

Separados" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/14241/ricky-davao-talks-about-lips-to-lips-kiss-with-jason-abalos-for-separados" data-desc="Ricky Davao tells Separados co-star Jason Abalos: "‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lip" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/dfe91fb4a.jpg"> Separados" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/14241/ricky-davao-talks-about-lips-to-lips-kiss-with-jason-abalos-for-separados" data-desc="Ricky Davao tells Separados co-star Jason Abalos: "‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lip" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/dfe91fb4a.jpg"> Separados" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/14241/ricky-davao-talks-about-lips-to-lips-kiss-with-jason-abalos-for-separados" data-desc="Ricky Davao tells Separados co-star Jason Abalos: "‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lip" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/dfe91fb4a.jpg">


Separados" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/14241/ricky-davao-talks-about-lips-to-lips-kiss-with-jason-abalos-for-separados" data-desc="Ricky Davao tells Separados co-star Jason Abalos: "‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lip" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/dfe91fb4a.jpg"> Separados" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/14241/ricky-davao-talks-about-lips-to-lips-kiss-with-jason-abalos-for-separados" data-desc="Ricky Davao tells Separados co-star Jason Abalos: "‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lip" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/dfe91fb4a.jpg"> Separados" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/14241/ricky-davao-talks-about-lips-to-lips-kiss-with-jason-abalos-for-separados" data-desc="Ricky Davao tells Separados co-star Jason Abalos: "‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lip" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/dfe91fb4a.jpg"> Separados" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/14241/ricky-davao-talks-about-lips-to-lips-kiss-with-jason-abalos-for-separados" data-desc="Ricky Davao tells Separados co-star Jason Abalos: "‘Ano ba ‘yan, anak na kita dati, tapos ngayon may lip" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/dfe91fb4a.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN