Yul Servo cast as a politician in Nora Aunor-starrer Whistleblower


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actor-politician na si John Marvin Cruz Nieto, o mas kilala bilang si Yul Servo na kasalukuyang Konsehal sa Maynila (3rd District).

Kabilang si Yul sa malaking cast ng Whistleblower, an indie film na tampok ang Superstar na si Nora Aunor, with Cherry Pie Picache, Angelica Panganiban, Ricky Davao, Carlo Aquino, at Benjamin Alves. Kasama rin ang mag-ina na sina Laurice Guillen and actress-daughter Ina Feleo.

Nag-last shooting day ang pelikula noong August 21 (hanggang August 22 nang madaling araw) sa Manila City Hall. Ang pelikula ay mula sa panulat ni Rody Vera at pinamahalaan ni direktor Adolf Alix, Jr.

Si Yul ay gumaganap bilang isang politician na kasama sa isang iniimbestigahang malaking kaso involving ang mga karakter nina Nora, Cherry Pie, Angel, and Laurice. Kasamang gumaganap ni Nora bilang "whistleblowers" sina Bernardo Bernardo at Flor Salanga, among others.

True to life kung tutuusin ang papel dito ni Yul bilang politiko. Sa Maynila, kilala ang aktor bilang kagawad sa ilalim ng partido Asenso Manileno.

Huling termino na ni Yul bilang councilor bago mag-eleksiyon sa 2016. Pero hindi pa raw siya desidido sa susunod niyang hakbang.

"Kumporme pa sa partido," banggit niya sa PEP. "Wala pang final. Malayo pa naman; focus muna ako sa pagiging Konsehal.

"Okay naman ang grupo namin, yung Asenso Manileno; maganda ang [feedback] nito sa tao," sabi rin niya tungkol sa partidong binuo nina Vice Mayor Isko Moreno (Francisco Domagoso in real life) at kasamang Danny Lacuna.

Gamay na ni Yul ang pagiging politician, habang aktibo pa rin sa showbiz bilang aktor.

"Sa akin, trabaho lang naman, para kung saan mapunta, naka-ready.

Hindi naman daw nagkakaroon ng matinding conflict ang kanyang schedules.

"Sabi ko kay Direk Maryo [J. delos Reyes, Yul's manager] noon, huwag akong bigyan ng trabaho ng Martes at Huwebes, pagka may importanteng activities sa City Hall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magaling si Direk Maryo at yung mga staff ko, kaya hindi naman nagsa-suffer ang schedule," nakangiting sambit ni Yun.

Hindi rin siya nababakante sa pagiging aktor. Last Saturday, August 23, naging tampok si Yul at Ina Feleo sa GMA-7 show na Wish Ko Lang (na si Direk Adolf din ang namahala).


May hinihintay daw si Yul na bagong assignment.

"Baka may ibibigay na project si Direk Maryo, hindi ko pa lang alam. Sa TV rin, maikling series lang, sa GMA News TV. Binago daw yung script, e."

Sa pelikula, bukod sa Whistleblower ay kasama rin si Yul sa Dementia, na siyang pinagbibidahan rin ni Ate Guy (Nora's monicker).

"Yun nga, yung Dementia, kay 'Nanay' Ate Guy, ipapalabas sa September 24.

NORA FOR NATIONAL ARTIST. Na-exclude man si Nora Aunor sa parangal bunga ng naging kontrobersiyal na desisyon ni Pangulong Noynoy Aquino, sa paniniwala ni Yul ay karapat-dapat pa ring mailuklok si Ate Guy bilang National Artist.

Ito'y sa kabila rin ng marubdob na suporta ng maraming sektor pampubliko at pribado, mga taga-Akademya, estudyante, mga alagad ng sining, mga nahirang na National Artists; mga OFW at iba pang Pilipino from all walks of life.

"Kung may isang karapat-dapat para maging National Artist, si Ate Guy yun.

"Maski hindi ko siya 'Nanay', karapat-dapat siya," saad pa ni Yul. "Nag-iisa lang yan, e. Nag-iisang Nora Aunor."

Nalungkot man sa naging desisyon ng Palasyo, sabi ni Yul, "E, lahat ng bagay, hindi rin naman makukuha nang madali.

"Ang mahalaga, yung suporta ng maraming mga Pilipino, na siya ang karapat-dapat sa parangal."

Ipinarating din ng aktor at pulitiko ang pagbati niya sa mga parangal na natamo ni Nora bilang Best Actress sa Cinemalaya Film Fest at ang Gawad Plaridel award ng UP College of Mass Communication, among her other recent achievements.

A DECADE OF MEMORIES. Yul Servo looks back with much fondness sa una nilang pagtatrabaho ni Ate Guy, 10 years ago (in Naglalayag, written by Irma V. Dimaranan; directed by Maryo J. delos Reyes).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Year 2004 yun. Magka-loveteam naman kami sa pelikula; May-December affair ang story, e.

"Tapos, nagkaroon din kami sa TV [TV5's Untold Stories] noong 2012."

Kumusta naman ang naging pagta-trabaho nila this time, partikular sa Dementia, isang horror-thriller na reunion movie project nila ni Nora matapos ang isang dekada?

"Sa Dementia, galit ako sa character niya, kasi marami siyang sinasabi na mahirap paniwalaan at pinagtatalunan namin ng asawa ko [played by Bing Loyzaga]," lahad ni Yul.

"Sobra ang respeto ko kay Ate Guy. Kasama na dito yung utang na loob ko sa kanya, dahil sa malaking pagkakataon na hindi niya ipinagkait noon sa akin, nang magkasama kami sa Naglalayag."

According to Yul ang Naglalayag ay isa sa totoong nagbigay sa kanya ng break bilang actor-leading man. Kapwa rin sila nanalo ng parangal noon sa Brussels Film Fest of Independent Cinema sa Belgium.

"Iba ang natututunan ng sinumang aktor na nakaka-trabaho si Ate Guy; pagdating sa tamang pag-arte.

"Masyado siyang generous sa kahit sinong ka-eksena niya, kaya nagiging kumportable ka sa kanya, at siguro kaya gumaganda rin ang eksena at ang pagganap mo.

"Naia-apply ko din ang natutunan ko sa kanya, sa mga iba ko pang trabaho, sa TV at pelikula," sambit din ni Yul.

ON SONS LUCAS AND LUIS. Si Yul ay mayroong dalawang anak na lalake, sina Lucas, 15 years old, at Luis,10.

"Gusto ngang kunin ni Direk Maryo [na mag-artista sila]," banggit ni Yul, "e, kaso, sabi ko, mag-aral muna.

Parehong nag-aaral sa St. Stephen High School sina Lucas at Luis.

"Baka pag kumita na sila ng pera, ayaw nang mag-aral. O baka sabihin nila, home study na lang.

"Mabuti sana kung pag naging artista sila, mayaman kaagad sila, magaling agad sila.

"E, hindi ko naman masasabi kung magaling agad silang umarte o ano... maski anak ko sila.

"Mas gusto ko yung sure yung buhay nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puwede raw sigurong subukan ng dalawang anak niya, kung bakasyon sa eskuwelahan. Pero hindi bilang permanenteng preoccupation, at this point in time.

"Oo," ani Yul. "Siyempre, alam ko yung pinagdadaanan sa showbiz, di ba?

"'At saka, pag pumasok sila, mahaharap agad sa mga [isyung] showbiz, di ba? E, pagka gano'n, baka hindi maganda yung dating.

"Sabi ko, aral muna," diin ni Yul. Biniro na lang daw niya ang mga anak, "'Pag ako na ang direktor, ididirek ko kayo...'

"Siyempre, gusto ko ring magdirek... at mag-produce [ng indie films], yung mga mura lang, di ba?" pagtatapos ni Yul.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN