Kathryn Bernardo shares Star Awards best actress trophy with co-winner Sarah Geronimo

by Melba R. Llanera
Jun 3, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon

Ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang Best Actress trophy niya sa ka-tie na si Sarah Geronimo sa 35th PMPC Star Awards for Movies nitong Hunyo 2, Linggo, sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

"Sayang, wala siya, and alam din natin kung gaano karaming magagandang feedbacks ang na-receive ng Miss Granny,” masayang lahad ni Kathryn sa interbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News pagkatapos ng awards night.

“Sayang wala siya rito, but I want to congratulate her also, kasi magkasunod ang movies namin, parang halos nagsabay.

“Happy ako, si Sarah, alam ko na pinaghirapan niya yung pelikula niya. So, deserve niya talaga yun."

Nag-best actress si Kathryn para sa The Hows Of Us ng Star Cinema.

Bago gawin ni Kathryn ang pelikulang ito ay may mabigat siyang pinagdadaanan sa kanyang career.

"Oo naman, alam naman ng lahat yun, at binago yun ng The Hows Of Us and ni Direk Cathy [Garcia-Molina],” sambit ng Kapamilya actress.

Continue reading below ↓

“Kailangan lang pagdaanan lahat ng yun and then bawi na ang lahat, may mga magagandang mangyayari.

“Heto, ang ganda lahat ng mga nangyayari ngayon, I'm very blessed...

"Importante kasi, sinabi ko lahat sa speech ko, at yung nararamdaman ko.

"Nahirapan kaming buuin iyung project na The Hows Of Us, 'tapos ang dami niyang na-touch na tao, ang dami naming natutunan while making the film.

“Bonus ito, dream ko ito, heto na... This is my first Best Actress award!”

Sa ibang award-giving bodies ay hindi siya nominado. Feeling-vindicated siya ngayon?

"No naman, kasi may iba-ibang views ang mga namimili,” mapagkumbabang tugon ng young actress.

"Hindi naman yun sa dami ng awards, mas doon ako sa dami ng mga taong nakakausap ko na pinanood nila more than once yung movie.

"Yung mga taong di mo in-expect na papanoorin nila pero nanood sila.

"Sabi namin, yung award na ito, lahat sa The Hows Of Us, pinatunayan lang nito na buhay pa ang pelikulang Filipino.

Continue reading below ↓

"Basta mayroon tayong magandang movie, nandiyan sila, sumusuporta. Sana, huwag mawala yun."

KATHNIEL VACATION IN MOROCCO

Nagwagi rin sila ng katambal na si Daniel Padilla bilang Movie Loveteam of the Year para sa The Hows Of Us.

Kagagaling lang ng magkasintahan sa Morocco kung saan sinelebra nila ang kanilang 7th year anniversary.

“Yun ang napili namin, kasi yun ang gusto ko. Sinabi ko kay DJ [nickname ni Daniel] na gusto kong pumunta sa isang lugar na di pa namin napuntahan but exotic.

“And yung culture talaga na nagawa namin ang lahat ng gusto naming gawin.

"For me and DJ, one of the best trips namin yun ever. Super na-enjoy namin ang eight days na yun."

Mayo 26 ang kanilang 7th anniversary, at ang daming kinilig sa open letter na pinost ni Kathryn sa Instagram noong araw na iyon.

Napangiti nang matamis ang dalaga, “Dapat kasi, noong birthday pa niya iyan, ginagawa ko iyan noong flight.

Continue reading below ↓

“'Tapos, di pa siya natapos, kasi nga galing ako ng shooting.

"Sabi ko, ‘Sakto, ipu-post ko siya sa anniversary namin.’

“Yun, lahat yun from the heart.

"Ayaw pa niya akong ipag-phone that time. Sabi ko, matatapos na sa Manila, magtu-twelve, may kailangan akong gawin.

“'Tapos, doon niya lang nakita after ng ilang minutes. Surprise yun."

SEVEN-YEAR ITCH

Wah epek ang seven-year itch sa KathNiel.

"Para sa akin, pinaka-best year namin itong seventh year. Baligtad nga, kasi ang daming magagandang nangyayari.

“Or kung may hindi maayos na nangyari, napag-uusapan namin siya at naha-handle namin siya nang tama.

“Kasi siguro nga, medyo tumanda na rin, nag-mature na, timplado na niya. The best for me."

Naghahanda na si Kathryn sa promo ng movie nila ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye.

Kailan ba sila magtatambal muli ni Daniel?

"For sure mayroon, pero hindi ko lang alam kung kailan,” mabilis na sagot ni Kathryn.

Continue reading below ↓

“Of course, magkaka-reunion project ‘yan, pero may gagawin lang siguro si DJ para sa sarili niya.

“Oo, gusto naming gumawa pero maybe next year."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results