Alwyn Uytingco tapped as actor and assistant director for the movie Saranghaeyo

Alwyn Uytingco (in photo) acts opposite Barbie Forteza, Francis Magundayao, Jon Lucas and other teen stars for the movie Saranghaeyo #Ewankosau.


Desidido ang TV5 actor na si Alwyn Uytingco na tuparin ang pangarap niyang maging isang direktor sa hinaharap. Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa kanyang kaibigang direktor na si Roman Perez Jr. na binigyan siya nito ng pagkakataon para maging trainee bilang assistant director sa pelikulang Saranghaeyo #Ewankosau.

Sina Barbie Forteza, Francis Magundayao, Jon Lucas, Elisse Joson, John Matthew Uy, at Joshua Davis ang bida sa pelikula na gagawin sa ilalim ng produksyon ng Bagong Buwan Artist Collective.

Paglalahad ni Alwyn, “Dapat nga palihim ko itong gagawin pero siyempre bakit ko naman ikakahiya, di ba? Sabi nga sa nabasa kong libro, kapag gusto maging seryoso sa isang propesyon huwag mong ikakahiya.

“Actually, nag-Facebook status ako, e, na gusto ko ngang makapagdirek ng pelikula. Dahil friend ko si Direk Roman, nakita niya. Sabi niya, ‘Brad, seryoso ka ba rito?’ Sabi ko, ‘Oo Direk, kung kailangan mo, sabihan mo lang ako. E, sakto gagawin pala niya itong Saranghaeyo. So, doon nag-start iyon. Parang magiging second assistant director ako dito ni Direk Roman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alwyn sa story conference at press launch ng Saranghaeyo na ginanap kahapon, September 7, sa Belleville Café sa Scout Rallos St., Quezon City.

Ano ang motivation niya at naisip niyang pasukin din ang pagdidirek?

“Siguro sa passion ko and ang dami ko ring kasing ideas e, na matagal na matagal ko nang ideas na parang iniisip ko na dapat mag-manifest siya at makita ko sa screen. Ang ganda kasi nung mapapanood mo yung ideas mo sa big screen. Kasi hindi naman yata ibibigay sa akin ni Lord iyong ganung pag-iisip nang walang dahilan, e. So, bakit hindi ko gawin, di ba? And eto nagkaroon na ako ng chance na mag-AD [assistant director]. So, I’m trying na maybe kung hindi man this year o kaya next year na pondohan ko yung gagawin kong short film.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pagiging assistant director, parte rin ng cast ng Saranghaeyo si Alwyn. Ginagampanan niya ang role bilang isa sa mga kapatid ni Francis Magundayao.

Bukod sa mga teen stars na nabanggit, kasama rin sa cast sina Alice Dixson, Martin Escudero, Leo Martinez, Eric Quizon, Jim Pebanco, at iba pa. Magsisimula na ang shooting ng pelikula this week at plano nilang ipalabas ito sa mga sinehan sa Disyembre 3 ngayong taon bago ang Metro Manila Film Festival.

MUSIC VIDEO DIRECTOR. Ang Saranghaeyo ang unang full-length movie kunsaan kasama si Alwyn sa directorial team. Pero bago ito ay naka-experience na rin pala siya na magdirek ng isang music video.

“Kung kilala n’yo si Clem Castro ng Orange & Lemons, meron siyang bagong band ngayon na mare-release na yung album. Yung unang single niya ginawan namin ng music video, ako yung nagdirek tapos concept ko rin.”

Nakapag-assist na rin daw siya dati sa paggawa ng music video para sa isang ABS-CBN talent.

IDOL DIRECTORS. Plano rin ba niyang mag-aral sa school ng pagdidirek?

“Sana, sana magkaroon ng chance. Pero right now wala pa akong makitang open season.”

Sino ba ang mga idolo niyang direktor?

“Well, siyempre isa na riyan si Direk Roman Perez. Pero nag-start ako ng sobrang pagka-idol kay Christopher Nolan. Tapos yung director ng Sin City, si Quentin Tarantino. Sa local, si Lav Diaz. Tapos si Ian Loreños, direktor ko sa The Leaving ng Cinemalaya [2010]. Marami pa.”

Anong genre ang unang proyektong gusto niyang idirek?

“Gusto ko sana psychological. Yung psychological thriller, ganyan.”

ON DIRECTING JENNICA GARCIA. May balak rin ba siyang idirek ang girlfriend niyang si Jennica Garcia?

“Bakit hindi, di ba? Actually, bukod kay Jennica, gusto ko talaga yung friends ko sa showbiz lahat sila isasama ko sa project ko, kung papayag sila sa ipapagawa ko.”

Kung sakali rin daw na matuloy na idirek niya si Jennica, gusto rin daw niyang maging parte ng cast ng pelikulang ito. May mga talent kasi na gumaganap bilang aktor at direktor at the same time sa isang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naisip ko nga kung meron akong project tapos wala akong makuhang artista, e, di ako na lang din, di ba? Gagawin ko lahat para magawa ko yung films ko. Maganda rin yung magiging co-actor ko si Jennica. Bakit hindi?”

Iyon nga raw ang isa sa mga wish niya, ang makatrabaho si Jennica sa isang proyekto.

“Never pang nangyari yun. Siyempre gusto ko siyang makatrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN