Will Nadine Lustre audition for Darna role?; James Reid enjoys being Idol Philippines judge

by Melba R. Llanera
May 23, 2019
PHOTO/S: MYX Philippines Instagram

Wala si Nadine Lustre sa open auditions ng Darna noong Mayo 4 at 5 sa bakuran ng ABS-CBN.

“Me naman kasi, kung sasabihan ako, I will do it.

"But kundi man sinabi, okay lang naman," sambit ni Nadine nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa MYX Music Awards noong Mayo 15, Miyerkules.

Bakit siya sumigaw ng DARNA! sa viral video?

“We had a vlogger friend, si Donnalyn Bartolome. Because I haven't seen her for a long time, so ginawa ko na,” aniya.

Isang pelikula katambal si Sam Concepcion ang gagawin ni Nadine.

“Puro sayawan naman siya so it's very diferent sa projects na ginawa ko,” sabi ng premyadong aktres.

Masayang-masaya si Nadine sa apat na parangal na natamo niya sa MYX Music Awards 2019.

“It's unexpected, na-suprise din ako kasi medyo late din kami.

"Pagpasok na pagpasok namin, tinawag na ang pangalan ko.

Continue reading below ↓

“Maraming salamat, of course, MYX and to JaDine fans na patuloy na sumusuporta sa amin ni James.”

JAMES REID AS IDOL PHILIPPINES JUDGE

Kasama ni Nadine ang boyfriend na si James sa nasabing awards night.

Inurirat namin ang aktor kaugnay sa patuloy na pagbatikos sa kanya bilang hurado sa Idol Philippines.

“It's very difficult to be a judge because there are so many people that day and it depends in the people that we listen to,” paliwanag ni James.

“Sometimes, an amazing singer will come through, the next person is not so good.

"I don't know any contestant before they auditioned, so for me, it depends really on that audition.

“You really have to give everything on that audition. It's very hard to be a judge."

Nag-e-enjoy si James at marami siyang natututunan sa pagiging judge ng Idol Philippines.

“It's really, really fun and I learn a lot.

Continue reading below ↓

"We've already got to the Top 12, I already reached the Top 12, and we're very happy, we're very excited for the rest of the audience to see,” bulalas ng binata.

Hindi pa magawa ni James ang pelikulang Pedro Penduko: The Legend Begins, na ang target playdate noon ay Black Saturday 2019.

“I have back injury and it's very difficult for me to get back into shape. Now it's on hold."

CELEBRATING JAMES'S BIRTHDAY

Ipinagdiwang ni James ang 26th birthday niya noong Mayo 11 sa El Nido, Palawan kasama si Nadine at mga taong malalapit sa kanila.

Saad ni James, “It was a much needed break, we went to El Nido with family and friends. Just relax, unwind.

“Nadine planned the trip. For me, it's more on moments instead of material things."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: MYX Philippines Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results