Snooky Serna feels strong affinity to Kyline Alcantara

IMAGE Jerry Olea

Snooky Serna on Kyline Alcantara: "Parang she reminds me also of myself noong bata ako."


Puring-puri ni Snooky Serna ang kapwa Kapuso actress na si Kyline Alcantara na kasama niya ngayon sa pelikulang Blacklipstick, kung saan ang roles nila ay bilang mag-ina kaya marami silang eksena together.

Bago pa nito, inamin ni Kyline na iniidolo niya ang beteranang aktres na sa unang karanasan niya sa paggawa ng movie ay batang Snooky Serna ang kanyang role.

Kaya ngayong nagkatrabaho sila, hindi maiwasang parang nabuo ang isang “mutual admiration society” sa kanilang dalawa.

Pahayag ni Snooky tungkol sa kanyang co-star, “You know, I’ve noticed na si Kyline is very humble, which is so important in our industry.

“Very serious sa kanyang ginagawa, at hindi siya naglalaro.

“I mean, pag breaktime, she’s very conversant, very friendly, very warm.

“Pero kapag trabaho, concentrated siya on her work.

“Si Kyline naman, hindi mahirap pakisamahan.

“What you see is what you get. Natural.”

Sa dami ng mga nakatrabaho niyang young stars, paano ikukumpara ni Snooky si Kyline sa iba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw ko namang mag-compare,” pakli ng aktres.

“I’ll say na lang na ang impression ko kay Kyline before, para siyang straightforward.

“Parang, what you see, is what you get nga. Down-to-earth siya.

“And hindi naman ako nagkamali sa impression sa kanya, dahil talagang ganun siya.

“Ganun ang ugali ng bata. Talagang very straightforward. Very simple.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Snooky sa shooting ng Black Lipstick sa Marikina Heights, Marikina City, noong April 18.

STRONG AFFINITY

Ano naman ang reaksiyon niya sa pahayag Kyline na iniidolo siya nito mula pa sa pagkabata?

Saad ni Snooky, “Naku naman! Of course, I feel so humbled and so thankful kay Ky for saying that.

“Alam mo, love ko siya, hindi dahil sa sinabi niya, pero yung...

"Kasi ano, may affinity ba ako sa kanya, kasi parang she reminds me also of myself noong bata ako.

“May mga picture si Kyline, may pictures kami sa set na parang nakikita ko na, ‘Oy, nakakahawig ko si Kyline.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling! Ang lakas ng loob [ko].

“Heto na lang, ang lakas ng affinity na parang feeling ko ay anak ko si Ky.

“Nakakagdag yung pagiging warm niya. I see my kids talaga sa kanya, e.

“May mga action si Ky na parang ako...may nuances siya na parang ako.”

Kaya habang patapos na ang kanilang shooting, mas lalo raw silang nagiging malapit sa isa’t isa na ikinatutuwa naman daw ni Snooky.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN