Newcomer Kent Gonzales intimidated by Sharon Cuneta, John Arcilla

IMAGE Noel Orsal

Newcomer Kent Gonzales is first intimidated by veterans Sharon Cuneta, John Arcilla. Then he becomes close to Sharon who treats him like a son on and offscreen.


Nagkapasa-pasa ang 17-anyos na si Kent Gonzales, na gumanap bilang anak nina Sharon Cuneta at John Arcilla sa horror movie na Kuwaresma.

“Madami po akong pasa. Siguro po, all over the body,” nakangiting lahad ni Kent sa mediacon nitong Abril 22, Martes ng hapon, sa Valencia Events Place, Quezon City.

“Kasi, sa movie po, maraming dragging. Nakaladkad po ako doon, tinatapun-tapon.

“Mostly po, dito sa arms, sa legs.”

Nagkapasa-pasa rin naman sa shooting sina Sharon at John.

Na-intimidate ba siya kina Sharon at John, lalo pa’t first movie pa lang niya ito?

“Of course, normal naman pong ma-intimidate,” sambit ni Kent.

“I think it’s casual lang sa young actors like me, lalo na ako na wala pa akong gaanong experience.

“So, at first, na-intimidate ako, natakot ako. But then, si Mama Shawie kasi, sweet siya and easy-going and magaan siyang katrabaho.

“Pag may nagagawa man akong mali, andiyan siya para ikorek ako. And she acts like my real mom na rin,” matamis na pagngiti ni Kent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mama ko rin po siya sa set. Kaya ayun po. Naging magaan po ang loob ko sa kanya.”

KUWARESMA PREMIERE

Tatlong taon nang hindi nakakasama ni Kent ang mama at papa niya na parehong nagtatrabaho sa Cayman Islands.

Uuwi ang mga ito sa Pilipinas para manood ng premiere night ng Kuwaresma sa Mayo 13 sa SM Megamall.

Isang buwan lang ang bakasyon dito ng parents niya.

Siyempre, naikuwento ni Kent sa mga magulang niya na nakatrabaho niya si Sharon.

“Sobrang tuwa po, sobrang proud po nila! Thankful po sila!” masayang bulalas ni Kent.

Nagsimula si Kent bilang commercial model three years ago. Kabilang sa mga nagawa niyang patalastas ay Rebisco, Jollibee, Del Monte, at 7-11.

Nag-extra-extra si Kent sa ABS-CBN shows na Wansapanataym at Ipaglaban Mo.

“Na-discover po ako ni Tito Dudu Unay, na naka-discover din kay Liza Soberano,” lahad ni Kent.

“After po nun, nag-meet kami ni Direk Erik Matti sa isang singing audition. Sabi niya, ‘Uy! OK ‘to, ah?! Pwede ‘to sa movie namin!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, pinag-audition niya ako. Ayun po, nakuha ko po... thankfully, yung Kuwaresma po.”

More of a singer ba siya kesa actor?

“I don’t know po. Siguro, I can do both naman. Pero I think, sa acting po ako mas may edge.

“Siguro, mas may confident po ako sa acting,” patangu-tangong pahayag ng pogilicious yummylicious na si Kent.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN