Kapuso comedienne Lovely Abella relates experience working with Kapamilya star Kathryn Bernardo

by Rommel Gonzales
Jul 26, 2019
Lovely Abella on working with Kathryn Bernardo: "Siya ang nagbibitbit ng gamit niya, siya talaga. Pati tumbler, kung hindi siya kailangan, hindi siya puwedeng yung bibigyan ng tubig."
PHOTO/S: Noel Orsal

Domestic helper (DH) na kaibigan ni Kathryn Bernardo ang papel ni Lovely Abella sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

“Mabait! Walang superstar [na ere]!” paglalarawan ni Lovely kay Kathryn nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Hulyo 22, Lunes, sa Pamana restaurant, Quezon City.

“Kasi, nung nasa Hong Kong po kami, hindi po talaga in-allow ni Direk Cathy [Garcia-Molina] na maging superstar siya.

"Siya ang nagbibitbit ng gamit niya, siya talaga.

"Pati tumbler, kung hindi siya kailangan, hindi siya puwedeng yung bibigyan ng tubig.

"Siya po, kailangan niyang pumunta at kunin ang tubig niya.

"Ang katabi niya po sa kuwarto, hindi yung mommy niya, yung ganun po.

"Hindi ko na-feel kay Kath na superstar siya."

Ganoon din si Alden Richards na leading man ni Kathryn sa Hello, Love, Goodbye.

“Si Alden po, ganun din, hindi po siya pa-superstar.

"Although siyempre po, may mga kasama, pero hindi po talaga in-allow na maging superstar," sambit ni Lovely.

Continue reading below ↓

NO NETWORK WAR

Naging close daw silang mga artista sa pelikula.

Bukod kina Kathryn at Alden, kasama rin ni Lovely na nag-shooting ng Hello, Love, Goodbye sa Hong Kong sina Joross Gamboa, Kakai Bautista, Jeffrey Tam, at Maymay Entrata.

Kuwento ni Lovely, “Kasi ano po, e, nung time na nandun kami sa Hong Kong, parang pagkatapos ng shoot, kami-kami rin, magkikita.

“'Tapos, napapag-usapan na namin yung life namin, kung ano yung gusto ng bawat isa, hanggang sa iyon, naging close na lang kami dahil sa mga ginagawa namin dun sa Hong Kong, sa mga labas-labas namin.

“Na ito palang si Kath na, I mean, yung personality ni Kath, si Maymay, so nagkaintindihan, nagkasundu-sundo po kami.”

Hindi nila naramdaman na magkakaiba sila ng TV network na kinabibilangan.

Kapamilya sina Kathryn at Maymay, samantalang Kapuso sina Lovely at Alden.

Hindi nila napag-usapan ang network war.

“Ay! Wala pong ganun!

"Actually nga po, sabi ko nga kay Kath talaga, sabi ko sa mga tao, thankful talaga ako na yung mga nakakatrabaho ko, sobrang bait.

Continue reading below ↓

“Kasi si Kath pa ang unang nag-ano sa akin na, ‘Ga, tara, mag-cycling tayo!’ Siya yung nag-offer sa akin.”

Nag-cycling (spin class) sila habang nasa Hong Kong sila during the shoot ng Helo, Love, Goodbye.

Nag-usap sila ni Kathryn na magkikitang muli sa Pilipinas para mag-workout.

Kuwento pa ni Lovely, binigyan siya ni Alden ng HK$500 para pampa-enroll sa spin class.

WORKING WITH ALDEN

Magkasama sina Alden at Lovely sa Sunday PinaSaya. Ano ang kaibahan na katrabaho si Alden sa isang Sunday musical show at sa isang pelikula?

Ayon sa Kapuso comedienne, “Sa pelikula kasi, mas matagal yung napapagsamahan naming oras, e, tsaka panahon, so mas nakilala ko talaga siya dun.”

May bago ba siyang nadiskubre kay Alden?

“Ever since po na nakilala ko siya, talagang mapagbigay na siya talaga, e.

"Kaya yung gaan siguro ng loob ko na biruin, or paringgan siya, ganun-ganun na lang!" at tumawa si Lovely.

Continue reading below ↓

“Nagparinig” siya bilang pagbibiro kay Alden na kailangan niya ng HK$295 para sa spin class, na sineryoso ng Kapuso actor at binigyan si Lovely ng HK$500.

“'Tapos, mas iba siya dun, parang… actually ganun din naman.

"Pero nakita ko yung... dito sa movie, kasi nakita ko yung... nag-open up siya sa akin na, ‘Ga, eto na ‘to, eto na ‘tong movie na ‘to!’

“Na parang… ipinagdasal niya pala talaga ‘to na matuloy.

“Nung time kasi po na nag-usap kami, parang nag-Holy Land po sila ng mga taga-Eat Bulaga!, ito raw talaga yung pinag-pray niya.

“Kaya sabi niya, ‘Ga, huwag kang mag-alala,’ sabi niya, ‘gagalingan ko talaga rito.’

“Actually, magaling po talaga.

"Hindi pa namin napapanood yung buong film, pero according sa mga naririnig namin, talagang ginalingan niya po.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovely Abella on working with Kathryn Bernardo: "Siya ang nagbibitbit ng gamit niya, siya talaga. Pati tumbler, kung hindi siya kailangan, hindi siya puwedeng yung bibigyan ng tubig."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results