Which movie will be chosen as PH entry to the Oscars Best Foreign Language Film category?

Which film will emerge as the country's official entry to the Academy Awards's Best Foreign Language Film category? Four films are likely to be in the shortlist this year: (L-R) the Nora Aunor-starrer Dementia, the Eugene Domingo-starrer Barber's Tales, and two Lav Diaz films Norte, Hangganan Ng Kasaysayan and Mula sa Kung Ano ang Noon.


Tuwing buwan ng September ay pinipili ng Film Academy of the Philippines ang magiging official entry ng Pilipinas para sa Best Foreign Language Film category ng Academy Awards or the Oscars.

Magkakaroon ng shortlist ang FAP para sa mga pelikulang qualified para maging official entry. Ipina-publish ito ng FAP sa kanilang official website.

Para sa pipiliin ngang mga possible entries, may ruling ang FAP in regards sa qualification ng isang film: “To qualify, the Philippine entry must have been commercially exhibited in the country for at least seven consecutive days during the period from October 2012 to September 2013.”

Kaya qualified pa for consideration ang mga pelikula na maipapalabas ngayong September.

Kabilang sa magkakaroon ng commercial release sa mga theaters ay ang dalawang pelikula ni Lav Diaz.

Una na rito ay ang Norte, Hangganan Ng Kasaysayan (Norte, The End of History) na magbubukas sa September 10. Ang four-hour long na pelikula na ito ni Direk Lav ay nagkaroon ng world premiere sa Cannes International Film Festival at umani na ng mga parangal sa Gawad Urian Awards.

Nakatanggap na rin ito ng rave reviews mula sa New York Times, The Guardian at Film Comment. Napasama pa ito sa numerous lists of Best Films of 2014.

Mga nagsiganap rito ay sina Sid Lucero, Archie Alemania, Angelina "Mailes" Kanapi, Soliman Cruz, Mae Paner, Hazel Orencio at Angeli Bayani na nanalo ng Urian Best Actress award.

Ang ikawalang Lav Diaz obra ay ang Mula sa Kung Ano ang Noon (From What Is Before) na magkaroon ng special screening on September 21.

Napanalunan ng obra na ito ni Direk Lav ang ilang parangal mula sa ilang international film festivals. Kabilang na rito ang grand prize na Pardo d’oro (Golden Leopard) sa 67th Locarno International Film Festival, Don Quixote Prize ng International Federation of Film Societies (IFFS), FIPRESCI International Critics Prize, the Environment is Quality of Life Prize and the Boccalino de Oro Independent Critics Award for Best Actress for Hazel Orencio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Co-produced ito ng Film Development Council of the Philippines.

Kabilang din sa cast ng obra ay sina Roeder Camañag, Karenina Haniel, Reynan Abcede, Evelyn Vargas, Joel Saracho at Perry Dizon.

Ang isa pang puwedeng mag-qualify sa shortlist ay ang directorial debut ng former TV5 executive na si Perci Intalan na Dementia na magbubukas on September 24.

Ang psychological-horror thriller na ito ay pinagbibidahan ni Nora Aunor at kasama rin sina Jasmine Curtis, Bing Loyzaga, Chynna Ortaleza, Jeric Gonzales, Althea Vega, Lui Manansala at Yul Servo.

Ang sinasabi ngang highly-qualified na mapili ng FAP ay ang critically-acclaimed na Barber’s Tales (Mga Kuwentong Barbero) ni Jun Lana.

Ang period drama na ito na pinagbidahan ng TV host and comedienne Eugene Domingo ay umikot na sa ilang international film festivals kabilang na ang Tokyo International Film Festival noong October 2013 kunsaan nauwi ni Domingo ang Best Actress award.

Nakuha rin ng Barber’s Tales ang 3rd place Audience Award sa Udine International Film Festival in Italy.

Kabilang din sa cast ng Barber’s Tales ay sina Iza Calzado, Gladys Reyes, Nonie Buencamino, Shamaine Buencamino, Nicco Manalo, Sue Prado, Daniel Fernando at Eddie Garcia.

Noong 2012 ay napili ang pelikula ni Direk Jun na Bwakaw (na pinagbidahan ni Eddie Garcia) bilang official Philippine entry to the Oscars.

Simula noong magkaroon ng category ang Oscars na Best Foreign Language Film in 1953, nakapagpadala na ang Pilipinas ng 24 films bilang official entry.

Ito ay ang mga pelikulang Genghis Khan (1953); Anak Dalita (1956); The Moises Padilla Story (1961); Dahil sa Isang Bulaklak (1967); Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? (1976); Karnal (1984); Bayan Ko: Kapit Sa Patalim (1985); Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (1995); Segurista (1996); Milagros (1997); Sa Pusod Ng Dagat (1998); Saranggola (1999); Anak (2000); Gatas... Sa Dibdib Ng Kaaway (2001); Mga Munting Tinig (2002); Dekada ’70 (2003); Crying Ladies (2004); Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros (2006); Donsol (2007); Ploning (2008); Ded na si Lolo (2009); Noy (2010); Ang Babae Sa Septic Tank (2011); Bwakaw (2012) at Transit (2013).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN