Jasmine Curtis-Smith not snagging Horror Queen title from Kris Aquino

by Rose Garcia
Apr 14, 2019
Jasmine Curtis-Smith not keen on snagging Horror Queen title from Kris Aquino: “Huwag naman nating kunin yun kay Madam. I know that’s her. That’s what she achieved on her own, so sa kanya yun."

“Ipinagdarasal niya ‘ko araw-araw,” ang natatawang sagot ni Jasmine Curtis-Smith nang matanong ito kung may “pangongtra” raw ba na pabaon sa kanya ang non-showbiz boyfriend niyang si Jeff Ortega.

Ang mga co-stars niya kasi sa horror movie na Maledicto tulad nina Tom Rodriguez at Inah de Belen ay may mga pabaon na pangontra sa evil spirits galing sa mga karelasyon nilang sina Carla Abellana at Jake Vargas habang sinu-shooting nila noon ang pelikula.

Ani Jasmine, “Pero ano, he keeps in touch. Para hindi rin ako madala.

“Kasi sometimes, baka mag-method acting daw ako.

“Baka madala ko going home na may nakikita, so keeping in touch lang na, 'At work, that’s your role. Reality: I’m your boyfriend, you’re Jasmine.'”

Catholic daw si Jeff at tuwing Linggo, nagsisimba raw itong talaga.

Pero hindi naman din daw siya natakot na baka masapian siya o may mangyaring kakaiba habang sinu-shoot niya ang horror movie na ipalalabas na sa mga sinehan sa May 1.

Continue reading below ↓

Paninigurado niya, “Hindi naman ako natakot and ako, I’m praying.

“Praying for myself and praying before the start of the scene.

“'Tapos, balot pa ako sa holy outfit and I have the cross with me which they said was blessed, so yun ang naging anchor ko.”

PLAYING NUN FOR FIRST TIME

Sa Maledicto, unang beses daw niyang gumanap bilang madre.

Lahad niya, “First time kong mag-madre.

“May pagka-clairvoyant siya.

“May mga nakikita siya, may mga nararamdaman siya.

“But she refuses to believe the way Tom sees it.

“Sa kanya kasi, may scientific explanation.

“Sa akin, more religious, more spiritual.”

Ang Maledicto ay ang unang Filipino film na prinodyus ng Fox Productions at co-produced ng Unitel at Cignal Entertainment.

ACTING WITH SPECIAL EFFECTS

Isa si Jasmine sa mga aktres ngayon na talagang napupuri at napapansin sa pagiging isang aktres.

Continue reading below ↓

Iba naman daw ang challenge sa kanya ng karakter niya sa Maledicto.

Saad niya, “Acting with mga CGI effects na siyempre, hindi mo ka-acting mismo yung mga platong lumilipad.

“You have to imagine how can those things...

“Siguro, doon ako pinaka na-challenge, kasi sanay ako na ang kaeksena ko, tao.”

NOT DESERVING OF HORROR QUEEN TITLE

Sa ginanap na mini-presscon ng Maledicto sa Prime Hotel noong nakaraang Linggo, tinawag na “Horror Queen” si Jasmine.

Aware rin ito na ang kilalang Horror Queen ay si Kris Aquino, kaya parang umiwas na rin ito sa pag-comment.

“Wag naman,” natawang sabi ni Jasmine.

“Huwag naman nating kunin yun kay Madam.

“I know that’s her. That’s what she achieved on her own, so sa kanya yun.

“Wag nating... every actor has their own title.”

Anong title ang gusto niya?

Continue reading below ↓

“Lahat! Lahat ng genre! Char!” natatawang sabi niya.

“We’ll see, nine years pa lang naman ang career ko.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jasmine Curtis-Smith not keen on snagging Horror Queen title from Kris Aquino: “Huwag naman nating kunin yun kay Madam. I know that’s her. That’s what she achieved on her own, so sa kanya yun."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results