Roxanne Guinoo: Isang magandang bangungot ang makapiling si Jake Cuenca


Roxanne Guinoo (left) and Dennis Trillo (right) star in the episode "Bangungungot" (Nightmare) of Shake, Rattle and Roll 9, which tells the story of people who are afraid to fall asleep because of a deadly nightmare that threatens their lives.



Punong-puno ang Cinema 6 ng SM Megamall noong Linggo,December 16, kung saan ginanap ang premiere night ng Regal Entertainment's Shake,Rattle & Roll 9. Ito angnag-iisang horror movie entry sa 2007 Metro Manila Film Festival.

Roxanne Guinoo caught our attention sa kanyang episode na"Bangungot," ang ikalawang episode ng SRR9, dahil she's living up to her sexy image after endorsing a whisky brand. Bigay na bigay ito sapakipaghalikan kay Dennis Trillo, lalo na sa eksenang towards the end kung saannagyakapan sila nang mahigpit ni Dennis.

Sa reception sa Super Bowl sa ground floor ng SMMegamall ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres atinamin nito na araw-araw itong 'binabangungot'.

"Oo naman, kino-consider ko na 'bangungot' ang nasapiling ni Jake Cuenca. I want to makeit clear na magandang bangungot 'yon."

Dagdag pa, "Kung maari ngang di na magising sabangungot na 'yon ay gugustuhin ko."

Does it mean, noong magkarelasyon pa sila ni Joross Gamboaay hindi niya ito maituturing na magandang bangungot?

"Huwag na natin siya isama dito and hayaan na natin siya.Sigurado kong masaya na siya ngayon sa piling nga kanyang minamahal. Irespetona lamang natin siya. Saka nakakahiya sa kanya kung idinadamay pa natin sausapan."

How true na isinauli na nito ang bigay na singsing ng aktorat pagkumpirma ba itong hiwalay na sila?

"Mahirap magsalita pa sa ngayon. Hintayin na lang natindahil malalaman din natin ang pinakadahilan sa madaling panahon."

Totoo bang apektado ang kanyang role sa Palos dahilsa break nila ng aktor na isa sa mga bida? "Guest role lang talaga ako doon. Nasa script 'yon at alam ko naman dahil nabasa ko at ang role ko talagaay maiksi lang."


Ang Palos ay ang action-drama teleserye na pagbibidahan ni Jake kasama ang kanyang bagong leading lady na si Valerie "Bangs" Garcia. Ipapalabas ito sa first quarter ng 2008.

"Ang alam ko, bibigyan ako ng isang drama soap namakakasama ko si Claudine Barretto. Si Jake naman, he is going action. Kaya di kami puwedeng magsama sa isangteleserye sa ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Regarding sa balitang babalik ito sa pagho-host sa Wowoweeay pinabulaanan ito ng aktres. Gustuhinman nitong bumalik sa nasabing game show ni Willie Revillame ay hindi na siyapinayagan ni Mr. Johnny Manahan dahil kailangan nitong mag-concentrate sakanyang acting dahil gini-groom itong dramatic actress.

SYNOPSIS. Sa kabilang banda ay masasabing matagumpayang nasabing premiere night ng Shake, Rattle & Roll 9. Tilian, sigawan at nandoon ang takot ng mgamanonood sa bawat eksena. Ito ay pagpapatunay na naging matagumpay ang tatlongdirektor na sina Topel Lee, Mike Tuviera, at Paul Daza na manakot.

Ang unang episode ng SRR9 ay ang "Christmas Tree"na idenerehe ni Paul Daza. Punong-puno ng mga surprises at ang mga batangnanonood ay talagang takang-taka sa animated tree na nagiging monster atkumakain ng mga biktima.

Ang nasa cast ay sina Tonton Gutierrez, Boots Anson-Roa,Gina Alajar, John Lapus, John Prats and Lovi Poe. Child star Nash Aguas wasexceptional sa kanyang pag-akting at marami ang naniniwala na magkakamit mulinito ang Best Child Performer Award.

Ang ikalawang epsiode ay ang "Bangungot" natalagang hindi ka mapapaalis sa kinauupuan mo para di mo ma-miss ang susunod naeksena dahil talagang may touch of mystery ang nasabing epsidode na bida sinaDennis Trillo, Pauleen Luna at Roxanne Guinoo. This is directed by Mike Tuvieraat kasama din dito si Eugene Domingo na di nagpatawa kung hindi nananakot.

Ang panghuling episode ay ang "Engkanto" na ang bida ay si Katrina Halili na hindinagpaseksi bakgus ay nananakot sa mga manonood. Si Topel Lee ang nagderehe ngnasabing episode at matagumpay nitong pina-arte ang mga baguhang sina MattEvans, Mart Escudero, Melissa Ricks, Jewel Mische, Felix Roco, at SamConcepcion. Kinunan ang nasabing episode sa isang abandoned beach resort atdito naganap ang pakikipaglaban ng masamang ispiritu sa mga kabataang miyembrong banda.

Ang Shake, Rattle & Roll 9 ay rated GP (GeneralPatronage), opening in theaters nationwide on December 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN