Joseph Marco on doing topless scene for movie: "Why not show off your body, hindi ba? Kahit at least sa one scene lang."

Joseph Marco reveals he will be part of the upcoming Cosmo Bachelor Bash and Bench Underwear show.


Masaya si Joseph Marco sa takbo ng career niya ngayon. Although inamin niyang noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz bilang model ay hindi siya talaga seryoso sa kanyang trabaho.

“Sobra-sobrang saya. I couldn’t ask for more. Parang ngayon ko na-feel na kahit wala akong tulog ay masaya ako. Kasi dati nagrereklamo ka, kasi I’m a type of person who loves to sleep,” saad ni Joseph sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang solo presscon sa Whistlestop, ELJ building, ABS-CBN compound last August 16.

“Pero kahit wala akong tulog, dahil nga sa nangyayari sa career ko… Eto kasi talaga ang gusto ko, e. So, I’m really happy.

“Trabaho muna kasi talaga ng focus ko ngayon,” dagdag pa ng Kapamilya actor.

Isa si Joseph sa lead stars ng pelikulang Talk Back and You’re Dead ng Viva at Skylight Films. Tinatampukan ito nina James Reid, Nadine Lustre, at Yassi Pressman. Ito ay mula sa direksiyon ni Direk Andoy Ranay.

Bakit nasabi mo na hindi ka masyadong seryoso noon sa career mo?

Paliwanag ni Joseph: “Noong una kasi, nag-start nga ako as a commercial model, hindi ba? Parang, hindi talaga ako seryoso noon, e. I was just having fun, I was 18 that time.

“Siguro, nagseryoso lang ako ay noong nabigyan ako ng big break sa Sabel. Iyon ang first big break ko talaga.”

Habang ginagawa niya ang Talk Back and You’re Dead, nasabi ni Joseph na dito niya nalaman kung gaano kahalaga sa kanya ang pagiging actor niya. Sa naturang pelikula, ang kanyang character na si Jared/Red ay kulay pula ang buhok.

“Na-discover ko na kaya ko palang ganoon maging ka-patient. Kasi, to the point na I’m doing Pure Love, tapos magse-segue ako, walang tulog at kukulayan ang buhok ko for two hours, tapos ang baho-baho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos ay hindi ako masyadong makatulog dahil bawal magulo iyong buhok. Dito ko talaga nakita iyong patience ko at na-discover kong mahal ko talaga ang ginagawa ko.”

Ano ang masasabi niya sa kanyang co-stars?

“Sina James, Nadine at Yassi, sobrang nakakatuwa sila, kasi very passionate din sila sa mga ginagawa nila. Parang, it’s always good to work with people na, alam mo iyon, pare-parehas kayo ng passion?

“Ang pangit naman kasi kung may ginagawa kayong project, tapos yung isa ay hindi nagseseryoso. But sa cast nitong Talk Back and You’re Dead, talagang sobra ang cooperation. Talagang nadoon iyong unity, e.”

Kinokompara ngayon ang James-Nadine (JaDine) loveteam sa Kathniel tandem na binubuo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Sa tingin ba niya ay may karapatan silang i-compare sa tinaguriang Teen King and Queen ng ABS-CBN?

“Oo naman po, kasi, marami na ring fans sina James at Nadine. And sabi nga nila na it's always good to be compared. So, may K naman po.”



ON JOINING SEXY SHOWS. Naibalita rin ni Marco na sasabak siya sa gagawing Cosmo Bachelor Bash and Bench Underwear show.

“This year I will be doing Cosmo Bash and Bench Underwear show. Hindi ko pa po alam ang ipasusuot sa akin.”

Gaano ka ka-sexy dito? Ready ka na ba?

“As of now ay hindi pa, e, kasi, I still need to prepare kahit siguro at least, two weeks.

“Kasi for the past three weeks, I’ve been working every day. You know, segue from Talk Back… tapos ay sa Pure Love. Kaya hindi ako nakakapag-work-out, kaya nag-crash talaga iyong katawan ko. But you know, I’m getting there.”

So, paghahandaan mo ito kapag malapit na?

“Yeah, magwo-work-out ako kahit at least two weeks sana.”

Nasubukan mo na bang rumampa na naka-trunks lang or sexy talaga?

“Hindi pa, pero most of the time ay topless lang ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ready ka ba, kung pagsuotin ka rito ng underwear?

“Yeah, why not? Okay lang naman sa akin. As long as proper project yun… so, kaya naman siguro dito sa Cosmo at Bench.”

Kaya mo bang makipagsabayan sa ibang rumarampa sa mga event na ganito?

“Kaya naman, pagdating sa … when it comes to… sa katawan, kaya namang makipagsabayan. Pero since I’m not used to wearing just underwear kapag rumarampa, siguro ay medyo mangangapa ako.

“But, of course, kapag binigyan ako ng chance, talagang paghahandaan ko iyon. I’m gonna do my best."

Sa movie ninyo, bakit ka nagtatanong kung wala ka bang topless scene rito? Gusto ba niyang magpakita ng katawan sa Talk Back and You’re Dead?

“Kasi, astig na movie ito tapos ay mga gangster pa kami, so, why not show off your body, hindi ba? Kahit at least sa one scene lang.

“Ang dami rin kasing sinasabi sa book na ang ganda ng katawan ni Jared dela Cruz, yung character ko. And ang dami ko ring nababasang tweet na, ‘I can’t wait para sa topless scene ni Jared.’

”So ako naman, hindi ko masabi na, ‘Ay, wala akong topless scene rito.’ Hindi ba, parang nakaka-ano naman, na ma-disappoint sila kapag hindi nila nakita iyong topless scene ni Jared.”

Pero, feel mo bang mag-topless dito sa movie nyo?

“Yeah, kasi it’s my job, e. So, you know, I have to feel it… it’s my character… so, yeah.”

Sa ngayon ba ay nakakatanggap ka rin ng indecent proposal tulad ng ibang actor?

“Wala, wala po. Hindi ako na-expose sa ganoon.

“Siguro, ano naman kasi, depende iyan kung paano… Sa tingin ko kasi, para mag-offer sila ng ganoon, kailangan na makita ka nila na ganoon kang type.

“I’m thankful enough na yung image ko, wala namang negative or when it comes to that issue, kaya I’m lucky enough na wala namang tumatrato sa akin ng ganoon,” nakangiting saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung may ma-encounter akong ganoon? Siguro, I’ll handle it in a good way. Na parang, kahit alukin niya ako ng ganoon ay hindi ko siya babastusin.

“Sasabihin ko sa kanya na, ‘I’m not the type and I’m not interested, so, I’m sorry.’ Pero hindi ko siya babastusin.”



ON REMAKING PURE LOVE. Sa kasalukuyan, abala si Joseph sa remake ng Koreanovela na Pure Love.

Ano ba ang kaibahan ng character niya sa movie at sa teleserye na Pure Love?

“Once na naka-red hair na ako at naka-leather jacket na ako, parang feel na feel ko na talaga iyong character ko [sa Talk Back and You’re Dead]. It really helps me a lot.

“Pero as Dave [character niya sa Pure Love], talagang nahihirapan ako. Until now, parang hindi ko pa siya sobrang gamay na gamay.

“Kasi iyong character ni Dave, it’s so simple and yet, so complicated. Parang mysterious siya, masungit siya, pero dapat ay hindi siya magmukhang boring. Parang masungit siya na dapat ay may flavor.

“So, ganoon iyong gusto nilang makita na masungit siya, pero dapat ay cute and interesting,” nakangiting paliwanag niya.

Ano’ng gustong ma-achieve at ma-portray na mga role?

“Ang gusto kong ma-achieve, I really wanna be known as a dramatic actor, iyon talaga ang gusto ko. You know, more than being an action star or matinee idol, gusto ko talagang maging dramatic actor, gusto kong makita nila yung versatility ko.”

Aware ba siya na nagkakaroon siya ng base ng young fans dahil sa Honesto, sa Pure Love at ngayon sa Talk Back and You’re Dead?

“Yeah, for me it’s always good to have fans lalo na yung young age. Kasi sila iyong pinaka… they’ll do whatever it takes. Sila iyong pinaka-loyal kaya thankful ako.

“Mas gusto ko nga po na young yung market ng fans ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Loveless ka ngayon at ganoon din si Alex Gonzaga, posible bang ma-develop kayo?

“Yeah, loveless but…., paano ko ba sasabihin iyon? Hindi rin naman dating, e, hindi naman, siguro ay patago lang. Pero nothing serious talaga, kasi I really wanna focus on my career.

“Si Alex, noong una talaga, parang I find her, yeah, I find her cute.

“But, little by little, parang, she becomes more interesting. Kasi, sobrang totoo niyang tao and very spontaneous siya, nakakatuwa. Kaya, kitang-kita mo iyong purity niya, nakakatuwa lang.”

Ganoon ba ang type mong babae?

“Ang sa akin naman, ang gusto ko sana ay responsible and you know, na dapat ay mahal niya ang sarili niya.”

Pero inamin din ni Joseph na sa ngayon ay hindi naman daw siya naghahanap ng serious relationship.

“At this time, parang I wanna have fun, gusto kong mag-enjoy, you know. Hindi pa ako ready sa serious relationship.

“Kasi minsan ay nagbabago-bago rin, e, sometimes gusto ko ng serious na babae. But sometimes, too serious becomes boring, parang nakaka-bore, e.

“So, minsan ay okay din to hang-out with girls who’s adventurous and fun to be with.”

Paano ba niya ilalarawan si Alex?

“Si Alex, ano siya, very funny and yet very faithful siya. Very faithful si Alex, e.”

Posible bang magkamabutihan sila ni Alex sa hinaharap?

“Yeah, why not?” nakangiting sagot pa ng heartthrob.

Ano ang masasabi niya sa taas ng rating ng Pure Love?

“Grabe, parang lahat kami ay hindi makapaniwala. Kasi, dapat ay panghapon lang talaga kami. So, nang nakita ng management ay inilipat kami sa primetime.

“Doon pa lang ay thankful na kami and hindi namin ine-expect na…hindi naman siguro na hindi ine-expect talaga. But we’re confident dahil ibinigay namin yung best namin talaga, e. Tapos nang nalaman namin na nagre-rate pa ng ganoon. Grabe kaya sobrang thankful talaga kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN