"Katas ng Saudi" tackles lives of returning OFWs


Lorna Tolentino (left) and Jinggoy Estrada (right) play acouple who try to rebuild their relationship after ten years of beingphysically apart. Katas ng Saudi is the Metro Manila Film Fest entryof MaverickFilms that opened in theaters nationwide on December 25.



Napansin ng entertainment press ang epektibong pagganap ni JinggoyEstrada bilang si Oca, isang OFW (Overseas Filipino Worker) sa pelikulang Katas ng Saudi. Kahit nagko-comedy ang anak ni Joseph Estrada ay napaiyaknito ang mga manonood sa press preview nitong pelikulang Maverick Films sa Podium, Ortigas Center, noongDecember 13.

Isang OFW dito si Jinggoy na nagbalik sa pamilya pagkalipas ngsampung taon ng pagtatrabaho sa ibang bansa. Nagsimula ang conflict sa kanyangpagdating sa Pilipinas. Pinoy na pinoy ang treatment ni Direk Jose JavierReyes. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) natanungin si Direk Joey kung paano niya na-motivate ang senador upang umarte ngganito.

"Napakadali. I gave him confidence with fact that he canact. And I told him, he can act by not acting. You feel the role kasisabi, tatay ka at alam mo ang situwasyon ng mga OFW. Sabi ko pa, hindi kokailangan ang Erap, hindi ko din kailangan ang FPJ. Ang kailangan ko,isang tatay na Filipino at tatay ka."

Kasama sa cast si Arron Villaflor na ginampanan ang anak ni Oca (Jinggoy). Pinagdududahan siyang bading ng ama dahil wala itong ginawa kundi angmag-aral at hindi nababalitaan kung may nililigawan.

Ayon kay Arron, malayong mangyari sa sariling buhay na siya ay magiging gay. "Hindi totoo 'yon. Siyempre ang mga tao talagang pagdududahan kadepende sa role na ginagampanan mo, lalo na ang papel ng isang bakla."

Malaki ang pagpapasalamat ni Arron dahil muli siyang pinagkatiwalaan ngmagaling na direktor at isinama siya sa pelikula. Isang markadong papelang kanyang ginampanan at itinuturing niya itong malaking blessing.

"Nagpapasalamat ako kay Direk dahil nahasa ang aking craft sapamamagitan ng kanyang mga payo at pagbibigay nito ng motivation saakin."

Kasama sa cast si Lorna Tolentino na gumanap bilang asawa niJinggoy. Ang mga gumanap na anak nila ay sina Arron, Shaina Magdayao, at JulianEstrada (anak ni Senador Jinggoy sa tunay na buhay). Kasama rin dito sinaEugene Domingo, Bayani Agbayani, Liza Lorena, Dick Israel, Vangie Labanab,Mandy Ochoa, Ernie Zarate, at Rayver Cruz bilang kasintahan ni Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In a special role naman as barangay chairman si Atty. AdelTamano. Ang Katas ng Saudi ay dream project para kay DirekJose Javier Reyes dahil matagal na nitong pangarap na makagawa ng pelikulangtatalakay sa buhay ng mga OFW.

"Something meaningful but not too serious. The movie willmake people laugh but at the same time shed tears. This is the perfectentertainment this Christmas."

Katas ng Saudi was graded A by the CinemaEvaluation Board and classified for general patronage by the Movie andTelevision Review and Classification Board. It is now showing in theatersnationwide.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN