Boy 2 Quizon on Maris and Inigo: "Mayroon silang organic connection."

IMAGE Noel Orsal

Boy 2 Quizon reveals how his directorial debut for I'm Ellenya L. started out as a personal challenge: “So, first time lang na tsinallenge yung sarili ko, ‘Sige na, wag na nating ipa-direk kay Direk Joyce [Bernal] ‘to. O kaya kay Direk Irene [Villamor] na normally, nasa ganoong level yung mga yan."


Excited na si Boy 2 Quizon na maipalabas ang kauna-unahang pelikulang idinirek niya, ang I’m Ellenya L. na pinagbibidahan nina Iñigo Pascual at Maris Racal.

Kabilang ang I’m Ellenya L. sa sampung pelikula na napili para sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines sa pamumuno ni Chairperson Liza Diño.

“Oo, excited na ako,” bungad ni Boy2 sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong makausap namin siya sa grand launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

“Timing lang din kasi, e.

“Nag-start kami mag-shoot last year. 'Tapos, maayos yung kung paano hindi namin minadali in a way.

“Basta ginawa ko lang kung ano yung dapat kong gawin, kung ano yung kailangan.

“First ko ‘to, e, kaya kailangan maayos.”

Ano ang naging inspirasyon niya sa pagpasok niya sa larangan nang pagdi-direk ng pelikula?

Lahad niya, “Kami naman ni Niel [Arce, co-producer niya], nag-start kami as N2 [pronounced N squared] as being producers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nag-umpisa lang yung konsepto na naisip ko lang na eto yung pinaka-dapat kong gawin, pinaka-una. Eto nga yung I’m Ellenya L.

TAKING ON THE CHALLENGE AS DIRECTOR

Konsepto ba niya ang kuwento ng I’m Ellenya L.?

Kuwento niya, “Ah, kasi yung N2, sa amin ni Neil yun.

“So, first time lang na tsinallenge yung sarili ko, ‘Sige na, wag na nating ipa-direk kay Direk Joyce [Bernal] ‘to. O kaya kay Direk Irene [Villamor] na normally, nasa ganoong level yung mga yan.

“E, as producer, 30 days yung shooting nila palagi. Sabi ko, kailangan gumawa tayo ng 15 days. Ako na yung gagawa.”

Natapos ba niya within 15 days ang I’m Ellenya L?

Paglinaw niya, “Ten days ko lang na-shoot ‘to. But it took us one year for the whole team.

“Hindi siya naging sunud-sunod, ha.”

Ang I’m Ellenya L. ay produced ng N2 Productions, Cobalt Entertainment, and Spring Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRODUCTION DELAYS

Bakit tila natagalan bago ipalabas ang movie niya?

Pagklaro niya, “Ah, alam mo, sa totoo lang, nasanay lang din ako as a producer na nagkakaroon lang naman ng problema. Ginagawa niyo pa lang ang pelikula ninyo, may playdate na agad.

“Sa akin walang ganun. Passion, e. Paano magiging organic ang isang bagay kung mamadaliin mo?

“E, di ma-pressure ako noon. E, lahat naman ng kasama ko, of course, inclined din sila sa music.

“Si Iñigo, Mariz, meron din silang schedule katulad ko.

“Ako, nagti-taping pa rin ako ng Bubble Gang.

“So, we have to make sure na doon sa ten days na meron ako, kailangan yung preparation noon, hindi kami puwedeng magkamali.

“There’s no room for pagkakamali. O, yung genre na pinili ko hindi rin malayo sa genre na kinalakihan ko.”

READY TO TAKE RISKS AGAIN

Hindi ba siya natatakot sa magiging outcome ng kanyang first directorial job na baka matulad sa kinahinatnan ng first movie na na-produce niya noon, ang Coming Soon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “That was our first, e. Hindi ako natatakot, ever.

“In fact, that was our first and we had about nine films after Coming Soon.

“Some of that as a producer, naging okay naman.

“Pero as director, yung team naman sa likod ko, meron naman kaming...

“I mean, I’m lucky, blessed ako na may mga tao na supportive, legit yung mga nasa likod ko.

“So, hindi naman ako nag-direk para lang mag-direk ng pucho-pucho, 'no?

“Pero ang sarap ng feeling. Ang dami kong na-discover sa sarili ko.

“Ang una kasi, ‘Ay, kaya ko yan,’ as producer. ‘Ten days lang ‘yan.’

“Ganoon yung yabang ko kasi logistics yung ano, e.

“Kapag producer ka kailangan, pero alam mo, hindi ko na gagawin yun sa buong buhay ko, yung mag-shoot ng ten days.

“Because parang yung pelikula pala ang sarap lang ng proseso na, especially ako, nanggaling ako, artista ako.

“Alam ko na yung pinaka-main recipe ko is yung dalawang artista ko kailangang maging comfortable sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun yung pinaka-formula na masasabi ko na sana kapag napanood ninyo, makikita ninyo, ‘Uy, hindi namin ine-expect ‘to.’

“Actually, masaya na ako doon, e. Kapag pinanoood ninyo yung movie, sasabihin niyo, ‘Uy, hindi ko ine-expect yun, ah.’

“Okay yun, kasi yung very totoo, very organic, very timely, so, parang lucky lang talaga kami that we had that liberty to have that one year preparation.

“Kasi yung iba, siyempre kapag producer ka, hindi puwedeng ganoon talaga. Ano yun, Avengers?

“Hindi naman puwedeng laging gano'n.

“Para sa akin, kung ako lang din ang gagawa, sana at least, ma-maintain ko yung ganoong klase.

“Baby project muna natin 'to.

“Kasi ang hirap ngayon, diversified na rin ang market natin.

“Para sa akin, ang laki na rin ng influence ng social media right now and yung generation ngayon.

“At itong PPP ngayon, parang for me, it’s an advantage.

“Kasi ano ‘to, e, youth-oriented na yung direction ng festival natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, maganda ‘to para sa ating lahat, e. Kasi after PPP, MMFF [Metro Manila Film Festival].

“So, lumalaki tayo.”

IÑIGO-MARIS RELATIONSHIP

Nung bago pa lang niya simulan ang proyektong ito, may relasyon na ba sina Iñigo at Maris off-cam?

Saad ni Boy2, “Alam mo, honestly, kami nung ginagawa pa lang namin yung movie, yung dalawa kasi meron silang...

“Actually, wala naman akong pakialam kung may relasyon sila o wala.

“Alam mo, ang pinaka-gusto ko lang sa kanilang dalawa, meron silang organic na connection, na hindi naman talaga mapagkakaila kasi lapat na lapat, e.”

Hindi ba siya nainggit kina Iñigo at Maris na nabalitang nagkarelasyon habang gianagawa nila ang I’m Ellenya L ?

Tugon niya, “Hindi. Bakit naman ako maiinggit?

“I mean, for me, ang gusto ko sa dalawa honestly, professional.

“So, whatever they have, hindi ko naman nakitang merong problema.”

LOVE LIFE

Kumusta na ang lovelife niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin ni Boy 2, “May GF [girlfriend] ako ngayon. Non-showbiz.

“Pero hindi lang ako ganoon ka-exposed pagdating sa mga ganyang bagay.”

Pagkatapos ng relasyon niya kay Rufa Mae Quinto, naka-ilang girlfriend siya?

Patuloy niya, “Meron naman. Pero ten years pa yun [kay Rufa Mae]. Hahaha!

“Masyadong matagal na yun. May asawa na yung kaibigan natin.

“I mean, may girlfriend ako for five years now.”

Wala pa ba silang planong magpakasal?

Pakli niya, “Ayaw ko kasing magkamali.”

Kailan niya planong mag-propose sa girlfriend niya gaya ni Neil?

“Itong partner ko, 'eto,” sabay yakap niya kay Neil na nilapitan siya.

“Committed, e. So, next year.

“Actually, pinaghahandaan namin yung sa kanya.”

NEIL-ANGEL WEDDING SOON?

Next year na ba ang wedding nina Neil and Angel?

“Oo, kailangan kong maging part nun, e.

“Yun yung pinaplano nila na hopefully, but ano, wala pang... wala ako sa ano na magbigay ng impormasyon regarding diyan.

“Pero I’m just here for this guy,” sabay tapik niya kay Neil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito ang dahilan din kung bakit ako nag-direk.”

Ano ang magiging participation niya sa wedding nina Neil at Angel?

“Uh, malamang best man naman ako nito.

“Pero hindi pa kami sure, ha? Pero medyo kasama yun sa, part ako sa pinaplano namin.”

Siya ba ang “nag-direk” kay Neil sa pag-propose niya kay Angel?

‘Hindi, hindi,” mabilis na tanggi ni Boy 2.

“Wala akong kinalaman doon.

“Isa nga ako sa mga nagulat doon, e. Kasi they want it to be very intimate.

“I had an idea pero binigay ko sa kanila, wala ako doon.”

Nagtanong ba sa kanya si Neil kung paano siya magpu-propose kay Angel?

“Not really. Very intimate, e.”

Bilang kaibigan ni Neil, ano sa palagay niya ang nag-trigger para mag-propose na siya kay Angel?

Pabirong hirit niya, “Pangalan pa lang, Angel na, di ba?

“Para mabawasan na lang yung sungay nitong kaibigan ko. Hahaha!

“Hindi, pero sa totoo lang, ayun ang maganda doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Matagal din kasi silang naging magkaibigan.

“Yun ang maganda sa set-up nila. Hindi minadali.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close