Is Juancho Trivino willing to do butt exposure for an indie film?

by Rommel Gonzales
Jun 14, 2019
Juancho Trivino on doing daring scenes: "Para sa art, siyempre kakayanin ko naman gawin ang hinihingi nila from me."
PHOTO/S: Instagram

Pinag-usapan ang Instagram post ni Juancho Trivino last year na kita ang mga pisngi ng kanyang puwet sa dalampasigan.

Sa pinakahuling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Juancho ay inusisa namin ang kuwento sa likod ng mapangahas na litrato.

“Pinatanggal sa akin,” hirit ni Juancho.

Ang ate ni Juancho ang nagsabi sa kanyang tanggalin iyon.

“Ano lang yun, biro lang yun. Biro lang kasi yun dapat, na parang siyempre, may mga babae, ginagawa yun, di ba?”

Sino ang kabiruan niya that time?

“Wala akong kabiruan noon, pero summer kasi that time and ang dami sa Instagram, siyempre yung mga babae.”

Nasa Subic siya noon para sa Unang Hirit nang gawin niya ang naturang sexy pose.

“And sabi ko, yung caption ko pa, parang... it was something about, nakalimutan ko na, e, pero parang, ‘Kung kaya ninyo, kaya ko rin naman!’

“Parang ganoon, e, parang ganoon lang. So, biro lang talaga.”

Continue reading below ↓

Hindi raw T-back o thong ang suot niya that time. “Ano lang, underwear lang yun, inipit ko lang!” at tumawa si Juancho.

BUTT EXPOSURE

Payag kaya si Juancho na mag-butt exposure sa isang indie film?

Sagot niya, “Ako, okay naman ako to do anything.

"Pero siyempre, depende na rin kasi sa management ko kung ano ang gusto nila for me.”

Kapag sinabi niyang anything, kahit frontal nudity ba ay papayag siya?

“Ha! Ha! Ha! Hindi naman siguro.

"Yung ano, para sa art, siyempre kakayanin ko naman gawin ang hinihingi nila from me.”

Basta huwag frontal?

“Siguro, may boundaries na lang, ‘yang frontal, butt exposure.

"Siguro, hindi."

Hindi niya kaya ang butt exposure?

“Kaya ko naman siguro pero hindi ko kasi naiisip ngayon, e.

So, hindi pumapasok sa isip ko."

MAGPAKAILANMAN

Samantala, bida si Juancho sa two-part Father's Day at LGBTQ Pride Month episode ng Magpakailanman na pinamagatang “Kailan Naging Ama Ang Isang Babae: The Roxanne D' Salles Epic Story.”

Continue reading below ↓

Tungkol ito sa makulay na buhay ni Roxanne D' Salles na kilala dati bilang Roland Aggabao, isang US Army na napahiwalay sa kanyang dalawang anak mula sa dalawang magkaibang babae.

Isa si Roland sa mga unang Pinoy na sumailalim sa sex re-assignment surgery.

Kasama ni Juancho (bilang Roland) sa episode sina Rodjun Cruz (bilang Roger), David Remo (bilang batang Roland), Shyr Valdez (bilang Lola Dominga), Archie Adamos (bilang Lolo Hilarion), Nicole Donesa bilang (Lita), Kelly Day bilang (Milette), at Aaron Concepcion (bilang Amado).

Ito ay sa direksiyon ni Zig Dulay, mula sa panulat ni John Roque at pananaliksik ni Rodney Junio.

Read Next
Read More Stories About
Juancho Trivino, Magpakailanman
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juancho Trivino on doing daring scenes: "Para sa art, siyempre kakayanin ko naman gawin ang hinihingi nila from me."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results