Sanya Lopez surprised by clamor for her to play Darna

IMAGE Instagram

Sanya Lopez on clamor for her to play Darna: "Nakakatuwa dahil kinokonsider po ako. Nakakatuwa po. Pero siyempre, dapat ibigay pa rin po sa karapat-dapat."


Nagulat si Sanya Lopez sa dami ng netizens na umayong bagay siyang mag-Darna matapos ma-post ang edited picture na naka-Darna costume siya.

“Parang sa Bench po yata na picture yun,” pakli ni Sanya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng Kapuso teledramang Nang Dahi sa Pag-ibig nitong Abril 8, Lunes, sa Studio 4 ng GMA Network.

“Tapos, nag-post pa ang kapatid ko. Parang nag-trending po yata ako noong day na pinost," pagtukoy ng Kapus actress sa Instagram post ng kuya niyang si Jak Roberto.

Dagdag pa ni Sanya, “Nakakatuwa dahil kinokonsider po ako. Nakakatuwa po.

"Pero siyempre, dapat ibigay pa rin po sa karapat-dapat."

Nagulat ba si Sanya nang mag-trending siya dahil sa Darna?

“Nakakatuwa, nakakatuwa dahil siyempre, sobrang strong ng character ni Darna, very empowered.

“Pero siyempre, iniisip ko pa rin na may karapat-dapat para doon and, for sure, ibibigay po ng Star Cinema sa karapat-dapat,” tugon ng sexy actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ABS-CBN/Star Cinema ngayon ang may hawak ng rights para sa pagsasapelikula ng Darna.

Inamin ni Sanya na pangarap niyang gumanap na superhero.

Aniya, “I think, lahat naman po yata ng artista ngayon, gustong maging superhero, in a way.”

Pinangarap niyang maging Darna?

“Noong bata pa lang po ako, pangarap ko na pong maging Darna.

"Pero sa ngayon po kasi, mahirap pangarapin ang Darna dahil hindi po sa GMA.

“Pero masaya na po ako nun na kinonsider po ako.”

Pangarap din ni Sanya na maging bida-kontrabida sa TV series.

Peg niya ang Rhodora X (2014) ni Jennylyn Mercado.

“Opo, pangarap ko pong makagawa ng bida/kontrabida. Yung makita pa po ang ibang Sanya.

“Hindi yung palaging nakikita lang nila akong umiiyak, sa drama na ganito.

“Gusto kong makita rin nila ang side na, ‘Ay! Puwede siya!’

“So, I think po, yung Rhodora X ni Ate Jen. Para nakikita yung dalawang side.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close