Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Director Treb Monteras on Nadine Lustre: "Sobra siyang bagay na Darna!"

by Jerry Olea
Apr 29, 2019
Direk Treb Monteras on Nadine Lustre: "Si Nadine kasi, superhero naman siya. Kumbaga, sa totoong buhay rin, in a way, she’s a superhero."
PHOTO/S: Jerry Olea / @nadine Instagram

Ngayong itinanghal si Nadine Lustre na best actress ng 67th FAMAS, lalong dadami ang magsusulong sa kanya para maging bagong Darna.

Sina Vilma Santos, Angel Locsin, Sharon Cuneta, at Lorna Tolentino na nag-best actress sa FAMAS ay pawang gumanap na Darna.

“Hindi ko alam, kasi ibang planeta yung Darna, so hindi ko alam!” natatawang pag-iwas ni Direk Treb Montreras nang hingan ng komento kung sino ang tingin niyang nababagay para sa iconic role.

Kaugnay pa rin ito ng paghananap ng Star Cinema, ang film company ng ABS-CBN, para sa kapalit ni Liza Soberano bilang Darna.

Pero sang-ayon daw si Direk Treb, na madalas na kinukuhang director ng Viva Entertainment, sa mga nagsasabing bagay si Nadine na gumanap bilang Darna.

"But, kung ang tanong ay kung bagay ba siya, definitely, sobra siyang bagay.

“And actually, may isa pang comics superhero, yung Wave, yung bago ng Marvel, na si Nadine din daw yung inspirasyon.

Continue reading below ↓

“Si Nadine kasi, superhero naman siya. Kumbaga, sa totoong buhay rin, in a way, she’s a superhero.

"So, bagay na bagay sa kanya.

"And I think, if ever man, na gagawin niya yung Darna, feeling ko, bagay na bagay sa kanya.

"Napaka-versatile niya, e."

Iyon ang sabi ni Direk Treb nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 67th FAMAS Gabi ng Parangal, nitong Abril 28, Linggo, sa Meralco Theater, Pasig City.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Isa si Direk Treb sa mga hurado ng FAMAS ngayong taon.

Nalungkot si Direk Treb na umalis agad si Nadine matapos ang acceptance speech ng aktres sa awards night.

Hindi sumama si Nadine sa litrato ng lahat ng winners.

“It’s her night. Ang balita bukas, iyong pagkapanalo niya,” sambit pa ni Direk Treb.

UPCOMING MOVIES OF JADINE

Samantala, kinumpirma ni Direk Treb na tuloy ang ididirek niyang pelikulang Pedro Penduko: The Legend Begins, na pagbibidahan ni James Reid.

Continue reading below ↓

“Marami kasing preparations din na ginagawa, ‘no? So, medyo na-delay kami na hindi ini-expect,” lahad ni Direk Treb.

“'Tapos, si James din, may ibang commitments din na kailangang gawin, like Idol Philippines.

“So, kumbaga, nagte-take kami ng time dahil naurong. 'Tapos, may mga iba siyang commitment."

Patuloy na paliwanag niya, “So, may mga kailangang i-prioritize na muna. But of course, tuloy na tuloy pa rin siya, definitely.

“It’s just that medyo na-delay. Pero definitely, this year, you’ll see something.

“Kumbaga, sa schedule kasi, pag may gumalaw na isa, gagalaw na lahat 'yan, e.

“Iyon ang mahirap kasi sa big movies like Pedro Penduko. Napakahaba ng preparation bago ka pa makapag-shoot, and maraming dinadaanan.”

Siyempre, delayed na rin ang pagbibidahan ni Nadine Lustre na movie about Mariang Makiling.

“Delayed din siya. Delayed din siya,” pag-ayon ni Direk Treb.

Habang hinihintay ang go-signal para sa Pedro Penduko, may iba raw munang proyekto ang director sa Viva.

Continue reading below ↓

“But si James naman, at si Nadine, at saka ako, may iba kaming gagawin na mauuna, na medyo mas mabilis, dahil na-delay ito.

“Sa Viva, meron akong gagawin pero hindi ko pa pwedeng i-announce.

“Iyon naman ang maganda kasi sa Viva. Kapag may delay, pinapalitan nila ng ibang gagawin para hindi masayang yung oras.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Treb Monteras on Nadine Lustre: "Si Nadine kasi, superhero naman siya. Kumbaga, sa totoong buhay rin, in a way, she’s a superhero."
PHOTO/S: Jerry Olea / @nadine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results