Bayani Agbayani rates Ai-Ai delas Alas as a kisser

by Glenn Regondola
Jun 18, 2019
Bayani Agbayani appeals to Pinoy moviegoers: "Unahin natin ang pelikulang Pilipino!"
PHOTO/S: Noel Orsal

“Good kisser!”

Ito ang pasiklab ni Bayani Agbayani sa tanong kung magaling bang humalik si Ai-Ai delas Alas sa pelikula nilang Feelennial (Feeling Millennial).

Nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang sagot na ito ng komedyante nang tanungin siya ng host na si MJ Morfori sa premiere night ng movie nitong Hunyo 17, Lunes, sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Paano iri-rate ni Bayani ang pagiging good kisser ng “Comedy Concert Queen” from 1 to 10?

Nakatawang pahayag ng komedyante, “12! 12!”

Bukod kay Ai-Ai na puro papuri ang binitawang salita tungkol sa kanya, maging ang mga supporting stars na nakasama nila sa movie ay mataas ang panggalang kay Bayani dahil marami silang natutunan sa kanya.

“Yung script kasi, hindi ka dapat nalalayo kung mag-aadlib ka, para hindi rin nawawala sa istorya,” paliwanag ng komedyante.

“Ako naman kasi, kahit ngayon lang kami nagkita-kita, para kaming isang pamilya na sampung taon nang magkakasama.

Continue reading below ↓

“'Tapos, nag-uusap-usap naman kami, ‘Ano ang gagawin natin dito?’

“Nasa isang tabi lang kami, nag-uusap.”

CHEMISTRY WITH AI-AI DELAS ALAS

Bonggacious ang chemistry nila ni Ai-Ai, lalo na sa lampungan. Wagas na nakakatawa.

“Masarap! Masarap!” maigting na sambit ni Bayani.

“Alam mo naman si Ai-Ai, naku, hindi lang as love, kundi as long as nakakatawa ang isang tao, nakakatawa ang isang eksena, tumatawa kami.

“Meron kaming kinabibilibang artistang komedyante. Basta nakakatawa ka, natatawa kami.

“Kung hindi ka nakakatawa, hindi kami natatawa.

“Kaya ako, nanonood ako ng kapwa ko artista, kapwa komedyante, nanonood ako kapag mayroon silang shows, pinapanood ko.

"Kasi ako man, isa akong fan ng isang artista."

Proud siya sa pelikula nila ni Ai-Ai na una nilang pinagbidahan sa wide screen.

“It’s about time na magkaroon tayo ng isang feel-good movie, pampamilya,” hirit ni Bayani.

Continue reading below ↓

“Yung pagmamahal ng isang tao sa iba’t ibang relasyon sa isang pamilya.

“And besides, yung mga katulad naming nasa '90s, tingnan niyo po kung paano kumilos, kung paano mag-millennial ang isang '90s.

“At tulad po ng sinasabi ko, unahin natin ang pelikulang Pilipino.

“Kasi, wala pong magkukuwento ng story, alamat, history ng ating bansa, ng ating pagka-Pilipino, kung wala nang pelikula.

“Kaya lagi po nating suportahan ang lahat ng ginagawa ng local film industry.

“Lagi po nating suportahan dahil ito ay sariling atin.”

Mapapanood ang Feelennnial simula Hunyo 19, Miyerkules, sa iba’t ibang sinehan ng bansa.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayani Agbayani appeals to Pinoy moviegoers: "Unahin natin ang pelikulang Pilipino!"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results