Director Jerrold Tarog admits to having shortlist for Darna role

by Melba R. Llanera
May 2, 2019
Direk Jerrold Tarog on the new Darna: "Sa akin, basta importante, marunong siya umarte. Mas acting ability ang hinahanap ko. Saka yung charm, yung presence niya sa screen."
PHOTO/S: Noel Orsal

Wala pang bagong Darna.

“Naghahanap pa rin ng Darna. We are still in the process of auditioning people, yun ang masasabi ko,” pahayag ni Direk Jerrold Tarog sa red carpet ng 67th FAMAS Awards nitong Abril 28, Linggo, sa Meralco Theater, Pasig City.

Dagdag ni Direk Jerrold, “Siguro, puwede kong bitawan na may shortlist.

"Pero lalaki pa yung shortlist kasi may auditions pa, di ba?"

Gaganapin ang Darna auditions sa Mayo 4 at 5, Sabado at Linggo.

Magbubukas ang gate nang 10 A.M. sa ABS-CBN Audience Entrance.

Ang mag-a-audition ay dapat babae, 20-26 y/o, 5’5” pataas, may acting experience, fluent sa Tagalog, physically fit, at marunong sa contact sports.

THE NEXT DARNA

Ang bet ng dating Darna director na si Erik Matti para magbida bilang kapalit ni Liza Soberano ay si Nadine Lustre, na kapapanalo pa lamang sa FAMAS bilang best actress para sa Never Not Love You.

Continue reading below ↓

May mga nagpu-push kina Pia Wurtzbach at Catriona Gray para mag-Darna, pero tahasang inayawan ni Direk Erik ang beauty queens.

Paliwanag ni Direk Jerrold, “Yung material kasi, galing siya sa tinatrabaho nina Erik before, which means coming-of-age story siya.

"So, dapat bata siya. Nasa early 20s, same kay Liza.

“Beauty queens? Basta early 20s.

"Image? Sa akin, basta importante, marunong siya umarte. Mas acting ability ang hinahanap ko.

“Saka yung charm, yung presence niya sa screen."

Nanghinayang si Direk Jerrold sa pagba-back out ni Liza sa Darna project.

“Yeah, I was informed weeks before, so medyo prepared na ako doon sa balita,” pahayag ni Direk Jerrold.

“Nanghinayang? Oo, kasi I did my things with the story to make sure na nagpi-fit doon sa personality ni Liza.

"But siyempre, mas importante yung kalusugan niya and pag-heal ng finger niya, tanggap ko naman yun.

“Sinabi niya sa akin iyung dinaanan niya, yung training na ginawa niya, she really wants to show that she can pull it off, pero yun nga.

Continue reading below ↓

“Naiintindihan ko naman kung bakit siya nag-quit."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Jerrold Tarog on the new Darna: "Sa akin, basta importante, marunong siya umarte. Mas acting ability ang hinahanap ko. Saka yung charm, yung presence niya sa screen."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results