Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Kapuso actor Miguel Tanfelix enjoys working with Kapamilya actress Andrea Brillantes

by Rommel Gonzales
Jun 1, 2019
Miguel Tanfelix on Andrea Brillantes: "Parang bata namin siyang kapatid, 'tapos, wala lang, cute lang."

Satisfied si Miguel Tanfelix sa kinalabasan ng horror movie nila ni Bianca Umali na Banal.

Satisfied din ba siya sa acting niya?

“Hindi ko po madya-judge yung acting ko pero the film itself, masasabi ko pong satisfied po ako,” sabi ni Miguel, na dalawang beses nang napanood ang pelikula.

Ano ba ang pinaka nakakatakot niyang karanasan?

“May one time, kung naaalala ninyo yung ginawa kong sapi-sapi scene sa Kambal, Karibal, after that taping day, mga two days may naririnig akong sumisitsit sa akin, everywhere!

“So kunwari, nagda-drive akong mag-isa, tapos may sisitsit.

“Nagdasal lang ako. Hindi ko na lang pinansin.”

Nawala ang sumisitsit sa kanya after two days.

“And mga sleep paralysis, iyan, na-experience ko rin iyan, siguro pag pagod masyado,” dagdag ng young actor.

WORKING WITH ANDREA BRILLANTES

Co-star nila ni Bianca ang Kapamilya na si Andrea Brillantes.

Kumusta katrabaho ang isang Kapamilya?

“Light, fun, fun! Kasi si Andrea kumbaga, parang bata namin siyang kapatid, 'tapos, wala lang, cute lang.

Continue reading below ↓

“Meron lang siyang mga chant niya na from Naruto yata, 'tapos inaasar namin.”

Iba ang bonding nila ni Bianca sa teleseryeng Sahaya at iba sa paggawa nila ng movie.

“Ano siya, hindi siya maarte!

"Kasi, may mga scenes doon na basambasa kami, 'tapos hindi muna kami magpapalit ng damit, kasi ise-set up lang, basa ulit kami.

“Kaya alam mo yung hindi siya yung tao na magrereklamo. Na, ‘Ano ba ‘yan, ayoko na!’ Kaya ayun.”

MIGUEL'S ADVENTURE

Nagsimula ang kuwento ng Banal sa adventure ng magkakabarkada.

Sa tunay na buhay, ano na ang pinaka-adventurous na ginawa ni Miguel?

“Siguro, ito iyung pag nag-a-out-of-the country ako, kasi ako lang mag-isa, e.

“So adventure talaga ‘yun kasi, kumbaga wala akong kakilala doon.”

Hindi siya natakot?

“Natatakot! Siyempre, part ng experience yun, kumbaga. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari.

“Iyon ang nagpapa-interesting sa trips ko, kasi thrilling siya and at the same time, bini-break ko iyung comfort zone ko.”

Continue reading below ↓

Ano ang bansang hindi niya makakalimutan?

“Siguro, noong nag-Cambodia ako.

"Dahil na-try kong mag-hostel, 'tapos marami akong kasama doon na travellers din, so ang saya!

"Yung experience namin, ang saya.

“Kumain ako ng tarantula!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix on Andrea Brillantes: "Parang bata namin siyang kapatid, 'tapos, wala lang, cute lang."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results