Direk Erik Matti explains why he wants Nadine Lustre to be the new Darna

by Glenn Regondola
Apr 25, 2019
Erik Matti: "Ang feeling ko lang, si Nadine yung babagay talaga sa tipo niya, sa tipo na role ni Darna."
PHOTO/S: Noel Orsal

Bukod-tanging si Nadine Lustre ang naiisip ni Direk Erik Matti na puwedeng pumalit kay Liza Soberano bilang bagong Darna ng ABS-CBN Star Cinema.

“Ang feeling ko lang, si Nadine yung babagay talaga sa tipo niya, sa tipo na role ni Darna,” paliwanag ni Direk Matti nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng pelikulang Kuwaresma nitong Abril 23, Martes, sa Valencia Events Place, Quezon City.

“Hindi talaga pupuwede yung model-model, para sa akin, ha? Hindi puwede ang beauty queen.

“Para sa akin, si Narda sa pagkakakilala natin ay ordinary siya, e. Ordinaryong bata na nagkaroon ng superpower.

“So, kailangan mo, yung casting na pag ordinaryo siya, ordinary talaga ang hitsura niya.

“So, ang kayang maging ganoon, si Nadine. Puwede siyang ordinary na Filipina, di ba?

“'Tapos, kapag naging superhero, puwede ring sexy na matapang, may dating, di ba? Yung ganoon.

“Wala na akong ibang naiisip, yun na yun. Kasi, kailangan mo rin yung physical... di ba?

Continue reading below ↓

“E, si Nadine, ma-workout.”

OK lang kay Direk Erik na nag-back out si Liza sa Darna project.

Aniya, “Well, okey lang yun na unahin niya iyung sarili niya muna, di ba?

“Kasi siyempre, pag nagsimula na sila sa Darna, mahirap din yun.

"Kasi, two years din yun sa kanya, di ba?"

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erik Matti: "Ang feeling ko lang, si Nadine yung babagay talaga sa tipo niya, sa tipo na role ni Darna."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results