Laurice Guillen wishes to direct Piolo Pascual, John Lloyd Cruz

by Jerry Olea
Apr 27, 2019
Director Laurice Guillen on Piolo Pascual: "You know, he’s not just a pretty face... I think, he wants to go beyond that."
PHOTO/S: Jerry Olea

Gustong maidirek ni Laurice Guillen si Piolo Pascual matapos niya itong maging co-star sa pelikulang Lupang Hinirang, na idinirek ni Brillante Mendoza.

“First time kong makatrabaho si Piolo as an actor dito sa Lupang Hinirang. Isa siya sa mga anak ko,” kuwento ni Laurice nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng pelikulang Man and Wife nitong Abril 25, Huwebes, sa Racks, Timog Avenue, Quezon City.

Kumusta si Piolo bilang actor?

“Very serious siya. Magaling siya. Very ano siya, magaling siya,” matamang lahad ni Laurice.

“At saka puwede pa, marami pa!

“Ang galing niya! Kasi, nag-aano kami doon... Ang salita namin, Maginadanaoan.

“You know, he’s not just a pretty face!

“Eto na naman tayo, di ba? Kasi, parang ano... ‘Piolo Pascual, dreamboat...’

“No! And I think, he wants to go beyond that.”

Hindi pa nababanggit ni Laurice kay Piolo na gusto niya itong idirek.

Isa pang aktor na gustong maidirek ni Laurice ay si John Lloyd Cruz.

Continue reading below ↓

Sa mga aktres, sino ang gusto niyang maranasang idirek?

Napangiti si Laurice, “Sa aktres, tinanong na rin sa akin ‘yan, parang hindi ko masagot. Ha! Ha! Ha! Ha!”

GABBY CONCEPCION

Siyempre pa, paboritong idirek ni Laurice si Gabby Concepcion.

Ilang beses na niya itong naidirek sa mga pelikula. Idinirek niya si Gabby sa Kapuso teleseryeng Ika-6 Na Utos.

Hinawakan niya muli si Gabby sa pelikulang Man and Wife, na nakatakdang ipalabas sa Mayo 8.

“Well, favorite in the sense na ang sarap katrabaho,” paliwanag ni Laurice.

“At saka, of course, you know, kung titingnan mo as an ideal actor, may mga limitations.

“Because siyempre, nasa instrumento niya ‘yan, e.

"Pero as a person to work with, as a colleague, and as an actor, you know, he can...

“Ang maganda kasi, he can portray yung lalaking makikilala ng audience. Di ba?”

JODI STA. MARIA

Kumusta naman si Jodi Sta. Maria na katambal ni Gabby sa Man and Wife?

Continue reading below ↓

“Si Jodi, yun na nga, lady... saka yun bang siyempre, siyempre pag gumawa ako ng pelikula, hinahanap ko rin ang sarili ko doon sa pelikula.

“So, parang... yung mga eksena ng mag-asawa, yung parang... kasi, may anak na sila, so pag wala na ang anak, iyan na ang chance nila na mag-make love, di ba?” pagmuwestra ni Laurice ng yakapan at lambingan.

“So, iyong mga ganun. Na hindi naman yung... Walang hubaran! Kasi, family picture.

“Pero yung aspect na ‘yon, from the conflict-conflicts nilang ganyan from the drama, tapos yung punta doon sa playfulness and that sort of thing.

“Iyon ang kailangan kong parang, kumbaga, pukpukin sa kanya.”

Continue reading below ↓

Hangga’t maaari ay umiiwas si Jodi sa kissing or intimate scenes, pero napahinuhod ito ni Direk Laurice.

“Siyempre, ako naman, hindi ko itinatanong yung kontrata,” pagmamatuwid ng respetadong direktor.

“Ang pagkaano ko, kung ano yung role. At the same time, hindi ko naman ini-expect sa kanya na ... di ba, yung mga...”

Paano kinumbinsi ni Laurice si Jodi na gawin ang intimate scenes with Gabby?

“Kinausap ko siya,” malumanay na tugon ni Direk Laurice.

“The first time, talagang ano. ‘O, ganito, ganyan ang mangyayari, OK. It starts as a playfulness, tapos magiging ano kayo. May passion na.’

“Aba! Ang ano, nagtago sa ilalim ng kumot! Tapos, doon sa ilalim ng kumot siya naggaganun.

“Hinayaan ko. Cut.

“Alisin ang kumot. Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sambit ni Direk Laurice.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Laurice Guillen on Piolo Pascual: "You know, he’s not just a pretty face... I think, he wants to go beyond that."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results