Wenn Deramas wanted Tirso Cruz III to be part of horror film Maria Leonora Teresa

Wenn Deramas says his horror film Maria Leonora Teresa is a way of reminding people of the famous doll of Nora Aunor and Tirso Cruz III.


Kilala si Direk Wenn Deramas sa paggawa ng mga comedy films na nagiging box-office hits. Sa kauna-unahang pagkakataon, gumawa ng isang horror film si Direk Wenn titled Maria Leonora Teresa na produced ng Star Cinema.

Ang horror film na ito ay tungkol sa tatlong manika na nagdadala ng katatakutan sa buhay ng lead characters na ginampanan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo at Iza Calzado.



(L-R) Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo and Iza Calzado


Matatandaan na Maria Leonora Teresa ang pangalan ng manikang ginawang anak nina Nora Aunor at Tirso Cruz III noong 1970s.

Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang set ng nasabing pelikula noong August 29 sa Himlayan Memorial Park, Commonwealth, Quezon City.

Kinunan noong araw na iyon si Zanjoe Marudo at Cris Villanueva, ang dalawa sa lead stars ng naturang pelikula.



Cris Villanueva shooting a scene at Himlayan Memorial Park



Nagkaroon ang PEP ng pagkakataon na makusap si Direk Wenn at ito ang kanyang pahayag tungkol sa pelikula na ipapalabas na simula September 17.


Direk Wenn, this is the second to the last shooting day ng Maria Leonora Teresa. Ano pong mga eksena kukunan n’yo rito?

Direk Wenn: “Yes! Finally! Pero hindi kasi madali yung kukunan kong eksena rito sa sementeryo. Unang eksena ko ngang kinunan ngayon ay iyakan kaagad, tapos si Cris Villanueva pa. Madugo, madugo itong ginawa ko. Sabi ko nga sa sarili ko na mas gusto ko pa yata ng comedy ng sabay sabay kesa isang horror na Maria Leonora Teresa. Pero habang pinanunood ko naman yung mga natapos ko nang eksena kahapon na edited at nilapatan na ng music, e, sabi ko sa sarili ko, ang sarap ng pakiramdam ko dahil alam ko nakagawa ko ng maganda at tama sa buhay ko.”

Kamusta ang experience n’yo doing this film lalo na’t first horror film n’yo ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Direk Wenn: “Yes! First and last na horror film na gagawin ko. Mahirap kasi talaga gumawa ng horror film. Talagang pinagbigyan ko lang yung sarili ko dahil una sa lahat concept ko ‘to since 2005. Una ko itong pina-approve sa TV sa ABS-CBN. Pero sa dami rin ng pinagagawa nila sa akin, dahil napauso ko yung fantaserye, mas concentrate ako doon, nakalimutan lang ang concept na ito.

“Until napagkwentuhan lang namin ito habang ginagawa ko yung Bromance ni Enrico Santos ng Star Cinema. Tinanong niya ako kung wala ba daw akong gustong ipitch, kasi that time may pitch-in sila, e. Sabi ko matagal ko na itong gustong gawin, isang horror film. Agad agad nung na pitch-in ko ito at ikinuwento ko sa kanya, in-approve agad ng management. Ayun na yun hanggang sa nag pre-prod [production] na, pero tinapos ko lang yung apat na film noong taon na yun at ito agad ang sinimulan ko para sa taong 2014.”

Parang sinasabi n’yo po as a director na mas madaling magpatawa kesa magpaiyak sa paggawa ng isang pelikula?

Direk Wenn: “Oo, kasi nga meron akong standard din sa horror, kasi nga fan ako ng horror films. Napakahilig ko talagang manood, e. Bago pa ang comedy at drama, ako horror agad ang papanuorin kong pelikula. So, meron din akong standard na si-net ko para sa sarili ko kung ano yung gusto kong horror. Siyempre kung first horror film mo, dapat pagbutihin mo, para masabi mo na, okay na ako at balik na uli ako sa paggawa ng comedy.”

Please tell us something about this film? What is this film all about?

Direk Wenn: “Ang Maria Leonora Teresa kasi ay istorya ng tatlong nanay. Yung isa nga lang bakla played by Zanjoe Marudo. Iikot ang buhay ng mga nanay na ito sa kani-kanilang anak, kaya noong mawala ang kanilang mga anak, talaga namang shattered sila. Kasunod na nun parang wala na silang ganang mabuhay. May nagsabi [sa kanila], ‘Bakit instead na picture ang titingnan mo, bakit hindi replica ng anak mo? Yun nga yung mga manika. They grabbed the opportunity makawala lang dun sa sakit. Hindi nila alam na mas matindi palang problema yung papasukan nila noong tinanggap nila yung tatlong manika na ito.”


(Read related article: Zanjoe Marudo cast as a closet gay in horror film Maria Leonora Teresa)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit sa dinami-dami ng pangalan na ipapangalan n’yo sa manika ay Maria Leonora Teresa ang ipinangalan n’yo?

Direk Wenn: “Alam naman natin si Maria Leonora Teresa ay ang manika ni Ate Guy [Nora Aunor] na ibinigay ni Pip [Tirso Cruz III] na sikat na sikat dati. May kanta pa ‘yan, di ba? Ang nakaisip niyan ay si Tita Malou Santos. Noong sinabi ko na tatlong bata at tatlong manika, agad-agad siya yung nagsabi na Maria Leonora Teresa. Kuha mo, e, sa panahon ngayon, maganda agad yung Maria Leonora Teresa, sa mga tao noon, alam agad na pag sinabi mong Maria Leonora Teresa, alam mong manika agad.”

Direk, hindi n’yo ba inisip na baka magalit ang mga Noranian na ginawa ninyong nakakatakot ang manika ni Ate Guy?

Direk Wenn: “Hindi naman, sila naman! Hindi masamang manika ito…pumapatay lang! (sabay tawa) Saka yung mga fans ni Ate Guy matutuwa, kasi ibinabalik kung anong meron si Ate Guy dati. Ipinapaalala mo lang sa tao. Hindi kasi pwedeng hindi mababanggit, e. Isang malaking opportunidad din ito na binibigyan namin ng tribute kung anong meron si Nora Aunor. Hindi sila dapat magalit dahil yung mga taong nag-iisip nito ay hindi naman sinabi na Direk pangalanan natin kasi masama, hindi naman ganun, kasi, pinapangalan natin siya at ginamit pa namin siyang title dahil alam naming makakatulong at maganda yung pinanggalingan nito.”

Hindi n'yo po naisip na isama sa pelikula si Ate Guy sa inyong pelikula kahit cameo role lang?

“Oo nga eh! Originally si Pip sana yung isang karakter, kaya lang hindi ko na natanto kung ano yung nangyari. I think nag conflict sa sked ni Pip dahil may ginagawa siyang teleserye. Marami ngang artista rito na hindi nga natuloy dahil sa schedule talaga.”

How was it like working with Zanjoe Marudo, Jodi Sta. Maria and Iza Calzado?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang una ko ngang requirement na artista dahil alam kong first horror movie ko ito, e, mabait bukod sa magaling kasi alam kong mahihirapan sila dahil masyado ring pisikal yung pelikula. Nagre-require din ito ng grabeng puyatan dahil halos lahat ng eksena gabi. Unang kinonsider ko kung sino yung bagay sa karakter, at alam mong perfect talaga yung tatlo sa role. Pangalawa, kung may pasensiya ba ang mga ‘yan sa mga gagawin natin at nakita ko namang sila yung hinahanap ko.”





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN