Aiko Melendez: "Kung manalo ako, ise-share ko kay Ate Guy iyong aking Best Actress award.”


Natutuwa si Aiko Melendez sa naging magandang pagtanggap ng manonood sa pelikula nilang Asintado nang nagkaroon ito ng gala premiere sa Cultural Center of the Philippines noong August 2. Ang naturang pelikula na pinagbibidahan ni Aiko ay isa sa kalahok sa Directors Showcase category ng Cinemalaya 2014.
Ayon sa aktres, “Masaya ako, kasi iba pala kapag nag-aano ka sa CCP, e. You’ll get the initial reaction ng mga tao. Nagustuhan ko ang reaction nila, kasi may mga tumatawa, tapos may nakaka-iyak.
“So, a taste of everything ang movie namin, kaya happy ako.”
Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pinuri rin niya ang mga kasamahan sa pelikulang ito, pati na ang kanilang direktor.
“Si Jake [Vargas] is such a revelation in this movie. I’ve been very-very open about this, saying na, he did his very best here. And then, the collaboration ng lahat ng artista dito, was really great.
“Hindi kami nagsapawan. Kung alam naming eksena ni Jake, we give it to him. We make him shine.
“So with Miggs [Cuaderno], Miggs is a brilliant actor. Imaginin mo, ganyan kabata pero ganoon na iyong pinaghuhugutan niya. What more kapag lumaki pa iyan, mahusay na bata,” aniya pa.
Pahabol pa ni Aiko, “To Direk Louie [Ignacio], ‘Maraming salamat,' kasi ako ang only choice and first choice niya sa pelikulang ito to play Julia. And I made the right choice in accepting the project, because sabi niya, 'You make me proud,’” nakangiting bulalas pa ng aktres.
Ayon pa kay Aiko, habang nagsu-shooting sila ng Asintado ay ongoing daw ang yearly event na Taong Putik festival na isang mahalagang tradisyon na kasabay ng pista ni Saint John the Baptist sa Bibiclat, Nueva Ecija.
“Nag-shooting kami roon habang ongoing ang event na iyon. So, thousands of people, nakipagsiksikan kami roon.
“Documented talaga iyong event na iyon na nagsimula noong panahon ng Hapon, mayroon kaming tao talaga from Bibiclat na nag-storytelling.”
Sinabi rin ni Aiko na proud siya sa pagiging bahagi ng Cinemalaya this year.
“First indie ko ito at first Cinemalaya rin, kaya sobrang proud ako. Kasi, para maging parte ka ng Cinemalaya na napaka-prestihiyoso, iba, e, at masayang-masaya ako talaga.”
Ayon pa sa aktres, nagbaba siya ng presyo sa pelikulang ito dahil sa pagmamahal niya sa propesyong ginagalawan.
“Ako ang budget ko, binabaan ko. Kumbaga, itong project na ito is for the love of the industry and my passion for acting. Kaya masaya ako, dahil worth it ang pagtanggap ko ng proyektong ito.”
Five years ago ang huling pelikula ni Aiko via Yaya and Angelina nina Michael V. at Ogie Alcasid. Pero hindi siya nakitaan na kinakalawang sa acting sa Asintado, dahil daw ito sa pag-aalaga ni Direk Louie.
“Blessed ako dahil si Direk Louie ay hindi ako pinabayaan and then may free hand ako to suggest, kung anong klase ang gusto kong atake sa eksena.
“If you notice nga sa pelikulang ito, very seldom na napasigaw ako. Puro talagang under acting ang ginawa ko.”
Nahirapan ka ba sa preparation para sa movie’ng ito dahil kailangang i-transform ka bilang isang magbubukid na may punto ang pagsasalita at hindi mestisa ang kutis?
“No, kasi kung ano ang mga hiningi ko kay Direk Louie, ibinigay naman nila. Like iyong punto ko, may coach ako roon. Iyong body make-up na pina-itim nila ako, pinag-usapan talaga namin iyon.
“Kaya ako nagpapayat, para kapag napanood nila ako sa screen ay ang laki ng difference na masasabi ng viewers na, ‘Ay si Julia talaga iyon.’ Na si Aiko Melendez is Julia.”
Instructions ba ni Direk yung under-acting mo or sa iyo na rin iyon?
“Pareho kami, gusto kasi namin talagang makita ng tao ang build-up ng emosyon ni Julia. Na kahit talunan siya, kahit mahina siyang tao, bilang ina ay kaya niyang ipaglaban yung mga anak niya.”
Masasabi mo ba na makakagawa naman pala ng matinong pelikula kahit sa 3.5 milyon na budget?
“Exactly, pare-pareho ng budget dito sa Cinemalaya, e. Kaya sana nga ay magawa itong pagkakataon na ito, hindi lang sa Cinemalaya. Pero, kahit yung sa mainstream, na hindi naman natin kailangang ihinto yung paggawa ng pelikula dahil namamahalan sila sa budget.
“Kasi, ang industriya natin ay dying na. Coming from a hundred films a year, we’re down to what, twenty, three films to thirty films a year?
“So, sana ay maging hudyat ito para sa mga independent producers and sa mga [mainstream] producers na mas mag-produce pa ng mga makabuluhang pelikula.
“At saka makikita mo talaga dito kung sino yung mga dedicated na artista talaga, na hindi na tumitingin sa pera,” seryosong pahayag niya.
Dagdag pa ni Aiko, “Kaya nga sana ano, sumunod na yung mga mainstream producers na mag-produce sila ng matinong pelikula, hindi kinakailangang mahal, e.”
Next year, gusto mo bang sumali ulit sa Cinemalaya?
“Sana… kung may pagkakataon na mabigyan ako ng magandang script ulit. ‘Ika nga nila, ang sabi, ‘Malilimit ito,’” nakatawang saad pa niya.


ON WORKING WITH JOMARI YLLANA. Nabanggit din ni Aiko na balak niyang mag-produce ng pelikulang posibleng pagtambalan nila ng ex-husband niyang si Jomari Yllana.
“Yes, in fact after nito, at least may idea na ako on how you’ll run the movie.
“Baka umpisahan na namin any time soon. Hopefully, bago magtapos ang taon ay maumpisahan na namin.
“I have a script already. I have a director. Ang title namin is Ika-Pito, this is suspense-drama and this is going to be directed by Direk Reggie del Carmen. Hopefully this might be my reunion project with Jomari.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ano ang feeling mo na ikaw ang mahigpit na kalaban ni Nora Aunor para sa Best Actress award ng Cinemalaya?

“Siyempre pressured po, pero hindi na po ako nag-e-expect. Kasi, yung mahanay lang po ako sa susunod na dapat na itinanghal na National Artist ay napakalaking bagay na po sa akin niyon. Karangalan na po yun para sa akin.”
Ibig bang sabihin nito, ibinibigay na niya kay Nora ang award?
“Hindi ko naman po ibinibigay,” nakangiting wika niya. “Pero ako po, ipinagdadasal ko, na kung ano po ang ibe-bless ako ni God, I’ll accept it wholeheartedly.
“Pero siyempre, iyong paghanga at respeto ko ay ibibigay ko rin kay Ate Guy. Kung manalo ako, ise-share ko kay Ate Guy iyong aking Best Actress award.”
Ayon pa kay Aiko, malaking karangalan para sa kanya na makalaban Si Nora sa Best Actress.
“Exactly, malaking karangalan talaga ito. Although nakalaban ko na naman si Ate Guy before. So, hindi ito ang first time na maglalaban kami. Pero hindi ba, sa rami ng pinagdaanan ng career ni Ate Guy, respect iyon para sa kanya, e.”
Nasabi rin niya na kahit walang award, malaking blessing na para sa kanya na nagawa nila ang pelikulang Asintado.
“Of course, yeah… maging part lang kami ng Cinamalaya is a big, big blessing na. And to be given a project like this, I’m very thankful talaga.
“And I know, na if ever na ma-nominate ang pelikula namin, I know naman na kahit paano ay may laban din kami,” nakangiting saad pa ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN