Brillante Mendoza preparing for his Yolanda film and Fowl, his entry for Busan Asian Project Market

Brillante Mendoza will shoot Fowl, a film about OFWs, in Singapore. The Filipino director is one of the filmmakers chosen for the Busan Asian Project Market to be held in South Korea this October.


Nagiging abala si Direk Brillante Mendoza sa kanyang film festival kunsaan tampok ang mga pelikula niya at pinapalabas sa iba’t-ibang branches ng SM sa Pilipinas. Nagbibigay rin ang 2009 Cannes' Best Director awardee ng film-appreciation lectures sa mga estudyante.

Noong September 11, bago nagsimula ang programa ng Brillante Mendoza Film Festival sa SM Marikina ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph na makapanayam ang batikang director tungkol sa ilang aabangang proyekto mula sa kanya.

Kamakailan, isa si Brillante sa mga filmmakers na napili para sa Busan Asian Project Market na gagawin sa South Korea ngayong Oktubre.

Sa screendaily.com, ang description para sa pelikula ni Brillante titled Fowl ay: "The story follows Ramon, a Filipino contract worker working at Singapore Post. When his wife Jenny suddenly dies, he has to travel back to the Philippines with her as if she were one of the many parcels he is so used to handling."


Ano ang goal ng Brillante Mendoza Film Festival?

Brillante: “Actually this is our fourth year already, nag start siya sa Pampanga, tapos nagpupunta kami sa iba’t ibang branches ng SM. Tapos we invite students from different schools and universities. Basically, ang objective nito ay magkaroon ng film appreciation, saka magkaroon ng film awareness ang mga estudyante. Kaya nagpupunta rin ako sa bawat festival kasi nagkakaroon kami ng question and answer after every screening.”

Now that this is on its fourth year, anu-anong mga development na nakita ninyo?

Brillante: “Sobrang positive, kasi mayroong mga ilang SM branches na umuulit na ko as much as mga 5x, kahit na sa SM Naga, siguro naka apat na beses na kami doon, also in Batangas, sa Laguna at marami pang ibang branches ng SM. Very successful kasi kahit na sa Q & A, nakikita mo dun na kung dati napakanaïve at masyadong mainstream ang mga tanong, this time mas in depth ang mga tanong nila, mas sa istorya hindi na sa artista. Maganda yun. Everywhere I go, I’m always invited by the local government to shoot or to film dun sa municipalities nila. I feel very much welcome saan man ako magpunta.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano po ba yung nakukuha n'yong satisfaction sa pagbibigay ng film appreciation lectures?

Brillante: “Yun nga, actually, kasi dito parang nagde-develop ka rin ng audience para sa alternative cinema, e. Alam naman nating yung mga pelikula ko, hindi sila talaga mainstream, so, ang mga audience ko naman talaga ay yung mga estudyante, saka yung mga film enthusiasts talaga sa pelikula, hindi talaga sila mainstream. Ang satisfaction ko rito mainly ay yung appreciation nila saka nakakapagdevelop ako ng audience na mag be-benefit sa mga future filmmakers, kumbaga ay mayroon na tayong konkretong audience.

"Halimbawa sa mainstream, mayroon na 'yang audience, e, kahit sino pang artista ang ilagay dyan, panunuorin at panunuorin talaga nila yan, kasi na establish na yung audience for the mainstream. Sa alternative wala pa talaga, kahit sabihin mong mayroon na tayong Cinemalaya, Cinema One, Cinemanila and all, once in a year lang ang mga ito, pero ang maganda ngayon ay mayroon nang awareness. Pero huwag nating i-associate or i-equate yung awareness sa panunuod. Iba yung awareness, aware ka lang. It does not necessarily mean na nanunuod ako, di ba? But then, step by step kasi ito, e. Hindi mo magagawa ito ng overnight, kailangan slowly.”

Kailan kayo pupunta sa Asian Project Market sa Busan?

Brillante: “Sa October 6-8 of this year, pero hindi ako ang pupunta, I’m sending a representative. Si Larry [Castillo], yung aking producer. Kasi busy ako sa mga ginagawa ko rito.”

Please tell us something about your film Fowl.

Brillante: “Tungkol ito sa isang OFW, na nagtatrabaho sa Singapore na namatayan siya ng asawa. Tapos yung asawa nya, iniuwi niya na bangkay na sa Pilipinas. So, yung tragedy na yun, yung tragedy na dinadanas ng OFW na nakikibaka sa ibang lugar. Tulad ng sa Singapore na first world country, na nagko-cope yung mga katulad nating Pinoy to go to the first world country. Kasi naman kahit tayong mga Pinoy, kahit nasa First World country ka, di mo pa rin ini embrace na nasa First World ka, kasi ipinadadala mo pa rin yung pera mo dito sa Pilipinas. When you encounter a tragedy like this, worst na namatay ang asawa mo sa ibang bansa, ano ang gagawin mo? Dito, iikot ang istorya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Is Fowl based on a true story? Saan n’yo nakuha ang idea para gawin itong pelikula?

Brillante: “It is based on a true story, a true story of my family that is very close to my heart, kaya medyo mas personal yung story.”

Sino po yung artista n'yong kukunin para sa Fowl?

Brillante: “Wala pa, actually ngayon ang ginagawa namin ay dinedevelop namin yung story, dinedevelop namin yung mga characters, para pag nag shooting kami doon sa Singapore, bagay yung characters. Kasi sa Singapore ang shooting namin.”

Meron na po ba kayo sa isip nyo na babagay dun sa characters na dine develop n'yo sa Fowl?

Brillante: “Wala pa, wala pa talaga. Kasi pag ganito kasi mas dine-develop ko talaga yung kwento more than the actors. Kasi sa actors, magagaling ang halos lahat ng mga artista natin, e. Pero siyempre isa sa iko-consider ko kung sino ang available? Especially nga sa Singapore kami mag shoot, medyo matagal kami mag stay dun.”

Ang main character n'yo rito sa Fowl, is it a male or a female?

Brillante: “And lead cast ko rito ay male.”

Will you consider Coco Martin for the lead role in Fowl?

Brillante: “Baka hindi na kaya ng schedule ni Coco ngayon, e, sobrang busy na sya ngayon, e.”

Can you tell us something about your project sa France?

Brillante: “Well, yung sa France naman kasi, eto yung project na dinala ko sa Hong Kong na natanggap naman siya sa France, hindi pa siya masyadong develop. Siguro mauuna pa itong Fowl, na isu-shoot sa Singapore. Kasi mas gamay ko na yung kwento ng Fowl, kasi yung sa France medyo malaki masyado, e.”

Anong genre ng two films na isu-shoot n'yo rito dito sa Pilipinas?

Brillante: “Meron akong isushoot ngayon na parang docu tungkol sa Tacloban. About Yolanda, sa mga victims ng Yolanda. Hanggang dun na lang muna para di ma pre-empt.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Confirmed na po ba na si Nora Aunor yung gaganap dun sa movie n’yo about Yolanda?

Brillante: “Wala pa, wala pa kaming napag-usapan. Hindi pa kami nagmi-meeting about it.”

Kailan ang target date n'yo para sa film na ito para mapanuod dito sa Pilipinas?

Brillante: “Before end of the year siguro, tapos na yun. Sana, kung matapos namin this year yung film, baka mapanuod na nila early next year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN