Cherry Pie on doing docu about slain mother: "It’s like raping me over and over again."

by Allan Sancon
Jul 7, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Punung-puno ng emosyon si Cherry Pie Picache sa advance screening ng documentary titled Radical Love.

Ang documentary na gawa ng ABS-CBN DocuCentral ay tungkol sa kuwento ng pagpapatawad ni Cherry Pie at ang kanyang pagharap sa taong pumatay sa kanyang ina na si Zenaida Sison noong Setyembre 2014.

Nakita dito kung paano pinatawad ng actress na si Cherry Pie si Michael Flores, ang lalaking pumaslang sa kanyang ina at nahatulan ng guilty sa krimen na robbery at homicide.

Nadiskubreng patay sa pananaksak ang ina ng veteran actress sa bahay nito sa Quezon City. Ang suspek ay ang houseboy ni Zenaida na si Michael Flores. Ayon sa awtoridad, pagnanakaw ang pakay ni Michael ngunit nauwi ang krimen sa pagpatay sa kanyang amo.

Inamin ni Michael ang krimen at nahatulan siya ng habangbuhay na pagkakakulong. Ang sentensiya na binigay kay Michael ay mula 20 years and 1 day to 40 years in jail.

Ginanap ang advance screening sa Dolphy Theater noong July 4, 2019 kasama ang mga kamag-anak at mga kaibigan ni Cherry Pie.

Continue reading below ↓

Present din sa advance screening ang ilang ABS-CBN executives tulad nina Cory Vidanes, Karlo Katigbak, at Ging Reyes na naiyak habang pinapanuod ang documentary.

Matapos ang screening ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang members of the media si Cherry Pie Picache tungkol sa documentary na Radical Love.

Ano ang pakiramdam mo after watching the documentary?

Cherry Pie: “I really feel the gratefulness, kasi noong una, I was hesitant and scared to open up yung story namin this way, tp open up what’s going through this way.

"Ngayon parang medyo na relieve ako getting all the reactions from other people.

"Tapos na-ta-touch ako kasi while we we’re promoting it sa social media, you know there we’re already several stories or several people who have been victims of violent crimes na nagse-send ng message na telling me na they’re inspired, na they will think about it, na na apektuhan sila. So, I feel grateful na there is bigger platform to forgive.”

Continue reading below ↓

Ano ang reactions ng family members niya?

Cherry Pie: "It’s unfortunate that my two ates are not here. They are at the U.S. right now. Walang chance na mapanuod nila ito. Magkakaiba kasi kami ng pananaw sa nangyari, e. My brother is here, I hope after watching the documentary ay nag change yung mind nya? Kasi I mention nga na iba sya at iba ako.”

Paano niya nakuhang mapatawad si Michael, ang pumatay sa kanyang ina?

Cherry Pie: "You know, honestly, that came in, the ‘dasal’ came in talaga about 8 months after the passing of my mom, yun nga, kasi tulad nga ng sinabi ko sa documentary na ‘Kapag may nangyari sayo na ganun, yung dasal mo, kasi lahat naman tayo lagi nagdarasal na Our Father…Our Father…pero pag may
nangyaring ganun sayo, lahat talaga eh, lahat ng words sa dasal mo ay you really mean it. So, dun ako natauhan sa words na ‘Forgive us our sins, as we forgive those who sinned against us.’

Continue reading below ↓

"Sabi ko sa sarili ko na, 'Oo nga naman, paano ako hihingi ng tawad kung punung-puno ng galit ang puso ko?'”

Was it hard to watch the documentary?

Cherry Pie: "Making it for two years was so difficult because sabi ko nga sa kanila na it’s like raping me over and over again kasi naaalala ko lalo na…the most difficult part…never kong nakita yung mommy ko dun sa pinangyarihan ng krimen.

"Katulad ng sinabi ng kuya ko, dahil sa alam ko na, yung driver ko nga yung pinahanap ko kasi ayaw ko nga makita at yung nagyari yun my brother is telling me na halika tingnan natin si mommy, sabi ko na hindi ko kaya. E, ako yung punong abala doon sa docu. I had no choice when we did it, and it’s the first time that I saw her picture.”

Continue reading below ↓

Kailan niya huling nakita si Michael?

Cherry Pie: “That was the last time kami nagkita yung nasa docu, that was last March then nag schedule ako dapat nung birthday ko last May 2019, pero di pa pinayagan. Eto after the promotion of this Radical Love, pupuntahan ko siya uli.”

Buti napapayag niyo si Michael na humarap sa camera?

Cherry Pie: “Noong una, ayaw niya, sa docu, na-cut short na lang yung meeting namin, but he was sharing to me na ayaw niy, pero sabi niya later on na nung nag-isip daw siya na kung makikita lang ng tao na kung paano ang paglihis ng daan what he can do kaya pumayag na din ako, sabi niya.

"Kasi ngayon na bumalik na siya at wala nang sanity, hirap na hirap siya, even him, noong kinakausap ko siya, na gusto niya nang kalimutan na nakagawa siya ng ganung ka-grabe na krimen. Kasi yun lang naman yun, e, kapag gipit ang tao, sa sobrang kapit sa patalim, sa pangangailangan, sa drugs but at the end of the day they deserve a second chance.”

Continue reading below ↓

Ipapalabas na ngayong Linggo, July 7, 2019 sa Sundays Best ang Radical Love at magiging available rin ito online via iWANT.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results