Sylvia Sanchez all praises for John Lloyd Cruz in their new movie: "Hindi siya yung selfish na actor..."

Sylvia Sanchez (in photo) plays a lesbian mother in the upcoming movie The Trial. To prepare for the role, she studied the mannerisms of Aiza Seguerra on the set of Be Careful With My Heart.


Naka-five shooting days na si Sylvia Sanchez para sa The Trial, ang bagong offering ng Star Cinema sa direksyon ni Chito Roño.

Mga bida sa pelikula sina John Lloyd Cruz, Gretchen Barretto, Jessy Mendiola at Richard Gomez. Tomboy na mother ni John Lloyd ang role niya sa pelikula.

“Bale, may eight pa. Ang alam ko kasi 13 shooting days ako sa movie,” pagkukwento ni Sylvia.

Nakatrabaho na ni Sylvia si John Lloyd sa dating long-running TV series ng ABS-CBN na Tabing-Ilog pero first movie nila ang The Trial.

“Medyo, okay-okay lang ang eksena namin. Delayed ang isip ni JL [John Lloyd] sa movie.

"Ang galing niya! Ang galing niya dito,” bulalas ni Sylvia nang makausap namin siya sa bahay niya noong August 6.

Sino ang asawa niya sa movie?

“Si Vince de Jesus, siya yung pampatawa sa amin d’yan. Si Vince talaga yung nanggugulo.”

Ano ang pagkakaiba ngayon working with JL?

“Ang galing niya. Kunsabagay, magaling naman din noon si John Lloyd, Tabing Ilog pa.

"Pero mas ano siya ngayon, mas hasang-hasa na talaga.

"Nahubog na talaga si John Lloyd ng panahon.

"Dati sa Tabing-Ilog, meron na siya pero bata pa siya noon, e.

"Ngayon grabe, galing na ni Lloydie talaga.”

Hindi naman siya na-intimidate working with John Lloyd sa panahon ngayon?

“Hindi naman, at saka si Lloydie naman kasi hindi siya yung eksena ko, akin lang.

"Nakikisama si Lloydie sa lahat, e. Nakikipag-connect siya sa lahat.

"Hindi siya yung selfish na actor. Kaya mas nag-ano, mas nagsa-shine siya kapag ganoon.

"Kasi kapag magaling ka at hindi ka na nananapaw pero magaling ka talaga, lalabas at lababas yun.

"Unlike yung alam mo’ng magaling ka tapos nananapaw ka sa lahat, ah, patay ka.”

Kabugan ba sila ng aktingan ni JL sa movie?

“Hindi naman. Bigayan, oo. Kabugan talaga, huh?”

Ano ang pinakamahirap na eksena niya with JL?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung susuntukin ko siya, yung bubugbugin ko siya. Wala pa, hindi pa namin nagagawa yung eksena.”

Hindi pa nakaka-eksena ni Sylvia ang ibang cast sa pelikula.

“Mag-asawa si Richard at Gretchen sa pelikula. Abugado si Richard, doktora si Gretchen.”

ROLE MODEL. Since si JL ang madalas na kaeksena niya sa shooting, nabanggit ba niya sa aktor na pini-peg ang career ng anak niyang si Arjo Atayde?

“Pareho sila ng handler. Alam ni JL na parang pini-peg ni Arjo siya. Magkakikilala sila, e.

"Pumunta minsan dito sa bahay si JL. Noon pa ‘yun, ‘yung Apoy sa Dagat, nag-party kami.

"Nandito si John Lloyd. Nag-get together sila lahat ng alaga nu’ng handler nila sa bahay ni Maja [Salvador] noon.”

So hindi pa aware si JL na pini-peg sa kanya ang career ni Arjo?

“Ay, hindi ko alam yun. Ang alam ni JL, open naman si Arjo at ako, sinasabihan ko si JL.

"‘Alam mo ba ikaw yung ano, sobrang fan yung anak ko sa ’yo?’

“Natatawa lang [si JL]. ‘Wow, Tita. Thank you, thank you.’ Gumaganoon naman si JL.”

Nakwento ba niya kay JL ang tungkol sa hula noong matandang babae na parehong nakausap nila ni Arjo?

“Hindi, parang matanda yun. Kinuwento lang sa akin ni Arjo nu’ng paguwi niya. Nagkwento lang siya ng ano, nu’ng Eboy?

“Nakwento niya noon na meron daw isang 70-year-old na babae na tinawag siya nu’ng crew. ‘Arjo, may nagpapatawag sa ‘yo.

"'Merong gustong makipag-usap, makipag-picture sa ‘yo.’

“Dapat si Arjo ang magsabi niyan sa ‘yo, siya yung talagang nakausap, e.

"Pero ang sinabi ni Arjo basta nangilabot lang daw siya.

"Kasi yung matanda sabi na pinapanood nila ang Eboy dahil sa kanya, 'Sa buong bahay, ikaw yung gusto namin.'

"Sabi raw ni Arjo, ‘Thank you, thank you po. Salamat po.’

“Si Arjo malapit sa matatanda, e. Sobra siyang malalapit sa matatanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos ngayon ang nangyari, ang ginawa niya ano, sinabihan siya na, 'Gusto ka namin. Tandaan mo itong sasabihin ko.

"Merong darating ang araw sisikat ka. Ikaw yung... based sa sinabi at may mga nakarinig...

"'Ikaw yung susunod sa yapak ni JL,' parang ganoon. Yung sa acting, lahat.

“So, si Arjo, flattered siya, ‘di ba?

"'Tapos sabi niya [manghuhula], 'Maniwala ka. Ikaw pa lang ang pangalawang artistang sinabihan ko.'

"Tapos nangilabot daw si Arjo kasi sinabihan siya na, "Alam mo ba kung sino ang una’ng sinabihan ko at pinuntahan ko doon sa taping sa Laguna, Tabing-Ilog pa?

"'Si John Lloyd, sa salita ko sa kanya na sisikat ka balang araw. Tiyaga lang.'

“Hindi ko nakwento kay JL. Nawawala sa isip ko. Pero ako siyempre kapag may mga ganoon, ‘Ah, talaga? Salamat.'"

"'Magpasalamat ka,’ sabi raw ni Sylvia sa anak.

"‘Oo nga, ‘Ma, nagpasalamat ako,’" tugon naman daw ni Arjo.

Pahayag pa ni Sylvia, 'Kami ni Arjo, hindi naman namin dinidibdib yun.

"Nakakatuwa lang na may magga-ganoon sa ‘yo tapos 70-year-old pa. Yun lang naman.

“Natuwa siyempre ang anak ko. Pero ako naman siyempre, ‘Wow, sana magdilang-anghel yung taong yun, si nanay ‘di ba?

“Pero siyempre para pangarapin mo yung mataas, yung JL ang taas noon.”

Kailan gagawa ng pelikula si Arjo?

“Hindi ko alam. Hintay lang kami kung ano ang darating.

"Swerte-swerte rin naman yun, e, ‘di kapag sinuwerte, ‘di ba?”

ON HER DAUGHTER RIA. Kumusta naman ang anak niya na si Ria Atayde, ang sumunod kay Arjo? May balita na mag-aartista na rin ito.

“Siyempre, proud, masaya kasi naka-graduate na siya sa college.

“Nasa Spain siya ngayon, nagaaral siya, Spanish, at saka yung kultura kasi Kastila sila [ang mga Atayde], ‘di ba?

“Ano lang yun, language, kasi nakakapagsalita siya, ipo-polish lang niya.

"Kasi Kastila talaga siya. Sa kanila kasi kapag grumadweyt ang babae kailangan pumunta Spain, yun ang ano nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Right after graduation umalis siya ng Pilipinas. One month na siya. September siya uuwi. Septembr 25 nandito na yun.

“Siya lang, mag-isa. May relatives sila sa Spain. Meron siyang ano sa school din, may dorm doon.

“Bago siya pumunta doon sa Spain mismo, one week siya sa Paris. Nag-ten days siya sa London, may mga pununtahan pa siya.

"Namasyal muna siya. Kinatagpo niya yung mga kaibigan namin doon.”

Regalo ba nila ng mister niyang si Art Atayde ang trip abroad ni Ria?

“Oo, regalo rin.”

Pagbalik ng Pilipinas ni Ria mag-aartista na siya?

“Oo, kung pumayat siya. Pero pumapayat siya sa abroad.

"Kasi meron kaming pustahan. Basta kapag bumalik siya, PA ko siya kapag mataba siya.

"PA ko siya for one month walang sweldo.

"Kapag payat babayaran ko siya... payat siya, pumayat.

"Pwede naman kumain doon ng salad-salad.

"Hindi naman kasi Pilipino food yun na tayo kain talaga, may kanin. Sila, hindi.”

OBSERVING AIZA SEGUERRA. Dahil lesbian ang karakter ni Sylvia, hindi naman ba siya nahirapan to portray a role na isang butch na ina?

“Okay naman. Na-enjoy ko kasi boyish naman talaga ako. Hindi naman kasi talaga ako lady-like na, ‘di ba?”

Binigyan ba siya ng advice ni Direk Chito kung paano iarte ang isang butch?

“Hindi, meron lang kaming pini-peg na kailangang ano, lalaking-lalaki talaga.

"Pini-peg nga niya si ano, gusto niya si Susan Tagle.”

Nakuha naman niya?

“Medyo… Hahaha!”

Kinailangan ba niyang manood ng mga tibo kung paano kumilos?

“Hindi naman, sanay na ako. Mga barkada ko kung hindi tomboy, bakla.”

Nag-worskhop pa ba siya for her role?

“Hindi! Dyosko! Mag-aaral pa ba ako kung saan-saan, e, kasama ko three times a week si Aiza [Seguerra]!

“Si Aiza ang ano ko, paano kaya yung ganoong galaw? Siya ang tinitingnan ko.

"Si Aiza minsan nakakatawa kasi kapag naglalakad siya from the set, tapos na [ang taping].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag naglakad siya, gagayahin ko yung lakad niya, nasa likod niya ako.

"Tapos titignan niya ako, ‘Nay?’

"Sasabihin ko sa kanya, ‘Huwag ka nang nangingialam, ginagaya kita. Hayaan mo na ako!'

“Si Aiza nga ang namili ng damit ko, e.

"‘O, ‘Nak, eto ba yung sapatos?’ Kapag bumili ako, ‘’Nak, alin d’yan?’

"‘Eto, ‘Nay, tama ‘to. Saka ‘Nay huwag V-cut, dapat round-neck.’

“Siguro dahil sa boobs. Pwede rin plain na shirt pero round neck.

"Ang aking designer si Aiza. Siya yung namimili tapos ipapakita ko at saka aaprubahan niya. Pati yung shoes ko.”

Naging instant stylist niya si Aiza?

“Oo. Hahaha!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN