Kean Cipriano accepts kontrabida role in indie film; talks about his new album


Kontrabida ang papel ni Kean Cipriano sa indie movie na Tumbang Preso na mula sa panulat at direksiyon ng baguhang filmmaker na si Kip Oebanda.

Okay lang daw sa kanyang gumanap na kontrabida dahil ang role ang mas tinitignan niya talaga sa pagtanggap ng proyekto.

“Yes, kontrabida ako sa movie. Nagkataon lang naman yun. Kasi, never ko naman iniisip kung gusto ko na bida ako o kontrabida, e. Ang lagi kong iniisip, gusto ko ba iyong character na gagampanan ko?

“Iyong role ko rito, bale, pamangkin siya ng naghu-human trafficking. Siya iyong katiwala bale,” pahayag ni Kean nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng naturang pelikula na ginanap sa Gloria Maris restaurant, Gateway Mall last September 6.

Ayon pa sa singer/actor, matapos nilang gawin ang pelikula ay nainis siya nang husto sa ginampanan niyang character na isang security guard sa pelikulang Tumbang Preso.

“Buwisit na buwisit ako sa character ko, after na gawin namin iyong pelikula. Kasi tino-tolerate niya iyong masamang nangyayari sa loob ng factory ng sardinas, e.

“Napa-isip nga ako, ano ba ang mas masama: ikaw ang gumagawa ng masama o pinapanood mo lang iyong gumagawa ng masama at tino-tolerate mo lang siya? Iyon yung dating ng role ko sa akin, e,” nakangiting saad niya.

“To put myself in that position during the whole shooting process, iba rin siya, e.

I learned a lot, there’s a point in growth in me na naging aware ako bigla.

“Aware ako sa human trafficking, I see it on the news, sa radio, lahat, pero nang inilatag sa akin iyong script about human trafficking, man, this is serious! I mean, these things shouldn’t be taken for granted, hindi ba?

“That’s why I got the whole thing, I mean, kahit bida or kontrabida… nagustuhan ko iyong concept.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-excite akong gawin nang nalaman ko about the movie, kasi parang ang dating na agad sa akin ng title niya na Tumbang Preso, iba e.

“Noong una, sabi ko, ‘A, laro iyon hindi ba?’ Pero nang binasa ko ang script, nasa preso pala sila, tapos ay gusto nilang makakawala.

“So, nakipag-meet ako sa kanila right after dahil gusto ko iyong role,” mahabang paliwanag pa niya.

Bukod sa white slavery, ito ay nagpapakita rin daw ng pagiging ganid ng mga negosyante na gagawin ang lahat para lang magkapera.

“Isa iyan sa makikita sa movie, ang pagiging ganid ng mga tao na kahit mga bata ay... na hindi ko maisiip kung paano nagagawa iyon ng ibang tao.

“Napaka-evil ng human trafficking, e, tao iyon e, at may emosyon iyon, e.

Ang feeling ko, lahat sa atin sa kuwarto na ito, ang fear natin ay makulong o ma-trap ka.

“Kahit sa elevator lang, iyon pa lang ay fear na iyon, e. Pero iyong ma-trap ka roon dahil may taong nag-trap talaga sa iyo roon, mas masakit iyon.

“I’m sure, iyong mga nasa loob ng factory na iyon, hindi rin natin alam ang pakiramdam nila. Kasi, may emotional, mental, spiritual trauma iyan, e. Na kung ikaw ang nasa sitwasyon na iyon ay hindi mo alam ang gagawin mo,

“Sa atin ay madaling magsalita na, ‘Kung sa akin mangyayari iyan, lalaban ako.’ Pero kung ikaw ang nasa ganoong posisyon, hindi natin alam kung paano talaga o ano talaga ang mangyayari, e.”

Ano’ng aral ang mapupulot sa pelikulang Tumbang Preso?

“That only God owns us, walang ibang taong puwedeng umangkin sa atin para ipagawa sa atin ang mga bagay na hindi natin gusto.

“We’re born in this world to be free, to explore this entire earth on our own will, on our own free will. Na malaya, na magagawa mo ang lahat, base sa gusto nating desisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung lesson at lesson din naman, kailangan din na mag-ingat sa mga taong pagkakatiwalaan mo. Dapat ay huwag masyadong maging impulsive sa desisyon dahil marami talagang manloloko ngayon, e.”

Tapos mong gawin ang movie, kumain ka pa rin ba ng sardinas?

“I love sardines, I mean, ang sarap kumain ng sardinas. Pakainin mo ako niyan, kakain ako.

“Pero iyon nga iyon, e. Parang, kung may isang masarap na pagkain pero kung may proseso na ganyan na marumi iyong sardinas at iyong sistema nila na sangkot sa human trafficking…. Paano mo kakainin iyon, ‘di ba?

“Sa pelikulang ito, the whole time na nagsu-shoot kami, nagde-dare sila kung sino ang kakain ng sardinas. Kasi habang nagsu-shoot kami, pulos talaga raw [hilaw] na sardinas ang nandoon, na amoy mo talaga.

“Kaya kumbaga, talagang hindi niya ako pinakain ng sardinas for a short period of time. Pero hindi naman lahat ng factory ay ganoon, mayroong certain lang na ganun.”

Ano ang masasabi niya kay Kip bilang first time director?

“I admire his passion for filmmaking. I am a filmmaker myself and talking to a person who is so determined and so into it… he wants to tell a story in a most efficient way.

“I think iyong istorya na nagawa niya, is naging awareness movie siya. Na this things should not be taken for granted.

“Iyong style niya sa paggawa ng movie, he is very collaborative, super collaborative. Puwede kang mag-suggest.”

Patuloy pa niya, “We drank a few times, just talking about the movie. Iyon din siguro iyong isa sa nagpasaya ng pelikulang ito. Kasi, iyong kasama mong director ay natututo ka sa kanya and vice versa, I hope.

“Nagbabatuhan lang kami ng idea, isang malaking brainstorming iyong nangyari, hanggang ngayon. Like kagabi, I was able to watch the film and I was telling him my comments and my opinion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He is just so open and respectful and polite to tell kung ano iyong gusto niyang sabihin. And iyon nga, ang galing, kasi ay nakagawa kami ng pelikula about human trafficking.”

Bukod kay Kean, ang Tumbang Preso ay tinatampukan din nina Therese Malvar (dating Teri Malvar), Ronnie Lazaro, Dominic Roco, Star Orjaliza, Kerbie Zamora, Ron Cieno, and Ms. Jaclyn Jose. Introducing dito si Kokoy Desantos at may special participation si Shamaine Centenera Buencamino.

Showing na ito sa October 8.


ON HIS NEW ALBUM. Inusisa rin ng PEP si Kean tungkol sa bago niyang album.

“Yes, ang title nito is Kean and Eunice, Happy Together, A Trip Down Memory Lane.

“Ang konsepto talaga namin sa mga kanta, gusto namin ay mga lumang kanta na parang regalo namin sa mga magulang namin. Basta for the folks, iyon yung main vision ng album namin, it’s for the folks.

“Dahil panahon ng mga erpats at ermats namin iyon at kami ngayon na naririto sa panahon na ito, iyong mga nakikinig na young fans of ours, kapag [na-play] nila iyong CD, kapag pinatugtog nila iyon sa kotse kapag hinatid sila ng erpats o ermats nila tapos ay sasabihin na, ‘Ano na naman ang patutugtugin mo, hindi ko na naman masasakyan iyan?’

“Pero kapag narinig nila, ang sasabihin nila ay, ‘Uy alam ko iyan! Panahon ko iyan!’

“So, mag-i-interact sila ngayon. Magkakaroon ng certain bonding na priceless. Pero iba ang arrangements nito, modernized siya.

“You have to check out the album and may concert kami sa September 19 sa Music Museum, dalawa kami ni Eunice [Jorge of Gracenote],” nakangiting wika pa ni Kean.

Mayroong ten cuts ang naturang album na kinabibilangan ng mga all-time favorites songs tulad ng “Islands In The Stream” (Kenny Rogers & Dolly Parton), “Don't Let Me Be Lonely Tonight” (James Taylor), “My Love” (Paul McCartney), “How Can I Tell Her” (Lobo), “Can't Take My Eyes Off You” (Frankie Valli), “To Sir With Love” (Lulu), “Never My Love" (The Association), “You're In My Heart” (Rod Stewart), “Because” (Dave Clark Five) at “Happy Together” (The Turtles).


ON ALEX GONZAGA. Ano naman kaya ang masasabi ni Kean na si Joseph Marco ang naging date ni Alex Gonzaga sa Star Magic Ball?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m happy, happy for them.

“Ano naman kasi iyon, kumbaga seeing the person that you spend good time with, alam mo iyon? Parang okay iyon, laging okay yun.

“Kasi, we will always be good friends, kami ni Alex… kaya masaya lang, masaya iyon.

“Okay nga iyon, mabuti siya at may ka-date siya, ako wala e,” nakatawang sagot pa ng vocalist ng Callalily.

Nang usisain pa namin kung naging sila ba talaga ni Alex noon at bakit naudlot ang kanilang closeness, medyo umiwas sumagot si Kean.

“Well, bilang respect na lang po sa babae, I don’t want to talk about it,” nakangiting wika niya.

Masaya ka ba sa nangyayari ngayon sa career ni Alex sa ABS-CBN?

“Opo, masaya naman siyempre ako para kay Alex.

“Actually, nagkakatrabaho naman kami sa ASAP at Banana Nite at okay naman kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN