Alden Richards cries at world premiere of movie with Kathryn Bernardo

by Rose Garcia
Jul 31, 2019
Kapuso actor Alden Richards says his expectations were surpassed after watching Hello, Love, Goodbye.
PHOTO/S: Mark Atienza

Hindi lang ang mga nanood ng world premiere ng pelikulang Hello, Love, Goodbye ang mapupula ang mga mata nang magbukas na ang ilaw ng sinehan sa SM Megamall noong Hulyo 30, Martes ng gabi.

Maging ang male lead ng movie na si Alden Richards ay nakita naming nakayuko at ilang segundo pang nakaupo bago ito tumayo at binati ng mga nanonood.

Nang makausap saglit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden ay halatang galing sa pag-iyak ang mga mata nito.

“Yung dulo... doon ako sa dulo bumigay,” pag-amin ni Alden.

“Parang dun nag-dawn sa akin na, 'Yes, tapos na. Tapos na yung movie.' Nag-flashback na mabilis.”

Sa premiere night lang din napanood nang buo ni Alden ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Kinumusta namin ang Pambansang Bae kung na-meet ang expectation niya sa pelikula na may isang buwan din nilang ginawa sa Hong Kong.

Continue reading below ↓

Nakangiting sabi niya, “It surpassed. Thank you, Star Cinema.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Alden Richards says his expectations were surpassed after watching Hello, Love, Goodbye.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results