Julia Barretto reveals auditioning for Darna

IMAGE Noel Orsal

Julia Barretto claims she auditioned for Darna two days before before the announced auditions to the public.


May mga nagpu-push kay Julia Barretto para maging bagong Darna.

Interesado ba siyang gampanan ang nasabing role?

“Actually, pumunta ako sa auditions ng Darna kanina. Sa office,” nakangiting sambit ni Julia sa mediacon ng pelikulang Between Maybes nitong Mayo 2, Huwebes ng gabi, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, Quezon City.

Mayo 4 at 5 (Sabado at Linggo) ng 10 A.M. sa ABS-CBN Entrance Gate ang nai-announce sa publiko na auditions ng Darna.

Nauna na pala siya!

“May mga nakapila nga, e. Actually, inunahan ko na, e. Pumasok na nga lang ako.

“Sabi ko, ‘Minsan lang naman ‘to. Bahala na,’” lahad ni Julia na tipong nagbibiro.

Kumusta ang audition niya?

“Hindi nila ako sineryoso,” pabebeng tugon ng 22-anyos na kunwari’y naghihimutok.

“Sabi ko nga, ‘Maghuhubad na po ba ako? Kasi, ready na po ako, e.’

“So, umiikut-ikot ako doon. Gumaganun-ganun,” pagmumuwestra ni Julia na nakataas ang kanang kamay at nakakuyom ang palad as if lilipad siya bilang Darna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinawanan nila ako. Baka ayaw nila. Ha! Ha! Ha! Ha!”

In fairness, ni-record daw ng Star Cinema at Star Hunt ang pag-a-audition niya, at baka ilabas.

Matapos ang open forum, inusisa si Julia kung seryoso ba siyang nag-audition sa Darna.

Natawa si Julia, “Ha! Ha! Ha! Seryoso, pumunta talaga ako sa audition kanina. Totoo talaga!”

Paano kung i-offer sa kanya?

“E, kunin natin. Sabay-sabay lahat tayong lumipad,” kaswal na pakli ni Julia na tila di seryoso.

VERY MUCH QUALIFIED

Gusto ni Direk Jerrold Tarog na maging bagong Darna ay may charm, may presence, at marunong umarte. Very much qualified si Julia!

Pangiti-ngiti si Julia at parang hindi maapuhap ang isasagot, “Bakit po? Birthday ko po ba ngayon? Parang birthday ko, ah?!

“Parang March pa ‘yung birthday ko.”

Kaya lang, parang nakakatakot para sa ka-love team niyang si Joshua Garcia sakaling si Julia ang mapiling Darna. Malamang na mapag-iwanan niya si Joshua, if ever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit naman ho?”

Malamang na aangat na siya talaga!

“Joshua is a very, very talented guy,” matatas na pagkontra ni Julia.

“Josh is a very talented actor. Kaya niya. Kaya niya... kaya niyang mag-isa.”

Si Gerald Anderson ang katambal ni Julia sa pelikulang Between Maybes, na nakatakdang ipalabas sa Mayo 15.

Magkasama sina Julia at Joshua sa zombie movie na BlockZ na malapit nang matapos ang principal photography.

Sa Hunyo ay magsisimulang mag-shoot si Joshua ng movie na bida siya.

Nang usisain si Julia kung hindi ba siya kasama sa nasabing project, ang tanging sagio niya, “We’ll see. We’ll see!”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN