Barbie Imperial willing and eager to be the kontrabida of Darna

by Glenn Regondola
Jul 19, 2019
Barbie Imperial on auditioning for Darna role: "May nagsasabi sa akin, pero hindi ko na itinuloy. Alam ko naman na hindi ako lulusot kasi mestiza ako."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nasa San Vicente, Palawan si Barbie Imperial nang mapabalitang si Jane de Leon ang napili bilang pinakabagong Darna/Narda.

“Maganda siya!” masayang sambit ni Barbie na nainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Hulyo 17, Miyerkules, sa Club Agutaya sa San Vicente.

“Sa tingin ko naman, kaya niyang gampanan ang role. Kasi, magwu-workshop pa naman siya para diyan.

“Kung may mamba-bash sa kanya, normal na iyon.

"Pero sana, bigyan natin siya ng chance. Maganda siya."

Bakit hindi siya nag-audition sa nasabing coveted role?

“May nagsasabi sa akin, pero hindi ko na itinuloy.

"Alam ko naman na hindi ako lulusot kasi mestiza ako," paliwanag ng Kapamilya young actress.

“Simpleng babae lang naman si Darna, lalo na kapag siya si Narda, di ba?

“At saka, matapang ang face ko.”

BARBIE AS DARNA'S CONTRAVIDA?

Handa siyang maging kontrabida ni Darna, kung sakali.

“Gusto ko ‘yan, Mama!” halos mapasigaw na sabi ng 21-anyos na si Barbie.

Continue reading below ↓

“Gusto ko ring i-try yung kontrabida roles. Kung may offer, why not?”

Type niya ang action scenes, kagaya ng kasalukuyang ginagawa niya para sa iWant kasama si Elisse Joson.

“Well, yung sa amin ni Elisse, action po yun, so, bago po siya for me.

“Sobrang na-excite ako nang malaman na may ganun, kasi dream ko po kasi, na action naman. Hindi naman puro kilig, ganun.

“Kaya, sa training pa lang namin, ginagalingan ko na talaga. Kasi, excited po talaga ako.

“Maganda naman kasi, yung may variety of roles ka na gagawin, di ba?” lahad pa ni Barbie, na isa sa guests sa inaugural flight ng Skyjet Airlines mula sa Manila hanggang Palawan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial on auditioning for Darna role: "May nagsasabi sa akin, pero hindi ko na itinuloy. Alam ko naman na hindi ako lulusot kasi mestiza ako."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results