Vice Ganda confident that Coco Martin's movie will be included in MMFF 2019

by Nikko Tuazon
Jul 23, 2019
Vice Ganda dressed up as a doll at the launch of his Vice Gandoll Brow Collection held at the Bonifacio Global City, Taguig, on July 18, 2019.
PHOTO/S: Nikko Tuazon

Kumpiyansa si Vice Ganda na makakapasok rin ang pelikula ng kaibigan niyang si Coco Martin sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019.

Noong July 10, Miyerkules, inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang unang apat na pelikulang lalaban sa MMFF 2019.

Kabilang dito ang: (K)Ampon, starring Derek Ramsay and Kris Aquino; Miracle in Cell No. 7, starring Aga Muhlach and Nadine Lustre; Mission Unstapabol: The Don Identity, starring Vic Sotto and Maine Mendoza; at ang Momalland, kung saan kasama ni Vice Ganda ang It's Showtime co-host nito na si Anne Curtis.

Ang script ng pelikula ni Coco na kasama sina Ai-Ai delas Alas at Jennylyn Mercado ay hindi napili ng MMFF 2019 selection committee.

Ngunit may pag-asa pa itong makuha dahil ang apat na natitirang slots para sa MMFF 2019 ay ibibigay sa mga finished films.

Confident si Vice Ganda na mapapabilang ang pelikula ni Coco sa isa sa apat na finished films na pipiliin ng MMFF 2019 committee.

Continue reading below ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice Ganda sa July 18 launch ng kanyang Vice Gandoll Brow Collection na ginanap sa Bonifacio Global City, Taguig.

Pahayag ng TV host/comedian, "Feeling ko naman papasok. Yung next four kasi, ang basis naman complete material, yung complete movie na ang papanoorin ng committee.

"Pinagtatrabahuhan din naman ni Coco, so feeling ko naman makakapasok yun. Sayang din naman kung hindi."

Dagdag pa ng It's Showtime host, "I'm very confident na papasok yung movie niya. Maganda rin yung material ni Coco.

"Hindi papayag yun na hindi maganda yung material niya."

WORKING WITH ANNE CURTIS

Laking pasasalamat naman ni Vice Ganda dahil napili agad ang script ng kanyang pelikula para sa MMFF 2019. Kaya naman excited na rin tong simulang gawin ang kanilang pelikula.

Aniya, "We were very happy. We were all praying na matanggap yung entry namin kasi yung first four na matatanggap, script lang ang basis.

Continue reading below ↓

"So sabi namin, 'Sana sa script pa lang magustuhan na nila.'

"Binigay naman ng Diyos, sa script pa lang pasok na kami.

"Pasok kami dun sa first four na entries ng Metro Manila Film Festival."

Ikinatutuwa rin ni Vice Ganda na makakasama nito si Anne Curtis sa pelikula.

"Nag-guest na siya sa movie ko dati, yung Petrang Kabayo.

"Nag-cameo lang siya, yung first-ever movie ko.

"So ngayon full-length na at talagang kami ng yung bida.

"At saka kasama 'to sa 10th anniversary ng It's Showtime."

MOMALLAND

Ayon kay Vice Ganda, ang Momalland ay working title pa lang ng pelikula at maari pa itong palitan.

Paliwanag nito, "Actually, yung Momalland, ano lang siya working title.

"Kasi nung nagpasa kami ng script, kailangan talaga may title yung material pero hindi pa talaga, definitely, hindi yun yung title."

Ibinahagi rin ni Vice Ganda kung saan iikot ang istorya ng kanilang MMFF 2019 entry.

Continue reading below ↓

Kuwento nito, "Kaya siya naging Momalland dahil yung setting namin, sa mall.

"Lahat ng magaganap sa pelikula, naka-concentrate kami sa mga pangyayari sa mall.

"Kasi si Moira na character, ako yun, may-ari siya ng mall.

"'Tapos kapatid ko si Anne Curtis."

Si Tony Labrusca ang partner ng karakter ni Vice Ganda.

"Love interest niya ako, para maiba. Dito, siya yung may gusto sa akin, wala akong gusto sa kanya.

"Ang ganda, di ba?"

Kasama rin nina Vice Ganda at Anne sina Dimples Romana at Kit Thompson sa proyektong ito.

May big star din daw na kasama sa pelikula ngunit hindi pa ito pinapangalanan ni Vice Ganda.

Aniya, "Meron kaming big star na surprise. Malaki yung part niya sa movie, hindi lang namin ni-reveal dun sa presscon kasi nga surprise yung paglabas niya."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda dressed up as a doll at the launch of his Vice Gandoll Brow Collection held at the Bonifacio Global City, Taguig, on July 18, 2019.
PHOTO/S: Nikko Tuazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results