Enzo Pineda reveals thoughts about doing intimate scenes with childhood crush Sunshine Cruz

by Rommel Gonzales
Jul 23, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

Pinakamapangahas na papel so far ang ginampanan ni Enzo Pineda sa Malamaya, isa sa 10 full-length films na magtatagisan sa 15th Cinemalaya indie filmfest (Agosto 2-13, 2019).

“In terms of exposing my body, pero daring naman can be something else, e,” lahad ni Enzo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon noong Hulyo 16, Martes, sa Annabel’s, Morato Avenue, Quezon City.

“Parang it can be a different… like, daring when it comes to emotionally.

"Pero ito, more on like my physicality, physical looks, external, yes.

“Love scenes, yes.”

May pumping scene sila ni Sunshine Cruz sa Malamaya.

INTIMATE SCENES WITH SUNSHINE CRUZ

Aminado si Enzo, 28, na tinablan siya o na-arouse habang ginagawa nila ni Sunshine, 42, ang love scenes.

“To be honest, childhood crush ko si Miss Shine! And to be working with her, grabe!

"Ano bang… ang suwerte ko to be working with her and to be working also with Raymond Bagatsing.”

Continue reading below ↓

Paano kinontrol ni Enzo ang sarili sa intimate scenes nila ni Sunshine?

“Actually, hindi ko na ma-recall yung nangyari. Basta, ginawa na lang namin yung mga eksena.

“Medyo, it was tough kasi, of course, it’s just not me na I’m having a sexual scene with somebody.

"I’m having a sexual scene with Sunshine Cruz!

“So, bilang lalaki, parang I have to gather a lot of confidence with myself para makisabay lang ako sa kanya.

“Parte na nun is working out and, to be honest with everybody, bago ako pumunta sa set, kino-condition ko yung utak ko na I’m this type of guy na Sunshine would probably want in her life.

“Kasi, kung hindi ko kayang ma-achieve yun, hindi rin siya makakakuha ng connection with me.

“Or kung I’m gonna act my age, kasi ang totoong Enzo, probably totoy, relaxed lang, simple lang...

Continue reading below ↓

“So, I have to really step up my acting game para maging convincing ako sa kanya at magustuhan din ako ni Miss Shine sa mga eksena.”

FALLING FOR A COUGAR

Sa tunay na buhay ba ay may matrona, cougar or older woman na nagkagusto kay Enzo?

“I guess, meron. Wala naman nagpaparamdam!” at natawa ang hunky actor.

“Pero if ever man, maa-appreciate ko sila.”

Kapag may nagparamdam, ano ang gagawin niya? Tatanggihan ba niya tatanggapin?

“Siyempre, hindi naman po ako ganun.

"Hindi naman po puwede yung babae yung nanliligaw. Dapat, yung lalaki ang nanliligaw.

“Siyempre, dapat gentleman pa rin ako.”

Hindi pa raw niya naranasan ang ganoong sitwasyon, na ang babae ang nanliligaw sa lalaki.

“If ever man… hindi ko po alam.”

BIG EXPECTATIONS

Dahil sa paghuhubad niya sa Malamaya, tiyak na higit pa ang aasahan kay Enzo ng mga tao sa susunod niyang projects.

Continue reading below ↓

Papayag ba siyang mag-frontal nudity?

“Ah… I have my limitations, I have my limitations.

"Hanggang dito lang po ako,” patungkol niya sa pagpapakita ng puwet sa Malamaya.

Kahit na sa pang-award na pelikula pero may full frontal nudity?

“Ah siguro, pag-iisipan ko muna.

“I have to fully understand the film and hindi naman ako yung taong I’m gonna do it just for the sake of exposing myself, magpapapansin ako.

“I have to see a bigger picture why I’m doing this scene, why am I doing this character.

“So, it has to be something bigger than that.

“And ako po, tumatanggap ako ng roles not just for the thrill, but I want it to have an impact on society.

“Probably, mga lessons… maraming lessons na makukuha sa film na ‘to at sana, tumatak po yun sa mga tao.”

Continue reading below ↓

Ano ang pinakaimportanteng leksiyon na makukuha ng mga tao sa Malamaya?

“Siguro, love knows no age, gender, boundaries.

"Maiintindihan nila rito yung paghihirap ng isang artist.

“Maraming struggling artist ngayon who are trying to make ends meet. Pero dahil sa passion nila, nagpupursige sila.

“And makikita nyo kung gaano kahirap ang buhay bilang artist sa pelikulang ito.”

Sa direksiyon nina Danica Sta. Lucia at Leilani Chavez, ang Malamaya ay iprinodyus ng Spears Films, ALV Films, at Cine Likha.

Ang Gala Night nito ay sa Agosto 6, Martes, 6:15 P.M. sa CCP Main Theater (Tanghalang Nicanor Abelardo).

Ang commercial run nito ay simula Agosto 14, Miyerkules.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results