Xian Lim says Kim Chiu proudly supports his directorial venture

by Julie E. Bonifacio
Jul 27, 2019
Xian Lim says girlfriend Kim Chiu has been very supportive of his new directorial venture, particularly for his directorial movie project and Cinemalaya 2019 entry, Tabon: “Everyday, kino-congratulate niya po ako sa journey po na ‘to. At siyempre, malaking parte po si Kim sa pagbuo ko ng pelikula ko."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Wala si Kim Chiu sa cast ng pelikulang Tabon, ang directorial debut ni Xian Lim na isa sa 10 full-length films na magtatagisan sa 15th Cinemalaya filmfest mula Agosto 2-13, 2019.

“I think it’s more of ano, magkaiba kasi kami ni Kim, e.

“So, I don’t know.

“I mean, in the future, why not?” paliwanag ni Xian nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) sa launch ng Cinemalaya 2019 noong Hulyo 9 sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

“Alam na alam ni Kim, dugo at pawis ang inilagay ko sa pelikulang ‘to.

“Alam niya talaga na this is something na gusto kong gawin.

“This is something na I’ve always wanted to do and talagang binigyan ko ‘to ng oras,” pagmamalaki niya.

Darating ba si Kim sa gala night ng Tabon sa August 7 sa CCP Main Theater?

Continue reading below ↓

Lahad niya, “I hope.

“I mean, I’m sure, siyempre she’s gonna be watching it.

“But I think, she would be in ASAP and abroad.

“Meron silang show abroad, sa San Francisco. But I’m sure she will be able to watch the film.”

Binati na ba siya ni Kim sa pagiging direktor niya?

Kuwento ni Xian, “Everyday, kino-congratulate niya po ako sa journey po na ‘to.

“At siyempre, malaking parte po si Kim sa pagbuo ko ng pelikula ko.

“Pero ayoko naman siyang abalahin.

“Ayokong sabihin na, ‘Eto po, nabuo because of Kim.’

“No, hindi po ganoon.

“Meron po si Kim na sarili niya. Meron pong sariling journey si Kim.

“Meron po akong sariling journey.

“And nagkataon po, me and Kim, we support each other sa lahat ng endeavors namin.

Continue reading below ↓

“I mean, mapa-work with other leading man, leading lady, we support each other.”

ASSEMBLING THE CAST

Paano niya binuo ang cast ng mga artistang gaganap sa Tabon?

“Tinext ko lang sila. Ganoon lang kadali.

“Hahaha!” pabirong hirit niya.

Pero mas seryoson niyang pahayag kalaunan, “No, I reached out to them and I told them about the concept, and if they’re willing to ano, if they’re willing to be part of my first film.

“So, nakakatuwa naman na, siyempre nakakakaba.

“It’s my first time and I wouldn’t really know how kung paano makaipag-usap sa artista.

“Grateful naman ako siyempre na nandito na kami sa point ngayon na naitawid namin.

“Si Ynna [Asistio], nakasama ko na siya. Nagkasama na kami sa isang project.

“And si Sir Benj [Benjie Felipe], nagkasama kami sa Cinemalaya din. Two Funerals.

Continue reading below ↓

“The first couple of pages pa lang nitong pelikula, I already had a couple of people in mind.

“And that’s without a doubt, siyempre, yun nga si Sir Benj.

“They were the first ones na talagang nasa isip ko, na while writing the script, 'Si ano ‘to!'”

How does it feel na siya na ang nagbibigay ng instruction sa mga artista niya sa set?

Pag-amin niya, “At first, medyo nakakagulat kasi coming from mainstream films.

“'Tapos, nasanay ako na, yun nga, pupunta lang ako sa set.

“Makikinig lang ako sa mga kailangan kong gawin, ‘Ah, eto ang gagawin natin?’ 'Tapos, uwi na. Hahaha!

“E, di ba, ganoon lang talaga siya kasimple? 'Tapos, matutulog ka kapag hindi ka kailangan.

“But this time around, ang daming responsibilities sa lahat ng tao to make sure, una sa lahat, healthy working environment.

Continue reading below ↓

“At the same time, they got the story across. I stick, but there’s that responsibility na, ‘Hindi. Hindi tayo matitibag dito. Eto ang gagawin natin.’

“But at the same time, being open enough that it is a collaborative process pa rin.”

SELF-TAUGHT

Nag-aral ba siya ng kahit anong kurso on filmmaking?

Mabilis niyang tanggi, “Ay, no, no! Wala po ako noon.”

Saan siya kumuha ng kaalaman sa pagdidirek?

“Sa set na rin po siguro,” amin niya.

Anong aspeto sa pagdidirek siya nahirapan?

Saad niya, “Sa lahat po ng aspeto. Hahaha!

“Mahirap siya, e. Oo, ang hirap!

“This experience gave me a whole new perspective—a whole new respect to writers, to production.

“Iba siya, e, Iba talaga siya.

“Iba yung nasa harap ka lang ng kamera, pupunta ka at uuwi ka pagkatapos ng trabaho.

Continue reading below ↓

“Iba naman yung andon ka and you’re listening to everyone, and your collaborating with so many people.”

DIRECTOR AND PRODUCER

Si Xian din ang producer ng Tabon.

“Opo,” mapagkumbabang sabi ni Xian.

“And hindi naman dahil sa keri ko naman.

“It’s more of parang... uhm, I feel na mas matututo ako and yung responsibility ko sa project

“E, kung ganoon kadali ko lang siguro nakuha, baka mapabayaan ko lang.

“But eto talaga, it’s really hard-earned to produce the film.

“And kung magkamali man ako, I need to stand up for that mistake and fix the mistake.

“Yes, magastos na mistake! Hahaha!”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim says girlfriend Kim Chiu has been very supportive of his new directorial venture, particularly for his directorial movie project and Cinemalaya 2019 entry, Tabon: “Everyday, kino-congratulate niya po ako sa journey po na ‘to. At siyempre, malaking parte po si Kim sa pagbuo ko ng pelikula ko."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results