Vice Ganda celebrates 10 years of friendship with Anne Curtis via MMFF 2019 aspiring entry

IMAGE Noel Orsal

Vice Ganda tells Anne Curtis: "Kung ano iyong confidence na ginagawa mo pag kasama ko ako sa Showtime, iyon lang din iyon!"


Excited si Vice Ganda sa unang pelikulang pagsasamahan nila ng kaibigan at It's Showtime co-host na si Anne Curtis.

Ang pelikulang gagawin ng dalawang Kapamilya stars ay aspiring entry sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Ang sarap lang na habang gumagawa kami ng pelikula, nagse-celebrate din kami ng 10 years ng friendship namin,” excited na sambit ni Vice nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong Mayo 1, Miyerkules, sa set ng It’s Showtime.

“Maganda ito, maganda, kasi mas malala kaysa doon sa ginagawa namin sa Showtime."

Regalo nina Vice at Anne sa mga tagasubaybay ng It’s Showtime para sa ika-10 anibersaryo ng show ang pagsasanib nila ng puwersa.

“Concept ng Star Cinema, kasi dalawa yun, e. Dalawa yung characters,” pagtatapat ni Vice.

“'Tapos, tinanong nila ako kung sino yung gusto ko sa isa. Gusto ko si Anne Curtis.

“Tenth anniversary ng Showtime, gusto ko, regalo namin yun sa Madlang Pipol. Kasama yun sa pangsopresa namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaking advantage bang malapit silang magkaibigan ni Anne para higit na maging mas magaan at maganda ang pelikulang gagawin nila?

Tugon ni Vice, “Yes, mas advantage. Kasi alam namin pareho ang work ethics namin.

"Alam ko kung ano ang mga ganap ni Anne. Siya rin, alam niya kung paano ako magtrabaho.

“Saka mahirap lalo pag gumagawa ako ng pelikula, hindi lang kasi ako actor doon sa production, part ako ng creative.

“E, si Anne, alam niya yun kung paano ako magtrabaho sa Showtime.

“Minsan kasi siyempre, hesitant ka, baka ma-off yung iba.

"Iba kapag araw-araw kong nakakasama sa trabaho. Mas kilala namin ang isa't isa."

Kabado si Anne sa pagsasama nila ni Vice, pero tiwala itong hindi siya pababayaan ng kaibigan.

Pag-ayon ni Vice, “Ninenerbiyos siya, pero sabi ko sa kanya, ‘Naku, wala. Kung ano yung confidence na ginagawa mo pag kasama mo ako sa Showtime, yun lang din yun.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang maganda kasi, si Anne, mas kampante siya kapag kasama niya ako."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN