Barbie Forteza co-stars with Francis Magundayao and Jon Lucas in film parodizing K-pop fandom

For her upcoming film titled Saranghaeyo #Ewankosau, Barbie Forteza portrays a bully. Her co-stars in the movie include Francis Magundayao (left) and Jon Lucas (right).


Bilang isang GMA-7 talent, aware si Barbie Forteza sa tinatawag na network wars kaya ganun na lang ang katuwaan niya nang napayagan siyang gumawa ng bagong pelikula sa labas ng kanyang home studio, independent of her contract.

Ito ang mainstream-indie (o maindie) film na Saranghaeyo #Ewankosau na produced ng bagong tatag na Bagong Buwan Artist Collective.

Sabi ni Barbie sa story conference ng project, "Nakakatuwa dahil pumayag ang GMA na makasama ako sa project na ito.

"Dahil po sa project na ito, mapapatunayan nating walang imposible. Wala munang network wars!

"Friends tayong lahat! Kapamilya [tawag sa mga regular talents ng ABS-CBN], Kapuso [ng GMA], Kapatid [ng TV5], friends tayong lahat!"

K-POP PARODY. Isang romantic-drama ang Saranghaeyo #Ewankosau, mula sa screenplay ni En Villasis at direksiyon ni Roman S. Perez Jr.

Makakasama ni Barbie bilang bagong leading man ang dating child actor na si Francis Magundayao. Kasama rin niya ang dalawang maituturing ding baguhan pa sa larangan, sina Jon Lucas at Elisse Joson.

Barbie will play the role of Calixta "Kai" Luna, whom the writer describes as a "K-Pop fan."

K-Pop is Korean Pop, hence the word "saranghaeyo" meaning "I love you" na may malawak na following among Pinoy teenage fans.

Nakakatuwa ang gagampanang papel ni Barbie, although mayroon ding negative side sa character nito, bilang only daughter na lumaki sa yaman at nangungulila sa pagmamahal.

Sa pelikula, bad ass raw si Barbie sa eskuwelahang laan sa mga mag-aaral ng sining.

"Actually, sobrang iba yung character ko dito, I'm a bully!

"Kinakatakutan ako sa school," paglalarawan ni Barbie sa kanyang character named Kai sa panayam ng PEP at iba pang press members last Sunday, September 7, sa Belleville Cafe, Scout Tobias, Quezon City.

THE STORY. Sa kuwento, si Francis Magundayao ang makata na si Sebastian "Baste" Agoncillo, ang nakatakdang maging love interest ni Barbie. Subalit, mauuna ang paghanga ng Barbie character (Kai) kay River Mondragon, na gagampanan ni John Lucas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang si River, school heartthrob ang role na gagampanan ni Jon Lucas. Young achiever, student leader, na magku-complement sa strong personality ni Kai, bilang campus bully.

Pero sa huli, mababaling ang attention ni Kai kay Baste, isang loner at laki sa hirap pero malaki at masaya ang pamilyang nito.

Masalimuot daw ang magiging conflict sa development ng plot, which is meant as a bitter-sweet romance.

"Parang modern version ng Romeo and Juliet at ako ang mang-aapi kay Francis Magundayao," kwento ni Barbie.



BIDA-KONTRABIDA ROLE. First time ni Barbie gaganap sa papel ng isang matatawag na bida-kontrabida.

"Yun ang gusto ko, isa sa mga dream roles ko, na natupad dito sa Saranghaeyo #Ewankosau.

Excited akong gawin ito," lahad pa ng young actress.

Kamakailan, napanood ng marami si Barbie sa pagganap niya sa Mariquina, isang indie film New Breed entry sa nakaraang Cinemalaya X Film Festival.

Impressive si Barbie sa papel ng isang sympathetic na teenager, na halos gumuho ang mundo nang mabatid ang katotohanan tungkol sa extra-marital relationship ng kanyang ama (played by Ricky Davao) at ng mistress nito (Bing Pimentel).

Dahilan 'yon para piliin niyang sumunod sa kanyang ina (Che Ramos) na humiwalay sa asawa at nag-migrate sa Hawaii.

Para sa kanyang pagganap, bilang young Imelda Romualdez Marcos, si Barbie ang tinanghal na Best Supporting Actress sa 2014 Cinemalaya Filmfest.

"Unexpected [ang award]!" masayang wika ni Barbie.

Gano'n na lang ang katuwaan niya't pasasalamat sa producer- direktor na si Milo Sogueco at screenwriter na si Jerrold Tarog ng Mariquina.

Gano'n din kina Ricky Davao, Che Ramos at Bing Pimentel. Si Mylene Dizon ang gumanap bilang adult Imelda.

"I'm very grateful and thankful dahil na-recognize nila yung performance ko as young Imelda."

Ani Barbie, "I'm looking forward na makagawa pa ako ng mga ganung klaseng pelikula.

"Kahit naman walang award, malaking fulfillment, bilang aktor, na makagawa ng mga ganung [role].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang refreshing na yung ibang character, nagagawa mo.

"Dapat iba-iba talaga, para hindi nakakasawa."

INSPIRING. Para din sa award-winning young actress, higit na malalim na pagtugon sa kanyang trabaho o propesyon bilang artista ang naging bunga ng paggawa niya ng isang makabuluhang pelikulang tulad ng Mariquina.

"Sa totoo lang, nakaka-inspire na mas ibigay mo pa yung best mo...

"[Dahil] sa mga naka-trabaho ko sa production, at sa mga actors na nakasama ko na talagang method actors.

"Yung mga sumu-support sa yo, na talagang nagbibigay ng emosyon sa iyo, mga bigatin din talaga," sabi ni Barbie.

Paano nag-prepare si Barbie sa kanyang unang award-winning role at performance sa isang indie film?

"Siguro, mga twice o three times kong binasa yung script," pagtukoy ng young actress.

"Just to understand kung ano ang pinanggalingan ng ganu'ng [mga eksena]…"

Ayon naman kay Chynna Ortaleza, sa isang hiwalay na panayam ng PEP, "Nakaka-impress [si Barbie], kasi kung titingnan mo, simpleng bata na nasanay sa trabaho...

"Alam natin, minsan, napaka-mechanical na ng pag-arte sa mga teleserye...

"Pero si Barbie, napakalalim ng pinaghuhugutan niya ng emosyon."

Flattered si Barbie sa komentong mula sa kapwa niya Kapuso actress.

"Salamat naman," aniya.

"Yun na nga rin po ang isang ipinagpapasalamat ko, na nakagawa ako ng ganu'ng pelikula.

"Aaminin ko, sa tingin ko, may mga times na nagiging stereotype na rin ang akting ko, pagdating sa teleserye.

"Pero lagi kong ipinipilit o lagi kong sinusubukang mag-iba man lang, kahit konti," pagtatapos ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN