Is Maine Mendoza open to portraying Darna?

by Rose Garcia
Apr 20, 2019
Talent manager Rams David on fans' request for Maine Mendoza to be chosen as the next Darna: "Sa ABS yun, e, di ba? Parang ang hirap naman. Ang daming girls sa ABS..."
PHOTO/S: @juansarte Instagram / @Speedo92385248 Twitter

Matapos umatras si Liza Soberano bilang lead star sa pelikulang Darna ng Star Cinema, naglabasan ang iba't ibang rekomendasyon ng netizens kung sino ang gusto nilang sunod na mapili para sa role.

STORIES WE ARE TRACKING

Kabilang sa nire-request ng netizens si Maine Mendoza.

May ilan pa sa kanyang fans ang gumawa ng meme na Darna gamit ang mukha ni Maine, kahit na alam nilang ang rights ng pelikula ay nasa kamay ng film company ng ABS-CBN.

Posible ba ang bagay na yun kung sakali?

"Parang masarap lang isipin, pero hindi yata," sagot ni Rams David, talent manager ni Maine.

Dagdag niya, "Sa ABS yun, e, di ba? Parang ang hirap naman.

"Ang daming girls sa ABS. Sana, doon sila makahanap.

"Maraming magaganda, magagaling, at deserving din for the role."

Minsan na ring ginampanan ng isa pang alaga ni Rams na si Marian Rivera ang papel na Darna, sa TV adaptation ng GMA Network, na umere mula August 2009 hanggang February 2010.

Continue reading below ↓

"How I wish, si Marian nag-Darna. Pero siyempre, si Maine ang sasagot niyan. Hindi ko katawan 'yan."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rams sa isang restaurant sa Quezon City, noong Lunes, April 15.

TWO FILMS FOR 2019

Positibo rin ang naging pahayag ni Rams nang kumustahin namin kung masusundan ang 2018 Metro Manila Film (MMFF) entry ni Maine na Jak Em Popoy, The Puliscredibles.

"Nasa pipeline naman yun. Hindi naman namin made-deny yun.

"Para sa akin nga, dapat gumawa siya ng film fest movie, we just don’t know with whom.

"Pero siyempre, kapag film fest, December."

Ayon pa kay Rams, posibleng dalawang pelikula ang magawa ni Maine bago matapos ang 2019.

"Bago mag-December, we're crossing our fingers na sana, maka-isa muna siya bago mag-film fest."

STILL NO FULL-LENGTH SERIES?

Kung positibo ang pelikula, mukhang negatibo naman na makagawa si Maine ng panibagong teleserye sa taong ito.

Ang huling prime-time series na pinagbidahan nina Maine at Alden ay ang Destined To Be Yours noong 2017.

Continue reading below ↓

"Kasi, ang dami rin niyang activities," ani Rams.

Partikular daw dito ang daily co-hosting stint ni Maine para sa GMA Network noontime show na Eat Bulaga!

"Eat Bulaga! will be turning 40 this year and it’s a big event. So, ang laki ng paghahandaan ng Eat Bulaga! Not just Maine but the whole cast of Eat Bulaga!

"Priority tayo ro'n."

RECORD ALBUM

Ang isa pa raw na aabangan talaga kay Maine ng mga tagahanga nito ay ang album nito sa Universal Records. Nakakalahati na raw si Maine sa mga nire-record na kanta.

"Sana nga, next month na," sabi ni Rams nang tanungin kung kailan lalabas ang album.

"Parang dalawang kanta na lang ang kulang na i-record. So, kapag na-record na yun, we will release the first single. Digital muna then, the album."

May sariling komposisyon daw si Maine sa mga kanta niya sa album at meron din mula sa mga independent songwriter.

Continue reading below ↓

"Maganda, napakinggan ko na ang ibang kanta and it's easy listening."

INDEPENDENT FROM ALDUB

Unang nakilala si Maine bilang kalahati ng tambalang AlDub, o Alden Richards at Yaya Dub, na sumikat sa "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! mula July 2015 hanggang December 2016.

Noong 2018, nagsimulang gumawa ng indibidwal na mga proyekto sina Maine at Alden.

Halo man ang reaksiyon ng AlDub fans sa career move nina Maine at Alden, nagpapasalamat daw si Rams dahil marami pa rin ang tumatangkilik sa kanyang alaga.

"Salamat at nandiyan pa rin ang mga nagmamahal sa kanya.

"May mga Aldub na nagmamahal pa rin sa kanya and maraming-maraming salamat for understanding and loving her, especially sa solid Maine.

"Sa lahat ng mga nagmamahal na fans kay Maine, alam ko na nandiyan lang sila, naka-suporta, nakaabang kung ano man ang activities na gagawin niya."

Read Next
Read More Stories About
maine mendoza, AlDub
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Talent manager Rams David on fans' request for Maine Mendoza to be chosen as the next Darna: "Sa ABS yun, e, di ba? Parang ang hirap naman. Ang daming girls sa ABS..."
PHOTO/S: @juansarte Instagram / @Speedo92385248 Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results