Gretchen Barretto explains why she is nervous about movie with Richard Gomez, John Lloyd Cruz

Gretchen Barretto describes her character as a "plain and simple" developmental psychologist in Almost A Love Story (formerly known as The Trial).


Matapos ang maraming taon na hindi paggawa ng mainstream film ni Gretchen Barretto ay muli na naman siyang mapapanuod sa big screen kasama sina John Lloyd Cruz, Richard Gomez at Jessy Mendiola sa pelikulang Almost A Love Story (formerly known as The Trial).

Ang Chito Roño film na ito ay nakaschedule na ipalabas simula October 15. Ito ang kauna-unahang pelikulang gagawin ni Gretchen sa Star Cinema.

Sa 2013 edition ng Cinemalaya, napanood si Gretchen sa indie film titled The Diplomat Hotel kunsaan gumanap siya bilang reporter na nag-feature sa isang haunted hotel sa Baguio. Noong 2006 siya huling napanood sa mainstream movie na Matakot Ka sa Karma.

Nakausap ng media si Gretchen sa August 14 contract signing niya na ginanap sa Star Cinema conference room. Ani Gretchen, “Para pagkatiwalaan akong gumawa ng napakalaking proyekto makes me look forward to many more movies. It just overwhelming na ganito ang pakiramdam na pinagkakatiwalaan pa rin ako until now.”


Tuluy-tuloy na po ba ang paggawa n’yo ng mga movies?

Gretchen: “Well yes! Alam n’yo namang workaholic ako, pag may trabaho, magtatrabaho ako especially na ganito kalaki ang proyekto natin and it’s under Direk Chito Roño and you have John Lloyd Cruz. What can I say? We have also Richard Gomez, Jessy Mendiola. It’s really a big project. Excited, kinakabahan ako. I cannot deny na nakakakaba na first time, I’m doing a movie after a long time.

"Normally, teleserye lang ginagawa ko. Nakakabanibago even when we shoot, iba ang pacing ng trabaho. One to two sequences for a day as to 30 sequences a day pag nagte-teleserye. Medyo mabagal pero mas focused kami ‘pag pelikula. Everything is new and I love working, it’s easy for me to throw me and shoot.”

How is it working with John Lloyd and the rest of the cast?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gretchen: “John Lloyd, knowing that he is a very good actor, nakakakaba, di ba? Pero ‘pag nasa set si John Lloyd, parang wala siya sa set. Ang pangalan niya kasi sa pelikula is Ronald. I feel na si Ronald yung nandun hindi si John Lloyd. Hindi siya nakikipaglaro, hindi siya nakikipagdaldalan, focused siya pagdating sa set and I think I’m inspired to also work, don’t play as much.

“Kasi I’m a very playful person, gusto ko pagdating ko sa set, happy kaagad. But in this movie, I know that I have to focus, hindi ako pwedeng Gretchen, dapat in character ako pagdating ko. So, I’m not as magulo. Saka, alam n’yo naman na mahilig ako mag post sa Instagram, pero dito hindi ako pwedeng mag post kaagad ‘pag nagsu-shoot kami, kasi kailangan professional ako.”

Please tell us something about your role sa movie n’yo na ito.

Gretchen: “Ako ay isang developmental psychologist. So, very plain and simple Gretchen ang makikita n’yo sa kin dito. But more focused. Maraming iyakan, maraming emotions. Yung mga pinagdaanan ko for the past year. All the emotions, makikita n’yo dito sa pelikulang ito. I will share with you without telling you my story. I will give you my emotions.”

Na-miss n’yo bang gumawa ng mainstream film?

Gretchen: “Well, I cannot say na na-miss ko ang paggawa ng pelikula, dahil nung araw, noong gumagawa ko ng pelikula 20 years ago, tatlo o apat na pelikula ang ginagawa ko na sabay-sabay. Pag sabay-sabay mong ginagawa ang proyekto, you don’t appreciate what you are doing, parang sinasabi ko sa sarili na…sige tapusin na natin ito, para lang matapos mo yung proyekto. But this time, because isa-isa yung pelikula ko, mas nakafocus ako. I get to value my work, my character, people I work with and, of course, ABS-CBN because it’s my first movie with them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagbabalik po natin sa ganitong klaseng pelikula kailangan po ba nating magpaalam kung kanino man po, na magiging active ka na uli sa paggawa ng mga movies?

Gretchen: “Ah, hindi naman! Because, I am the boss of me! (sabay tawa) Okay ba yun? Tama naman yun, di ba? Wala na, hindi na ako nagpapaalam kahit kanino. I guess by now, I have earned trust and respect of Tony [partner Tonyboy Cojuangco] and Dominique [their daughter]--the people who matter in my life na alam nila yung ginagawa ko as far as my career is concerned. I think ever since I got a signed my contract with ABS-CBN under Tita Malou Santos, since I did Magkaribal naman yata, I’m sure okay naman yung mga proyektong ginawa ko. Pati yung mga series na ginawa ko, kumita naman.”

Bago n’yo tinanggap yung proyektong ito, may preparasyon po ba kayong ginawa in doing this movie?

Gretchen: “Nag workshop ako nang nag-workshop bago ko gawin ‘tong pelikula na ito at sa gitna ng aming pagsu-shoot ay nagwo-workshop pa rin ako, kasi marami pa rin ako na walls na dapat tibagin para maabot ko yung mga emotions na kailangan sa bawat eksena.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN