Jodi Sta. Maria executes buwis-buhay stunts in horror film Clarita

by Jerry Olea
Jun 5, 2019
Jodi Sta. Maria on playing the lead role in Clarita: "I would say na this is one of the most dangerous, most difficult, and most challenging na nagawa ko sa buhay ko."
PHOTO/S: Jerry Olea

Buwis-buhay ang stunts ni Jodi Sta. Maria sa horror movie na Clarita, na tungkol sa isang Pilipinang sinapian ng demonyo noong 1953.

“Kinailangan nila akong isabit sa ceiling,” matamang kuwento ni Jodi nang interbyuhin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang open forum ng mediacon noong Hunyo 2, Linggo ng gabi, sa Victorino’s restaurant, 11th Jamboree St., QC.

“E, mataas iyong kisame sa Agora Market! Doon kami nag-shoot. E, takot ako sa heights, e!

“So, kailangan ko talagang i-brave iyong takot ko para lang makunan iyong eksena na yun.

“Na ang dami nang tumatakbo sa utak ko, ‘Paano kung maputol yung kable? Paano ako malalaglag? Alin ang uunahin ko? Bewang ba o ito?’

“Ang dami na pong tumakbo...”

Thankfully, naitawid iyon ni Jodi nang maayos, though nagkapasa-pasa siya.

“Kasi po, may scenes na very physical, so hindi natin maiwasan na magkaroon tayo ng pasa.

Continue reading below ↓

“May times din na sumakit yung crotch area, it’s because of the harness, na kailangan kong gawin.

“There was one whole day, na kinunan namin yung scenes na kailangan siyang i-harness.

“So, iba-iba. May likod, may gilid. Halos lahat po ng stunts, ako yung gumawa.

“First time na ginawa ko po yun for a project.”

Na-enjoy ba niya ang mga pag-aaksyun-aksyon?

“Mahirap. Hindi kasi siya madali, e,” mabilis na pakli ni Jodi.

“Pero iyon nga, noong makita naman namin ang trailer, iyong ipinasilip sa amin na rushes, tulad ng sabi ko kanina... very rewarding!

“Kasi, nakita mo yung fruits of labor mo.”

MOST DIFFICULT ROLE

Ito ba ang most difficult role niya so far?

“I guess, I would say na this is one of the most dangerous, most difficult, and most challenging na nagawa ko sa buhay ko.”

Continue reading below ↓

Nagbiro si Jodi na puwede na siyang maging stuntwoman after doing this project.

Dahil stunt kete stunt siya rito, kaya ba niyang mag-Darna?

“Darna!” natawang sigaw ng 36-anyos na si Jodi.

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Naku, hindi na! Ibigay na po natin ‘yan sa mas bata po sa atin. Opo!”

Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, ipalalabas sa mga sinehan ang Clarita, ang ikaanim na handog ng Black Sheep.

Nasa cast din nito sina Ricky Davao, Arron Villaflor, at Romnick Sarmenta.

Read Next
Read More Stories About
Jodi Sta. Maria, Clarita
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jodi Sta. Maria on playing the lead role in Clarita: "I would say na this is one of the most dangerous, most difficult, and most challenging na nagawa ko sa buhay ko."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results