Sharon Cuneta has no intention of stealing Horror Queen title from Kris Aquino

IMAGE Noel Orsal

Sharon Cuneta on Horror Quen title: "Alam niyo, hindi, walang queen-queen. Lahat ng artista, may karapatang gumawa ng horror films."


Puring-puri ng direktor na si Erik Matti si Sharon Cuneta dahil napakahusay raw nito sa horror film na Kuwaresma.

“Nagulat din ako, e!” natawang sabi ng Megastar sa mediacon noong Abril 23, Martes, sa Valencia Events Place, Quezon City.

Puwede raw siyang maging Horror Queen!

Pero pagkontra ni Sharon, “Alam niyo, hindi, walang queen-queen.

"Lahat ng artista, may karapatang gumawa ng horror films.

"And we all know that the one who made so many was Kris Aquino, so walang agawan ng trono rito.”

Close friends sila ni Kris. Malamang na OK lang kay Kris na ipasa ang Horror Queen title kay Mega.

“Ay, walang ganun. Hindi, walang nagmamay-ari ng kahit na anong genre.

"Kapag artista ka, kakayanin mong lahat," sansala ni Sharon.

Hindi matatakutin si Sharon. Nanonood siya ng horror films na mag-isa lang.

Kuwento pa niya, “Minsan nga, nakakatawa, magko-concert ako, pampaalis ko ng nerbiyos, horror film.

"Manonood ako sa laptop. Alam ng Sharonians ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos, minsan, nanonood ako, tulog na silang lahat, naka-earphone ako.

"Kasi, I know how it’s done, artista ako.

“So, alam ko kung ano ang dugo, alam ko kung paano shinoot ‘to.”

THE OTHERS

Christian na si Sharon, pero maingat din siya sa mga sinasabing baka may nagpaparamdam o spirit sa pinag-shooting-an nila.

“Wala akong naramdaman, at saka ang nahalata ko lang, meron akong isang eksena, siyempre may evil forces sa eksena.

“Hindi ako buma-buckle. Bihira ako sa eksena. May isang hindi naman kahirapan ang dialogue, nagba-buckle ako.

“Sabi ko, ‘Sandali, Direk, sandali...’ Kaya kine-curse yung set ng horror movies, yun ang pagkakaintindi ko sa dami ng pinapanood ko, pati behind the scenes na documented, sa YouTube, ang dami niyan.

“Ayaw kasi ng demonyo na pinag-uusapan siya. Gusto niyang bolahin ang tao.

"Because his lie is that he doesn’t exist, para mas maraming magkasala.

“So, kapag merong ganito, ayaw na ng evil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So ako, yun ang inaano ko, may proteksiyon lahat. Ayaw ko ng may aksidente.

“Kasi, yung interviews na napapanood ko, parang palaging sinusundan sila ng kung anu-ano.”

Horror ang genre ng Kuwaresma pero pang-Mother’s Day talaga ito.

“For mothers, yeah... basically, the mother is really an important factor in saving the day.”

Masaya ang pinag-shooting-an nilang bahay.

Masaya rin daw sila sa set kaya hindi raw nakakatakot.

Tinatawag ngang “happy pill” ni Sharon si Direk Erik.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN