Anne Curtis transforms into obese character; asks boyfriend Erwan Heussaff: “Do you still love me?”

Anne Curtis (in both photos) recalls the reaction of boyfriend Erwan Heussaff when he saw her wearing a fat suit for The Gifted.


Matapos magsama nina Cristine Reyes at Anne Curtis sa blockbuster movie na No Other Woman, muling magbabanggaan ang dalawa sa sexy comedy movie titled The Gifted. This time, si Sam Milby ang love interest na kanilang pag-aagawan.

Produced by Viva Films, ang pelikula na ito ay tungkol kina Zoe (played by Anne Curtis) at Aika (played by Cristine Reyes), dalawang babae na may gift na extremely high IQ. Rivals sila sa academics at magiging magkaribal rin para sa atensiyon ni Mark Ferrer (played by Sam Milby).

Si Anne ay nagsuot ng fat suit upang magmukhang obese na babae samantalang si Cristine ay nilagyan ng pimples at buck teeth (sungke) upang maging pangit ang itsura niya.



Cristine Reyes and Anne Curtis




Sa August 11 presscon ng The Gifted sa The Library, Metrowalk, nakapanayam ng media si Anne Curtis tungkol sa kanyang karakter sa pelikulang ito na sinulat at dinerehe ni Chris Martinez.

Nakita namin ang trailer ng movie, mukha pinaghirapan n’yo talaga yung pelikula?

Anne: “It was actually not so hard, the hard part I guess is the actual fat suit, yun yung medyo mahirap. Kasi sobrang pinagpapawisan ako ng sobra. Mainit naman kasi dito sa Pilipinas that was a little bit complicated. Pero yung character itself napaka fun i-portray si Zoe Tuazon.”

Ano ang reaction mo nung una mong makita ang sarili mo na mataba?

Anne: “Alam mo natawa ako nung nakita ko yung sarili ko na parang may kaba. Noong una, hinihintay mo kasi kung anong magiging itsura mo, e. And then nung nakabit na yung fat suit, nagulat ako, parang 'Wow! Eto pala yung itsura ko.' Tanong ko sa sarili ko, eto pala ang itsura ko after four kids? Who knows? Pero nakakatawa.

“It’s so fun to portray Zoe Tuazon when I’m fat, kasi nakakaaliw tingnan kahit sobrang init na init na ako. Sabi ko na lang pahinging fan. Parang mag-iiba na nga ang ugali ko dahil sobrang init na. Pero masaya kasi. Masayang makulit when you see it on screen. Worth it yung pagod.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-imagine mo ba na pwede kang tumaba ng ganun kataba soon? Natakot ka ba na tumaba ka ng ganun kataba kung sakali?

Anne: “Yes, siguro pwede akong tumaba nang ganun kataba, sabi ko nga baka after four kids ganun na itsura ko. Hindi naman ako natatakot na tumaba at least alam kong bagay sa akin pag tumaba ako. It doesn’t scare me, pero If I can maintain it na payat ako mas maganda, if not, ok lang rin.”

Ito ang muling pagsasama n’yo ni Cristine after No Other Woman. Hindi kaya makumpara yung acting ninyong dalawa dito sa acting n’yo sa No Other Woman?

Anne: “Of course, we have to make sure na it’s different sa No Other Woman, because magsasama uli kami ni Cristine. So, we were very specific in the very beginning when they offered it to us. Sabi ko, again? Kailangan iba naman. Pero you know, it’s a different story and different flavor. So, sabi ko, why not? Sige basahin ko muna ang script. Ang true enough, nagustuhan ko script dahil kakaiba ang story and funny. Sabi ko, Go! And I think we were able to pull off a different kind of Cristine and me dito sa The Gifted.”

How was working again with Sam Milby in this film?

Anne: “Di ba, nagkasama na kami sa Dyesebel, now dito sa film, okay naman! Parang work pa rin. Lagi kaming magkasama, from Dyesebel to movie. At least after Dyesebel, we can concentrate na dito sa movie at natapos na namin.”

Gaano katagal ninyo ginawa itong movie na ito? Parang pagkakaalam namin last year pa ito, di ba?

Anne: “Yes, last year pa ito, and then Dyesebel happened. As we all know Dyesebel, we have to prioritize Dyesebel kasi yung sinu-shoot namin sa umaga yun ang pinapalabas sa gabi. So, we were not able to shoot anymore the film in a while. Pero pagkatapos nung Dyesebel, dire diretso na yung shoot nitong The Gifted. Kaya ang bilis natapos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga friends ka ba na nakaranas ng pagiging mataba? Anong sabi nila?

Anne: “Meron! Natatawa nga sila sa picture ko, sabi nila, ‘You know what I feel.’”

May lesson learned ka ba sa film na ito after portraying the role of Zoe Tuazon?

Anne: “Yeah, definitely, it doesn’t matter what package or size you have, is really how you are. Pero panuorin n’yo muna yung movie kasi marami ka talagang matutunan sa karakter namin ni Cristine.”

“I can consider it as a dark comedy kasi kasi mga ganun yung itsura naming, maldita kaming dalawa ni Cristine, that’s why its so funny. At ang ganda ng twist, ang talino ni Direk Chris Martinez. Ang galing nyang magsulat. Genius! Siya talaga ang gifted, kasi naisip niya tong movie na ito.”

Ano ang reaction ng boyfriend mo na si Erwan sa itsura mo bilang overweight girl?

Anne: “He used to be very big. He was 300 pounds something before. He lost a whole person. Kaya naka-relate siya sa movie. Natatawa siya sa itsura ko. Tanong ko nga sa kanya nung pinakita ko picture kong mataba: ‘Do you still love me?’ Oo naman daw, cute naman daw ako.”

“Nakakatuwa din yung feedback ng mga tao. May mga gumagawa nang pictures nila, na pinatataba nila yung mukha nila. Nakakatuwa lang na they find my character is cute.”

Hindi ba makumpara yung mga fight scenes n’yo rito ni Cristine sa No Other Woman kunsaan may fight scene din kayo?

Anne: “Kakaiba rito, kasi it’s funny yung fight scenes namin. Nakita n’yo naman, may mga shot gun. Nakakatawa! Nakita n’yo naman yung slit ko sa isang scene na hanggang beywang, sobrang funny. Sabi nga ng mga fans na bading, pag sumali sila sa beauty pageant, peg daw nila yung ganun kataas na slit sa gown nila. Funny kasi, sa No Other Woman, it’s a kind of serious siya. Dito nakakatawa yung situation. Ito kasi alam mong nakakatawa yung eksena. Matalino yung away. Sobrang well done! Yung mga taga UP [University of the Philippines] yung gumawa ng fight scenes namin. Kasi, di ba, there’s two intelligent people fighting. Basta panuorin n’yo, ang galing ng pagkakagawa!”


(Read: Anne Curtis wears provocative high-slit dress for The Gifted)




The Gifted stars (L-R) Cristine Reyes, Sam Milby and Anne Curtis. Photo by Allan Sancon.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN