Kapuso Kris Bernal showers Kapamilya co-star Jake Cuenca with praises

by Rose Garcia
Jun 17, 2019
Kris Bernal on acting with Jake Cuenca: "Lahat ibibigay at medyo nakaka-pressure yung ganun. Kasi, bigay na bigay siya."
PHOTO/S: Noel Orsal

Kahit marami nang nagawang karakter ni Kris Bernal sa mga Kapuso teleserye, nasisigurado niyang iba ang mapapanood ng mga tao sa kanya sa pelikulang KontrAdiksyon.

“Hindi naman siya sobrang daring pero siguro, somehow, very far siya sa mga ginagawa ko sa teleserye.

“Sa TV, medyo conservative pa ako at iyakin.

"Dito talaga, bilang na bilang ang iyak ko at medyo palaban, bad ass," saad ni Kris sa press conference ng KontrAdiksyon noong Hunyo 14, Biyernes, sa Sequoia Hotel, Quezon City.

Unang beses niyang nakasama sa isang proyekto ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca.

Papuri ni Kris, “Sobra, sobra, sobrang galing ni Jake.

"Hindi lang dahil professional siya, he comes on time to work but also, pagdating sa eksena, alam mo yun...

“Madali kasi ang eksena kapag nagbibigay ang co-actor mo.

"So, kahit na gaano ka-action at ka-dramatic ang eksena, dahil si Jake ang kaeksena ko, madali lang.

Continue reading below ↓

“Alam niyo naman si Jake, lahat ibibigay at medyo nakaka-pressure yung ganun. Kasi, bigay na bigay siya.

“'Tapos, kailangang pantayan mo yun kaya medyo kinakabahan din ako.

"Pero siyempre, pinaghandaan ko rin yun."

KRIS BERNAL AS MOVIE ACTRESS

Madalang makagawa ng pelikula si Kris. Ang huli pa niya ay ang Guni-Guni noong 2012.

“Ang tagal na ng huling movie ko, oh my God!” bulalas ni Kris.

Alam ni Kris ang kalagayan ng local film industry kaya sana raw, bigyan ng pagkakataon ng mga manonood ang local films tulad ng KontrAdiksyon, na maituturing na isang advocacy film tungkol sa drugs.

“Yung tagal kong hindi gumawa ng pelikula, parang ngayon ko napatunayan na may quality tayong gumawa. Hindi tayo nahuhuli,” pagdidiin ni Kris.

“Ang kailangan lang talaga natin, bigyan natin ng chance ang mga pelikulang Filipino.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal on acting with Jake Cuenca: "Lahat ibibigay at medyo nakaka-pressure yung ganun. Kasi, bigay na bigay siya."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results